That One Painful Sunset
"Do you ever wish that you could just unmeet him, grandma?" kuryosong tanong saakin ni Sophie.
"No, I'm still thankful that I've met him. He hurt me a lot but it doesn't mean that I regret loving him because he once made me feel so special and important. Besides that pain made me stronger and made me realize that before loving others, we need to love ourselves first."
sagot ko sa kanya."You're so strong grandma." manghang sabi ni Miguel.
"Bakit hindi mo siya lola pinaglaban kung mahal mo siya?" singit na tanong ulit ni Sophie.
"I love him, I really do, but you can't force someone to choose you and that's why I lose him." I replied before smiling.
"Napansin niyo ba apo ang araw na iyon? Kahit araw araw siya lumulubog, araw araw din siya umaahon. Sana kayo din apo kapag dating nang panahon na may matinding pagsubok kang pagdaraan, umahon ka, bumangon at lumaban ulit. Kapag nadapa ka, matuto kang bumangon kahit gaano pa kasakit ang pagkakadapa mo at lumabn ulit sa alon ng buhay." payo ko habang itinuturo ko sa kanila ang papalubog na araw.
Nagpaalam sila saakin na papasok na sa bagay kaya tumango ako bago sila pagmasdan na tumakbo papunta sa loob.
"Ang lalaki na ng mga apo natin. Sana lang ay napalaki ko ng maayos ang ama nila." emosyonal na sabi ni Mico pagkalapit saakin.
"Pinalaki mo ng maayos ang anak mo. Alam kong masaya ang asawa mo habang pinapanood ka mula sa taas." usal ko sa kanya.
"Do you think she's proud of me?" umaasang tanong niya kaya ngumiti ako sa kanya.
"I know she is." siguradong sagot ko.
Maraming nangyari pagkalipas ng panahon. Natuto akong mahalin ang sarili ko ng higit sa lahat. Tinuruan ko ang sarili ko na umahon ulit mag-isa, ng walang inaasahang tulong ng iba. Binuhos ko ang lahat ng atensyon ko sa sarili ko dahil alam kong wala ding ibang magmamahal saakin kundi ang sarili ko.
Si Mico at Abigail ang nagkatuluyan at naging mag-asawa paglipas ng panahon na nakatira kami sa isla. They both live happily not until Abigail died after giving birth to their first son. Masyadong nalugmok si Mico sa pagkakamatay ni Abigail kaya ako na din ang nag-alaga sa anak niya sa unang taon nito hanggang sa magising na lang si Mico at marealize niyang walang silbi ang pag-iyak niya kaya mula noon katulad ko ay sa anak niya rin itinuon ang atensyon niya.
Makalipas ang halos ilang taon ay naisip kong umampon ng bata para maging anak ko. Pitong taon ng maulila si Kylie kaya mula noon ay inuwi ko siya sa bahay para alagaan. She instantly became my daughter.
"Hi, bakit ka naandito sa gilid ng kalsada? Maggagabi na, umuwi ka na baka hinahanap ka ng mga magulang mo." sabi ko sa isang bata na sa tingin ko ay nasa pitong taon. Medyo madungis siya at amoy usok dahil nasa gilid siya ng kalsada siya nakaupo.
"Wala na po akong magulang. Patay na po sila, pinalayas na din po ako ng may-ari ng bahay na nirerentahan namin dati nina tatay dahil hindi ko naman po kayang magbayad." sagot niya kaya natigilan ako.
"Wala ka na bang ibang pamilya bukod sa magulang mo?" tanong ko sa kanya kaya umiling siya.
"Napadpad lang po sila tatay dito matapos silang itakwil ng mga magulang nila ng maagang mabuntis si nanay." sagot niya.
"Kumain ka na ba? Gusto mo bang sumama saakin sa bahay?" maingat na tanong ko kaya tiningnan niya ako.
"Okay lang po ba?" tanong niya kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
That One Painful Sunset (Completed)
Teen FictionWhat if your only role in the life of the person you love is to prepare them for their next relationship? Anjolor Faye Andes, a girl who's stuck on the past. She keeps on blaming herself because of the death of her only bestfriend. For her, she does...