Masaya doon at masaya diyan

11 0 0
                                    


Hindi ibig sabihin na masaya siya doon eh magiging masaya ka narin doon
Hindi ibig sabihin na komportable siya sa ganon eh magiging komportable ka narin sa ganon
Hindi ibig sabihin na iyon ang successful para sa kaniya eh iyon narin ang depinasyon na successful para sayo
Dahil iba-iba tayo ng pinagmulan, pangarap, kasarian at kaligayan
Hindi ibig sabihin na lumiligaya siya sa mga bagay na hawak niya eh may kasiguraduhan na liligaya ka rin sa mga bagay na iyon
May sarili kang paningin para makita ang kung ano ang para sayo ay maganda
May sarili kang  pandama para maramdaman kung saan ka nga ba liligaya
Wag kang basta-basta gagaya
Damhin mo ang nasa dibdib at pumikit ka
Walang nagsasabing mababaw ang kaligayan mo
Walan ring nag-sasabing mababaw lang ang mga pangarap mo
Marahil malupit ang mundo
Pero huwag kang papadala sa mga pagmamaliit ng mundo at pakiusap- huwag mong maliitin ang sarili mo
Dahil sa huli, wala namang talagang masama sa pagiging mababaw kung ang puso mo naman ay maligaya
Doon sila at ikaw naman diyan
Pero parehas kayong may ngiti sa inyong mga kinahinatnan

MGA IYAK NG BALYENA SA DAGATWhere stories live. Discover now