Study vs. Love
"Anjolor Faye! Anak lumabas ka nga diyan sa kwarto mo!" nagulat ako sa sigaw ni mommy mula sa baba kaya dali-dali kong inayos ang librong binabasa ko at lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag-abalang tingan pa ang sarili ko sa salamin.
"Seriously bunso? Anong itsura 'yan? Wala ka man lang ba salamin sa kwarto mo? Malapit ng gawing pugad ng mga ibon iyang buhok mo." taas kilay na tanong ni Ate Kim habang tinuturo ang buhok kong hindi ko na pinagkaabalahang suklayin mula ng magising ako.
"Buti naman at ng lumabas ka na ng kwarto mo anak. Alas tres na ng hapon at ngayon ka lang lumabas, nagpahatid ka lang ng pagkain kanina kay manang! Ano bang pinagagawa mo at palagi kang nakakulong sa kwarto mo?" takang tanong saakin ni mommy habang nakapameywang kaya matamis akong ngumiti para mabawasan ang inis niya saakin.
"Tinatapos ko lang po mommy 'yung librong binili ko nakaraang araw." sagot ko kaya ngumiwi saakin si Ate.
"Ala sige anak, diyan ka sa garden magbasa. Ang putla-putla mo na subukan mo kayang nagbilad ng kahit konting oras sa araw at konti na lang mukha ka ng bangkay na naglalakad. Binibigyan naman kita ng pera bakit hindi ka gumala? Gayahin mo ito si ate mo na gumagala paminsan minsan at hindi palaging nagkukulong sa kwarto tulad mo." panenermon ni mommy kaya napabuntong hininga ako.
Heto na naman po tayo sa gayahin mo si ate. Palagi na lang gayahin mo si ate mo, lahat na lang sila gayahin mo si ate mo, hindi ba nila naiisip na magkaiba kami? Bakit ko siya gagayahin kung hindi ko naman gusto ang buhay na katulad ng sa kaniya? Ipinapakita ko sa kanila ang totoong ako pero hindi nila gusto at palagi na lang gayahin mo ang kapatid mo.
"Hay nako mom. Huwag ka nang umasang aalis 'yan si bunso at mahal na mahal niyan ang libro niya, baka nga ay umiyak pa 'yan kapag nahiwalay siya sa mga libro niya." singit ni ate sa usapan namin kaya napangiwi ako.
"Alam mo ate, umalis ka na at baka late ka na naman sa usapan niyong magkakaibigan." pagtataboy ko rito paalis kaya tiningnan niya ang relo niya at tumayo na para magpaalam.
"Goodbye sis, papasalubungan na lang kita ng libro at paborito mong cookies. Huwag ka masyadong makulit para hindi mahaggard sayo si mom." sabi niya pagkahalik sa pisngi ko. Napangiti naman ako lalo ng sinabi niyang bibilhan niya ako ng libro.
Pumunta ako sa ref para maghanap ng pwedeng kainin at ng makita kong may cake at softdrinks pa ay agad ko itong kinuha. Umupo ako sa tabi ni mommy na nagtitipa sa kanyang laptop.
"Anak, pwede ka bang mausap ni mommy?" marahang tanong ni mom kaya tumango ako. Sinarado niya ang laptop niya kaya ginilid ko na ang platitong pinagkainan ko at ngumiti sa kanya.
"Bakit hindi mo subukang ibalik ang dating buhay mo bunso?" tanong ni mommy kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nagbaba ako ng tingin bago ngumiti ng mapakla.
"Paano ko mom ibabalik yung dating buhay ko...yung dating ako kung ayun ang naging dahilan para mamatay ang bestfriend ko? Hindi ko deserve mommy maging masaya sa buhay habang yung kaibigan ko ay binawian ng buhay ng dahil saakin." mapait na sagot ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"Dalawang taon na anak ang nakakalipas, hindi mo pa rin ba napapatawad ang sarili mo? Hindi mo kasalanan ang lahat nang 'yun. Walang sumisisi sayo sa nangyari, kahit ang mga magulang ng kaibigan mo ay hindi nagalit sayo. Hindi mo ginusto ang lahat ng nangyari anak, hindi mo ginustong masagasaan si J-jane." pag-aalo niya saakin pero hindi ko mapigilang humikbi lalo na nang marinig ko ulit ang pangalan ng kaibigan ko.
"Pero dahil saakin kaya siya nasagasaan mommy! Kung hindi niya ako niligtas ay dapat ako yung nasagasaan! Ako dapat yung namatay at hindi siya. A-ang dami niyang pangarap mommy sa buhay pero dahil sakin...dahil s-sakin ay naglaho ang lahat ng pangarap niya. Ng dahil saakin kaya namatay siya ng maaga." hagulgol ko kaya niyakap ako ni mommy para patahanin pero sa halip na tumahan ay mas lalo lang akong naiyak dahil naalala ko lang ang araw na bawian ng buhay ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
That One Painful Sunset (Completed)
Teen FictionWhat if your only role in the life of the person you love is to prepare them for their next relationship? Anjolor Faye Andes, a girl who's stuck on the past. She keeps on blaming herself because of the death of her only bestfriend. For her, she does...