Kabanata 3

36 4 0
                                    

Scholarship

Limang buwan mula nung birthday ni Yvan. At tatlong buwan mula noong araw na iyon ay sinumulan niya akong ligawan. Yvan is a nice person. Simula nang magsimula siyang manligaw ay mas nakilala ko siya. Mula sa mga gusto at hindi niya gusto. Unti-unti ko na ding siyang pinapapasok sa buhay ko. Siya ang napag-kwekwentuhan ko ng mga nangyayari sa buhay ko, siya ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko at siya ang nasasandalan ko tuwing umiiyak ako dahil hindi ko na kaya. Palagi siyang nasa tabi ko, hindi niya ako iniwan kahit minsan ay nasusungitan ko siya.

"My angel? Okay ka lang?" biglang tanong niya nang mapansing tahimik ako kaya tumango ako sa kanya.

"May tanong ako sayo, Yvan." sabi ko kaya mula sa tinitingnan naming papalubog na araw ay binaba niya ang paningin niya sa akin.

"What is it my angel?" malambing na tanong niya. Sa tatlong buwang pagtawag saakin ni Yvan ng 'my angel' ay unti-unti na akong nasanay pero minsan ay nahihiya pa din ako lalo na kapag tinutukso kami nina ate.

"Bakit ako? Bakit kahit madaming babae ang mas maganda at mas matalino kumpara saakin ay ako pa rin ang pinili mo?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya saakin bago isandal ang ulo niya sa balikat ko at kunin ang kamay ko.

"Bakit nga ba ikaw? Bakit sa dami ng nagkakagusto saakin ay na inlove pa ako sa babaeng hindi ako gusto? Alam mo, tinatanong ko din 'yan sa sarili ko dati." sabi niya habang bahagyang tumatawa kaya napatingin ako sa kanya at nagtama ang paningin namin ng pagyuko ko ay nakita ko siyang nakatingin na saakin habang nakasandal pa rin sa balikat ko.

"Pero habang tumatagal na nakakasama kita nalaman ko kung bakit. Ikaw ang nagustuhan ko kasi kakaiba ka sa kanila." sabi niya kaya taka ko siyang tiningnan.

"Kakaiba? Paano naman ako naging kakaiba?" kunot noong tanong ko kaya natawa siya saakin.

"Mahal kita at sila hindi kaya para saakin kakaiba ka sa kanila. Wala akong pakialam kahit sabihin mong may mas maganda pa sayo dahil sa mga mata ko, wala nang ibang mas gaganda sayo.  Gusto kita sa kung ano at sino ka. Minahal kita hindi dahil sa maganda ka, minahal kita dahil sa ugali mo. Walang salita ang makakapagpaliwanag kung bakit kita mahal." seryoso ngunit nakangiting sagot niya kaya napangiti ako. Halos kalahating dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya amoy nanamoy ko ang mabango niyang hininga habang nagsasalita siya.

"Thank you Yvan. Salamat dahil minahal mo ako." sinserong sabi ko kaya napangiti siya.

"Huwag kang magpasalamat dahil minahal kita. Ako ang may nagkusa na mahalin ka, hindi mo ako pinilit na mahalin ka kaya huwag mo akong pasalamatan. Kahit hindi mo ako gusto ay ayos lang saakin. Mahal pa din kita kahit hindi mo masuklian ang pagmamahal na pinaparamdam ko sayo, masaya na ako sa ganito na kasama ka. Sapat na saakin iyon na hindi mo ako pinagtatabuyan katulad ng dati." sabi niya kaya napangiti ako bago pagmasdan ang kalangitang unti-unti nang kinakain ng dilim ang natitirang liwanag mula sa papalubog na araw.

"Paano kapag sinabi kong kaya hindi na kita pinagtatabuyan dahil katulad mo ay may gusto na din ako sayo?" biglang tanong ko kaya ramdam kong natigilan siya. Nang hindi siya sumagot saakin ay tiningnan ko siya kaya natawa ako ng makita kong nakaawang ang labi niya habang nakatingin saakin. Mula sa pagkakasandal sa balikat ko ay bigla siyang umayos ng upo nang makabalik sa huwisyo.

"You mean my gusto ka din saakin?" naniniguradong tanong niya habang hindi makapaniwalang nakatingin saakin kaya natawa ako.

"Oo, pero hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Gusto ko kasing tuluyan ko muna mapatawad sarili ko bago ulit ako maging masaya." sagot ko kaya ngumiti siya bago ako yakapin.

"Okay lang, kahit gaano pa katagal maghihintay ako...hihintayin kita my angel. Hindi ako mapapagod na maghintay sayo." sabi niya habang nakasubsob sa balikat ko.

That One Painful Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon