Kabanata 8

38 2 0
                                    

Am I Not Enough?

"Ang ganda." manghang sabi ko kay Yvan habang nililibot ko ang paningin ko s abagong bahay na binili namin para saaming dalawa.

"Ikaw pumili eh." nakangiting sabi ni Yvan. Kagabi ay binuksan na fin namin ang restaurant na magsisilbi naming negosyong dalawa.

"This is our new home!" malakas na sigaw ko bago ngumiti.

"You are my home." sinserong sabi niya kaya napangiti ako. Lumapit ako sa kanya para yumakap na agad din naman niyang ginantihan.

"Wait for me, okay?" usal ko kaya tumango siya. Bukas na kasi ang alis ko para sa voluntary mission. Tatlong linggo ako doon kaya alam kong hindi namin macecelebrate ang pasko na magkasama.

"I will. Pagbalik mo ay ikakasal na tayo. I love you Mrs. Obido." usal niya kaya napangiti ako.

"I love you too." sagot ko.

"Mag-ingat ka doon. Huwag mo akong kalimutang tawagan o kaya i-message. Huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom. Huwag mong hayaang magkaroon  ka ng sakit kahit sipon lang yan. Huwa—" sunod sunod na bilin ni Yvan habang nakaharap ako sa kanya at naghihintay sa iba pang doctor na makakasama namin.

"Huwag na huwag akong masyadong lalayo sa mga kasama ko dahil hindi ako pamilyar sa mga lugar at mga taong makakasalamuha ko doon. Hanggat maari huwag akong magtitiwala agad agad sa iba." pagpuputol ko sa sasabihin niya kaya tumango siya.

"Very good mahal." usal niya bago ayusin ang pagkaka ipit ko ng buhok.

"Kahapon ka pa kasi mahal paulit-ulit ng bilin mo kaya kabisado ko na." natatawang usal ko.

"Huwag mong kakalimutan basta ang bilin ko mahal ah." paalala niya kaya tumango ako.

"Mico!" biglang sigaw niya kaya napatingin saamin si Mico bago ngumiwi at lumapit saamin.

"Ako ng bahala kay Anjolor. Hanggat maari huwag ko siyang hahayaang magpalipas ng gutom at magkasakit. Tawagan kita agad kapag may hindi magandang nangyari. Huwag ko siyang hahayaang umalis mag-isa, palagi kong i-check kung ayos lang siya. Huwag ko siyang hahayaang magtiwala agad sa iba. May nakalimutan pa ba ako pre sa bilin mo?" sabi ni Yvan pagkarating sa gilid namin kaya kunot noo ko siyang tiningnan.

"Nagbilin ka din sa kanya?" takang tanong ko kay Yvan kaya tumango siya.

"May kulang ka pre, ingatan mo ang reyna ko at huwag mong hayaang masaktan sa kahit anong paraan." dugtong ni Yvan sa sinabi ni Mico kanina kaya umirap ito saamin.

"Kaunting paalala, doctor ako at hindi bodyguard." irap na sabi niya kaya natawa kami ni Yvan.

"Pasensya na pre, ikaw lang mapagkakatiwalaan ko sa lahat ng makakasama ni Faye sa loob ng tatlong buwan." sagot ni Yvan kaya napailing si Mico.

"Huwag ka mag-alala, ako ng bahala kay Anjolor. Kapag napikon ako sa kanya o kaya nakulitan, lulunurin ko na lang sa dagat since isla naman ang pupuntahan namin." sagot ni Mico kaya tinapakan ko ang paa niya.

"Para saan yun?" tanong niya kaya lihim akong natawa.

"Wala lang. Trip ko lang apakan ka." nakangising sagot ko. Gagantihan niya pa sana ako pero tumakbo na ako sa likod ni Yvan kaya umirap siya.

"Tingnan mo mahal oh, sasaktan ako." sumbong ko kay Yvan kaya natawa ito.

"Sana all my bebe. Hindi niyo na sana ako pinapunta dito kung bebe time niyo lang naman pala ngayon." inis na sabi niya bago magpaalam saamin at hayaan na lang kaming mag-usap dahil malapit na kaming umalis.

"30 minutes before we go." anunsyo ng head nurse kaya tumango kami.

"I love you."  usal ni Yvan ng bumalik ang tingin ko sa kanya kaya napangiti ako.

That One Painful Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon