Kabanata 6

27 4 0
                                    

Everything

"Nasa kotse na ba lahat ng gamit na dadalhin mo mahal?" tanong sa akin ni Yvan habang nagluluto ako ng almusal kaya tumango ako

"Oo nagpatulong ako kay ate Yna kung ano ang mga magandang damit ang pwedeng dalhin para sa bakasyon natin." nakangiting sagot ko habang tinutukoy ang nakakatanda niyang kapatid.

"Maliligo muna ako mahal, maligo ka na rin pagkatapos mo niyan para hindi tayo mahuli sa flight." paalam niya kaya tumango ako. Nang matapos akong magluto ay agad akong dumiretso sa kwarto para maligo at mag ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng hoodie jacket na kulay itim at isang blue jeans na tinernuhan ko ng puting sapatos.

Mamayang hapon ang flight namin ni Yvan papuntang Boracay. Doon kasi namin naisip na icelebrate ang 5th anniversary namin bilang magkarelasyon. Noong maikwento ko kasi dati sa kanya na ang Boracay ang isa sa mga dream destination ko ay napagdesisyunan niyang sa Boracay kami magbabakasyon para sa anniversary namin. Sa apat na nakaraang anniversary kasi namin ay nilibot lang naman namin ang lahat ng tourist spot dito sa Batangas. Hindi kasi namin magawang lumayo mula sa Batangas dahil palaging kaming busy sa pag-aaral. Buti na lang ngayon ay nakapagtapos na kami sa kolehiyo at pareho na lang naghahanda para sa pagpasok sa law school at med school.

"Mahal, kakain na daw sabi ni dad." tawag sakin ni Yvan mula sa labas ng kwarto ko kaya agad kong kinuha ang maliit kong bag na may laman ng passport, wallet at cellphone ko.

"Let's go, mahal." aya ko pagkalabas kaya tumango siya bago ipagsilop ang mga kamay namin.

Pagkarating namin sa mesa ay wala pa si ate Yna dahil ginising pa daw nito si Clyde kaya matiyaga kaming naghintay sa kanila hanggang sa makita na namin si Clyde na masiglang tumatakbo papunta sa tabi ko para umupo. Mamayang hapon pa naman ang flight namin ni Yvan kaya ayos lang sumabay kami sa kanila mag agahan.

"Maghihintay sa labas ng airport ang ninong Christopher mo Yvan. Ibinilin ko na kayo sa kanya." biglang usal ni tito habang papalabas kami ng bahay.

"Tawagan niyo kami kapag nagkaproblema mga anak." bilin naman ni tita mommy kaya pareho kaming tumango ni Yvan bago humalik sa pisngi nila at magpaalam.

"Alis na po kami tito, tita mommy. Mag-ingat po kayo dito." nakangiting paalam ko bago pumasok sa kotse kung saan naghihintay si Yvan.

"Wala ka nang nakalimutan?" tanong niya bago i-start ang kotse kaya tumango ako. Kumaway ako kala tito bago umayos ng upo nang simulan na ni Yvan paandarin ang kotse.

"You look excited." puna ni Yvan saakin nang mapansing kanina pa ako nakangiti habang nakatanaw sa bintana.

"Of course I am, it's one of my dream destination plus ikaw pa ang kasama ko pumunta doon." sagot ko kaya napangiti siya.

"Don't worry mahal. Hindi lang 'yan ang pangarap na maabot mo na magkasama tayo." nakangiti ngunit sinserong usal niya kaya napatango ako. Mabilis kaming nakarating sa airport at dahil maaga pa naman ay napagpasyahan muna namingbkumain mula sa malapit na kainan bago tuluyang pumasok sa loob ng airport. Matapos naming mananghalian ay dumiretso na kami sa airport para sumakay sa eroplano dahil oras na ng flight namin.

Gaya ng sinabi ni tito pagkalabas namin ng airport ay sumalubong saamin ang ninong ni Yvan para ihatid kami sa hotel na pagmamay-ari mismo nito. Tinulungan niya kaming dalhin ang hindi karamihan naming gamit papunta sa sasakyan niya. Tatlong araw ang napagpasyahan naming bakasyon ni Yvan dito sa Boracay. Gusto kasi namin mag explore at gawin lahat ng water activities dito.

"Gusto mo munang kumain bago magpahinga mahal?" tanong sa akin ni Yvan habang nasa byahe kami papunta sa hotel.

"Busog pa ako mahal, diretso pahinga na ako pagkarating natin." sagot ko kaya tumango siya saakin.

That One Painful Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon