Kabanata 9

56 3 0
                                    

Wedding under the sunset

"Hindi naman kasi ako nainform na iiwan niya pala ako sa dulo. Sana pala hinanda ko ang sarili ko para naman hindi ganito kasakit...para naman mabilis kong matanggap na hindi na ako." pilit na tawang sabi ko sa kanya habang umiinom kami ng yakult. Sabi niya ay pareho kaming hindi umiinom ng alak kaya yakult na lang ang binili niya para saakin.

"Wala naman kasing nag-expect na may mangyayaring ganon dahil sa tagal niyo ng magkasama. Kasi kung alam mo lang eh di sana nagpagawa ka pa ng gown diba. Baka nga nagcontribute pa ako sa panghanda." walang kwentang sagot niya.

"Bukod sakin, ikaw lang wala nung proposal, buo ang barkada sa picture na nakita ko kanina. Ang saya nga nila tingan sa pictures eh. Bakit hindi ka pumunta doon?" biglang tanong ko sa kanya kaya natawa siya ng sarkastiko.

"Bakit ako pupunta sa walang kwentang event na yun? Paano ako magiging masaya kung na andito sa malayo ang bestfriend ko at umiiyak? Hindi ko kayang makita ang mga mukha nilang masaya habang nagdudusa ka dito mag-isa." seryosong sagot niya. Naghari ang katahimikan saaming dalawa. Nakatinghala lang ako sa kisame hanggang sa bumuhos ulit ang luha ko.

"Ayoko na nang ganitong pakiramdam, Nakakapanghina!" reklamo ko sa kanya kaya lumapit siya sa kama kung saan ako nakaupo.

"It's enough for today, you did your best. This time have some rest, you'll need it." seryosong sabi niya.

"But my best isn't enough for him. I can't let people stay with me. I'm alone..again." mapait na sagot ko habang patuloy na bubumuhos ang luha ko.

"Don't push yourself to someone who doesn't appreciate you. Give yourself a full time rest. Don't drain yourself. Don't overthink too much. Stop thinking you're alone because I'm here...I'm always here for you, we're bestfriends right? And bestfriends don't leave each other especially on hardtimes. Stop thinking that youre not enough because the truth is you're more than enough." sinserong sabi niya kaya kahit papaano gumaan ang loob ko.

"Thank you...thank you for being here with me." sinserong sabi ko bago ipikit ang mga mata ko para matulog.

I hope he's still my bestfriend until our hair turns into white.

Nagising ako kinaumagahan at nakita ko siyang naghahain na sa mesa kaya agad akong umupo. Kahit mahapdi ang mata ko at wala akong ganang kumilos ay pinilit ko ang sarili kong tumayo.

"Kain na, aalis tayo ngayon. Bumili na din ako ng damit mo para may susuotin ka na. Last week pa yang suot mo, kadiri ka." irap na sabi niya kaya ngumuso ako.

"Saan tayo pupunta?" kuryosong tanong ko.

"Basta. Bilisan mo na lang." sagot niya kaya tumango ako. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa vanyo para maglinis ng katawan. Isang simpleng itim na tshirt at pantalon ang binili ni Mico para saakin. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko na siyang nakatayo malapit sa pintuan kaya kumapit na ako sa kanya. Tahimik ang naging byahe namin papunta sa kung saan. Hindi ko na siya tinanong at nanatili na lang nakatingin sa labas ng bintana.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya ng tumigil kami sa isang simbahan. Sabado ngayon kaya kaunti lang ang taong nasa loob.

"Magpasalamat tayo sa Diyos." simpleng sagot niya pagkapasok namin ng simbahan kaya natawa ako ng sarkastiko

"Magpasalamat dahil hindi kami nagkatuluyan ni Yvan?" sarkastikong sabi ko kaya napabuntong hininga siya bago tumingin sa harapan.

"Alam mo, sa buhay kasi natin hindi ibigsabihin na gusto mo ay makukuha mo. Hindi lahat ng pangarap mo ay maabot mo. Hindi lahat ng sa tingin mo ay makakabuti saiyo ay totoong makakabuti sayo. Minsan hindi mo talaga maiiwasang tanungin ang Diyos kung bakit, pero alam kong may maganda siyang dahilan para sa lahat ng bakit mo. Katulad ngayon, siguro kaya kahit pangarap mo, kahit gustong-gusto mo na maikasal sa kanya...na kayo ang magkatuluyan hanggang sa dulo ay hindi iyon pinagbigyan ng Diyos dahil baka mas lalong ikasira ng buhay mo lang iyon. Mahal tayo ng Diyos dahil anak niya tayo. Ginagawa niya ang mga bagay na sa tingin niya ay ikakabuti natin at inilalayo niya tayo sa mga bagay na alam niyang ikakasira natin. May magandang plano ang Diyos para saatin, mas maganda pa sa planong nasa isip natin kaya hinatayin na lang natin ang araw na iyon." sagot niya kaya natahimik ako.

That One Painful Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon