Kabanata 5

28 3 2
                                    

Family

"Maganda naman siyang tingnan, siguro bumili na lang tayo ng iba pang gamit. What do you think my angel?" nakangiting tanong saakin ni Yvan pagkatapos naming maglibot sa condo niya.

"Maganda at maluwag tingnan mahal. Kulang lang tayo sa mga gamit lalo na sa kusina." sagot ko sa kanya kaya tumango siya.

"Magpahinga na muna tayo, bukas na lang tayo aalis para bumili ng gamit. Mag oorder na lang tayo ng pagkain." sabi niya saakin bago ako ihatid sa mgiging kwarto ko sa oras na lumipat na kami dito.

"Kumatok ka na lang saakin kapag may kailangan ka mahal. Itong nasa tapat ng kwarto mo ang kwarto ko. I loveyou magpahinga ka na." usal niya kaya tumango ako bago isara ang pinto. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at masasabi kong maganda ito pero masyadong plain tingnan kaya naisip kong lagyan na lang ng konting dekorasyon sa susunod. Humiga na ako sa kama para matulog at makapagpahinga.

"Ano bang mga kailangan natin my angel na gamit?" tanong niya saakin habang tinutulak ang cart habang ako naman ay nasa gilid niya at namimili ng mga gamit.

"More on gamit sa kusina tayo mahal. Rice cooker, kaldero, kawali, mga plato, kutsara'g tinidor." sagot ko sa kanya kaya tumango siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay tahimik na sumusunod saakin. Minsan ay tinatanong ko siya kung ano ang mas gusto niya sa napipili at minsan naman ay may itinuturo siya saaking mga gamit na pwede din naming bilhin. Nang matapos kami sa pamimili ay binigay niya sa cashier ang address namin para madeliver ang mga gamit bago kami pumunta sa isang restaurant para kumain. Kanina ay naghati kami sa bayaran ng pinamili namin at ngayon ay siya ang magbabayad para sa kakainin namin habang ako naman ang bahalang magbayad para sa dessert. Ilang beses na namin itong ginagawa, noong dati ay ayaw niya pero sadyang mapilit ako kaya sa huli ay pinaghahatian namin ang gastusin.

Hindi ibigsabihin na ikaw ang lalaki ay ikaw na ang magbabayad ng lahat ng ginastos niyo. Ang relasyon ay binibuo ng lalaki at babae kaya dapat magtulungan kayo. Kapag siya ang nagabayad sa lunch, ikaw naman magbayad sa dessert o kaya sa dinner. Kapag siya ang nagbayad sa pamasahe niyo ay ikaw naman ang magbayad sa snacks. Pwede rin ninyong paghatian ang mga bayarin sa binili niyong gamit. It can be give and take. Hindi yung dahil siya ang lalaki ay siya na ang magbabayad sa lahat.

"Bukas ng maaga ang uwi natin para maayos na din natin ang mga gamit na dadalhin." sabi niya pagkahatid saakin sa labas ng kwarto ko.

"Okay mahal. Thank you." sabi ko bago pumasok sa loob.

"Goodnight my angel. I love you." sabi niya bago isara ang pinto ko kaya napangiti ako. Kinaagahan ay umuwi kaming Batangas gaya ng napag usapan. Hinatid niya ako sa bahay ay umalis din kaagad kinalaunan.

"Bunso!" nagulat ako ng pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong saakin si ate na nagmamadaling lumapit saakin para yumakap.

"Nakauwi na pala kayo ate." puna ko sa kanya habang matipid na ngumiti na hindi niya napansin.

"Kaninang madaling araw lang. Alam mo ba ang ganda ganda pala talaga ng boracay! Feeling ko nga ay umitim ako dahil wala akong ibang ginawa kundi ang magbabad sa dagat. Ang sasarap din ng pagkain doon lalo na yung paborito nating hipon at alimango!" masayang kwento niya habang hinahatid ako sa kwarto. Hindi ko maiwasang maingit kay ate dahil pareho naming gustong makapunta sa boracay pero siya pa lang ang nakakarating doon.

"Magpapahinga muna ako ate." sabi ko sa kanya pero hindi siya pumayag at dumiretso din sa kama ko habang panay ang kwento tungkol sa bakasyon nila.
Masaya ako para sa kanya pero hindi ko maiwasang mainis dahil kahit alam ko namang wala siyang intensyon na inggitin ako ay ayun ang nararamdaman ko lalo na kapag kinukwento niya kung gaano sila kasaya at kung paano siya asikasuhin ni mommy at tito habang ako ay hindi man lang nila naisip na tawagan kahit isang beses para kamustahin o batiin dahil sa pagtatapos ko sa high school.

That One Painful Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon