Darating ba?

4 0 0
                                    

Napaka ilap naman ng mga bagay-bagay sa akin.
Wala akong ganda, maayos na trabaho,
pati mabuting lagay ng kalusugan ako'y pinagkaitan.

Lagi akong buntot
Laging ako ang may hinahangaan
Ako ang nasa dilim at sila ang naliwanagan

Madalas akong nanlilimos ng tulong
Wala akong pagkakakilanlan
Walang pinagkatandaan

Wala akong napala at parang nagsayang lang ng espasyo sa mundo
Kinakain na ako ng mga disisyon ko kahapon
Niloko ako ng batang ako

Ang batang ako na puro pagpapairal sa puso
Ang batang ako na sinupladuhan ang isip
Kaya nga napakailap ng lahat sa akin

Kelan kaya sisilip ang araw?
Bakit puno ng makulimlim na ulap?
Nasaan na ang liwanag? Nasan?




MGA IYAK NG BALYENA SA DAGATWhere stories live. Discover now