AMIHAN

12 0 0
                                    

Buti pa ang hangin merong direksyon
Buti pa ang hangin merong pangalan
Naalala mo?
Siya si Amihan

Mabuti pa ang hangin at may patutunguhan at pagkakakilanlan
Eh ako?
Sino na nga ba ulit ako?
Saan na nga ba ulit ako papunta?

Buti pa si Amihan palipad-lipad nalang
Alam ang patutunguhan meron pang pakinabang
Eh ako?
Kailan ako lilipad ng may kapakinabangan?

Akoý walang paroroonan
Wala ring pangalan
Isa lang ang sigurado
Para rin naman akong si Amihan pagdating sa hanging pangmalakasan


MGA IYAK NG BALYENA SA DAGATWhere stories live. Discover now