Official
"Bagay sayo bunso! Angg ganda ganda mo tingnan!" masayang puri saakin ni ate habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. Ngayon ang finals nina Yvan buti na lang at sabado kaya makakapunta ako sa campus nina ate. Suot ko ang jersey ni Yvan na pinakuha pa ni ate sa pinsan ni Yvan ng palihim para may maisuot ako sa game ni Yvan.
"Thank you ate, kung wala ka baka hindi ako nakahiram ng jersey ni Yvan." nakangiting sabi ko kaya napangiti din siya saakin.
"Ano ka ba naman! Alam mo namang palagi kitang suportado. Masaya si ate kapag nakikita kitang masaya." sagot niya bago ako yakapin. Nang makapag ayos na din si ate sa sarili niya ay sabay na kaming lumabas ng bahay para pumunta sa school nila. Nakisakay na lang ako sa kotse ni ate at hindi na nag abalang magdala ng motor.
"Ang dami namang tao ate." puna ko ng makita kong halos mapupuno na ang gymnasium nila kaya hinawakan ni ate ang pulsuhan ko para hindi ako mahiwalay sa kanya.
"Ganito talaga kapag finals bunso." sabi niya habang lumilinga sa loob. Nang makita niya ang mga kaibigan niya ay kumaway siya dito bago ako ayain papunta sa kanila.
"Ang cute mo naman Anjolor. Bagay sayo ang jersey ni Yvan." puna ni Dianne pagkalapit namin sa kanila kaya nagpasalamat ako.
Biglang nagtilian ang mga kakabihan ng lumabas na parehong team dahil kalahating oras na lang bago magsimula ang laro.
"Yvan!" sigaw nina ate kaya napatingin siya sa direksyon namin. Pansin kong natigilan siya nang makitang kasama ako nina ate at suot ko pa ang jersey niya. Sinabi ko kasi sa kanya kaninang hindi ako makakapunta kaya siguro nagulat siya na naandito ako ngayon. Ngumiti siya saamin bago tumalikod. Akala ko ay sasabay na siya sa nga teamates niyang nagwawarm up pero kinausap niya lang pala ang coach niya para pumunta saamin.
"Grabe naman si Yvan. Dati kahit sigaw kami ng sigaw hindi kami pinupuntahan dito sa bleachers pero ngayong kasama ka namin Anjolor nako naman." umiiling na sabi ni Nico kaya natawa sina ate.
"Akala ko hindi ka makakapunta." bungad na tanong ni Yvan pagkalapit saamin.
"Uh well surprise?" natatawang sagot ko kaya napangiti siya saakin. Nagulat ako ng bigla niyang ipulupot ang braso niya saakin para maitali ang sleeves ng jacket na dala niya sa bewang ko dahil nakapalda ako.
"Huwag ka na magpapalda ng maiksi sa susunod, ang dami pa namang lalaking nanonood." payo niya pagkatapos niyang itali ang jacket niya saakin.
"Overprotective pre." parinig ni Nico kaya nagtawanan sila habang ako ay napailing na lang.
"Binabakuran na." gatong naman ni ate kaya natawa ako.
"Wala namang label." biro ni Dianne kaya lumakas ang tawanan nila.
"Label muna bago landi." dinig naming dugtong ni Loisa kaya ngumiwi si Yvan.
Pansin ko din ang masamang tingin ng ibang babae saakin habang ang iba naman parang kinikilig. Naputol lang ang tawanan namin nang tawagin na si Yvan ng teammates niya dahil malapit ng magsimula.
"Cheer mo ako ah." nakangiting sabi niya saakin kaya nakangiti din akong tumango.
"Kaya nga ako na andito para suportahan ka diba. Sige na pumunta ka na sa teammates mo. Goodluck captain." nakangiting sabi ko kaya ngumiti din siya saakin. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin kaya nagtilian sina ate pati na rin ang ibang malapit saamin. Tumagal ng limang minuto ang yakap niya bago niya ako halikan sa noo at magpaalam na aalis na kaya tumango ako.
"Ang daming langgam bunso! Ano ba yan." biro ni ate kaya natawa ako.
"Tamis ng pagmamahalan." sabi naman ni Nico kaya nagtawanan sila.
BINABASA MO ANG
That One Painful Sunset (Completed)
Teen FictionWhat if your only role in the life of the person you love is to prepare them for their next relationship? Anjolor Faye Andes, a girl who's stuck on the past. She keeps on blaming herself because of the death of her only bestfriend. For her, she does...