With you
"Kanina pa ako nahihilo sayo mahal." naiiritang reklamo ko sa kanya. Ilang taon na ang nakalipas at pareho na kaming tapos mag-aral. Andito kami ngayon sa bahay nila sa Batangas at naghihintay ng resulta ng board exam nila nakaraang buwan.
"I'm nervous mahal. Paano kung hindi ako makapasa?" natatakot na tanong niya pagkaupobsa tabi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Makakapasa ka, tiwala lang mahal. Ginawa mo ang lahat nang makakaya mo kaya huwag ka nang mag-alala. Alam kong makakapasa ka." sinserong sabi ko kaya humilig siya sa balikat ko. Natahimik kami pagkatapos nang ilang minuto at nabasag lang ang katahimikang iyon nang tumunog na ang alarm nang cellphone niya.
"This is it. May result na mahal." pilit na ngiting sabi niya kaya naman binuksan niya na ang laptop na nasa unahan namin para makuta ang result.
"Relax mahal." pagpapakalma ko sa kanya dahil ramdam ko ang panginginig nang kamay niya habang tinitingnan ang result. Nagulat ako nang bigla niyang nabitawan ang kamay ko at umiyak kaya nataranta ako.
"Hey, what happened? Are you ok-?" naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap at iikot sa ere.
"Nakapasa ako! Mahal attorney na ako!" naiiyak na sigaw niya habang yakap ako kaya narinig ko ang nagmamadaling yabag papunta saamin.
"You did it! Oh my gosh! I'm so proud of you mahal!" masayang sabi ko habang niyayakap siya hanggang sa pareho na kaming tumatalon habang magkayakap.
"Anong nangyari sainyong mga bata kayo?" nag-aalalang sabi ni tita mommy pagkarating sa sala kaya agad kaming timigil sa pagtalon.
"Dad, attorney na ako! Masusundan ko na ang yapak niyo!" masayang balita ni Yvan kaya agad na namilog ang mga mata ni tita mommy.
"I told you, you can do it. I'm so proud of you son!" masayang bati ni tito bago yakapin si Yvan. Sumali na rin si tita sa yakap kaya nakangiti ko silang pinagmasdan.
My man did it. I'm so proud of him.
"Thank you for trusting me mahal. Thank you for everything." sinserong sabi ni Yvan habang pinagmamasdan namin ang mga kamag-anak niyang masayang nagsasalo. Matapos kasi naming malaman na nakapasa siya sa board exam ay agad itong ibinalita ni tita mommy sa mga kamag-anak nila kaya nagkaroon bigla nang salo-salo dito sa bahay nila.
"Alam ko kasing kaya mo, ikaw lang naman walang tiwala sa sarili mo. I love you atty. Obido." nakangiting sabi ko bago sumandal sa balikat niya.
"I love you more Doc. Andes." nakangising sabi niya kaya napailing ako.
"Next month pa malalaman ang result ng board exam ko mahal. Huwag kang excited." natatawang balik ko.
"Makakapasa ka baka nga magtop ka pa, sa talino mong 'yan!" usal niya na para bang siguradong sigurado kaya natawa ako.
"Yvan anak, punta ka daw muna sa lola mo. May gusto daw ibigay sayo." biglang sabat ni tito sa gilid namin kaya umayos kami ng upo.
"Puntahan ko muna si lola, mahal. Gusto mo sumama?" tanong niya kaya umiling ako.
"Hintayin na lang kita dito mahal. Sige na pumunta ka na doon baka kanina pa naghahantay sayo si lola." pangtataboy ko sa kanya kaya tumango siya at humalik sa noo ko bago tumalikod.
"Pareho na kayong tapos mag-aral, wala pa kayong planong magpakasal?" nakangising na tanong ni tito.
"Wala pa po tito. Gusto po muna naming bumawi sa lahat nang sakripisyo na binigay niyo para saamin...lalo na po ako, gusto ko pong ibalik lahat nang kabutihang pinakita niyo saakin mula nang itakwil ako nang pamilya ko." sagot ko sa kanya kaya tumango siya.

BINABASA MO ANG
That One Painful Sunset (Completed)
Teen FictionWhat if your only role in the life of the person you love is to prepare them for their next relationship? Anjolor Faye Andes, a girl who's stuck on the past. She keeps on blaming herself because of the death of her only bestfriend. For her, she does...