Nang kumapit ang halimaw

4 0 0
                                    

Bali-balita sa aming nayon ang halimaw
Dati na daw siyang buhay pero ngayon palang nakikilala
Lumalabas na isa-isa ang kaniyang nabiktima
Unti-unti ang halimaw ay nagkakaroon ng anyo dahil sa mga kwento

Sabi ni Aling Tess "lahat naman talaga nagkakaroon ng halimaw sa isip"
Sabi naman ni Mang Kanor "baliw lang ang aaming siya ay naging biktima"
Sabi naman ni Ina "Wag kang gagaya. Matino ka. Lungkot lang yan. Lilipas din"
Sabi ko naman. "Nabibiktima na pala ako. Di ko man lang namamalayan."

Bali-balita sa aming nayon ang halimaw
Dati na daw siyang buhay pero ngayon palang nakikilala
Matinding lungkot, takot at pagkabagsak ng pangangatawan ang dulot
Ikaý mababalisa, mabablangko, maninikip din ang dibdib mo

Ang halimaw ay isang sakit na hindi mo gugustuhing sayoý kumapit
Kadiliman sa pag-iisip ang dala
Sisip-sipin niya ang bawat pag-asa
Iiwan kang tuyo at kung minsan paý bungo

Merong halimaw sa amin
Merong halimaw sa akin
Merong halimaw sayo?
Iyan ang bali-balita sa amin

MGA IYAK NG BALYENA SA DAGATWhere stories live. Discover now