Walang tayo

2 0 0
                                    

Sumigaw kang "LALABAN TAYO!!!!"
Sabi mo iba ka dahil ika'y may puso
Iaahon ang lahat ng lugmok sa hirap
Ipagtatagol ang naaapi
Ika'y magsisilbing ama at kami ang iyong mga anak

Sing tamis ng wine
Sing tatag ng sunshine
Kaya si nanay, tatay, ako at sila ay nahalina
Sige ikaw na! Oo tayo na!

Pero anong nangyari
Nasan na tayo?
Nasan na ang mga pangako?
Nasan ang kaginhawaang aming inasam?

Palabas lang ba ang lahat?
Muka bang teleserye ang buhay?
Kung ganon bakit di ka mukang artista?
Bakit ang daming bakit at bakit ang pait-pait?

Tayo ma'y pare-pareho
Iisa ng dugo at lupang sinilangan
Hindi ko alam na ang piliin ka'y isa palang kasalanan
Wala palang tayo 


MGA IYAK NG BALYENA SA DAGATWhere stories live. Discover now