Birthday
"Hey, Faye!" natigilan ako ng makita si Yvan na nakangiting kumakaway mula sa labas ng gate kaya napatingin saakin ang ibang estudyanteng papalabas.
Hindi ba siya nahihiya at kung makasigaw siya ay parang pagmamay ari niya ang mundo?
"Uuwi ka na Faye? Hatid na kita!" masayang aya niya pero nilampasan ko lang siya. Naramdaman ko namang sumusunod siya saakin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko papunta sa nakapark kong motor sa hindi kalayuan.
"Busy ka ba? Kain muna tayo sa labas. Chill chill, since next week na ang exam." sabi pa niya pero hindi ko siya kinikibo at patuloy lang sa paglalakad.
Wala ba siyang magawa sa buhay at palagi siyang nakabuntot saakin?
Limang buwan na ang makalipas mula ng makilala ko siya't bahagyang makasagutan sa bahay. Mula noon ay walang palya siya sa pangungulit saakin tuwing uwian. Dumadayo pa siya dito sa paaralang pinapasukan ko kahit ang layo nito mula sa paaralan na pinapasukan nila ni ate. Magkakapareho kasi sila ni ate na nag aaral sa private school habang ako ay sa isang public school pinasok ni tito. Wala naman kaso saakin na sa public school pumasok, masaya pa nga ako dahil kahit hindi ako itinuturing na anak ni tito ay hinayaan niya pa rin akong mag-aral.
"Masarap kumain ngayon ng streetfoods, tambay muna tayo kahit isang oras lang Faye!" palihim akong napairap kay Yvan. Naiirita ako sa tuwing buntot siya sakin ng buntot. Napakaingay niya at palagi akong pinipilit na makipag-usap at sumama sa kanya pero kahit isang beses ay hindi ako pumayag na sumama sa kanya. Noong unang beses kaming magkita ang huli kong natatandaan na kinausap ko siya dahil sa limang buwan niyang pagsunod saakin ay kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko.
Nang makarating ako sa motor ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Sinuot ko na rin ang helmet ko at agad na ini-start ang motor. Pinaandar ko ito at hindi man lang nag-abalang magpaalam sa kanya. Hindi naman kami close para magpaalam ako sa kanyang aalis na ako.
"Pinuntahan ka ulit ni Yvan kanina?" tanong saakin ni ate habang kumakain kami nang cookies na binake ni mo
"Yeah" walang buhay na sagot ko kaya tinawanan niya ako.
"We think he's serious when he said he likes you. Simula ng makilala ka niya ay hindi na namin siya nakitang may kasamang babae, pinalitan na rin niya ang phone niya dahil panay ang tawag sa kanya ng mga dati niyang nakafling." sabi ni ate pero hindi ko na lang siya inintindi.
Bago kasi umuwi sila noon ay sinabi ni Yvan na gusto niya ako, umani pa nga iyon ng reaksyon mula sa kanilang magkakaibigan. Hindi ko ito pinagtuunan nang pansin dahil alam kong nagbibiro lang siya. Sino naman ang magkakagusto sa isang tao na sa isang araw niya lang nakita?
"Bakit hindi mo subukang mahalin siya bunso? Nakikita ko at ng mga kaibigan ko kung paano siya nagbago para maniwala kang gusto ka niya at seryoso siya sayo. Hindi na nga siya sumasama saamin sa galaan dahil pagkadismiss ng klase niya ay diretso na siya sa campus niyo para hintayin ka. He's serious bunso, subukan mong papasukin siya sa buhay mo. Huwag mong pagtabuyan ang taong handang manatili sa tabi mo." payo ni ate bago ako halikan sa noo dahil matutulog na siya.
Natatakot ako. Ayaw kong buksan ulit ang puso ko para sa iba dahil natatakot akong maiwan ulit. Nawala na si Jane saakin at ayaw kong maranasan na muling maiwan kaya tinataboy ko ang lahat ng taong gustong makipag kaibigan saakin.
Pagkatapos kong uminom ng gatas ay pumasok na rin ako sa kwarto ko para matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Napagpasyahan kong labas muna mula sa garden para magpahangin. Pinagmasdan ko ang nagkikislapang bituin sa langit kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Nang makalipas ang halos dalawang oras ay nakaramdam na ako ng antok kaya pumasok na ako sa kwarto.
BINABASA MO ANG
That One Painful Sunset (Completed)
Teen FictionWhat if your only role in the life of the person you love is to prepare them for their next relationship? Anjolor Faye Andes, a girl who's stuck on the past. She keeps on blaming herself because of the death of her only bestfriend. For her, she does...