iMADE A Choice: Finally! Ima Lady!

22 1 1
                                    

I know Patricia's right, I should give him an answer.

Pumasok ako sa kwarto nina mama at papa, I usually knock for privacy pero wala naman si Papa kaya dumiretso na lang ako. She's lying on their bed reading the bible with lamp shade as the only light.  Tumalon ako sa kama at niyakap siya sa bewang.

"Ano yon?" tanong niya. She knew too well I'm here for a reason. I don't usually do this.

Yesterday after Patricia and I talk pinag-isipan ko muna kung paano ko sasabihin kay Mama yung panliligaw ni Louis, it took me a day to do that. And now I'm gonna say it.

"Anong ano yon?" I played innocent.

"Chloe, 17years na kitang inaaruga. Kaya bawat utot at buntong hininga mo eh alam ko na.." Yeah, I know I couldn't play innocent with my mom.

"Vilma Santos lang Ma?" 

"Vilmanian ako." she paused. "Oh ano ngang sasabihin mo?" she said still looking on her bible, I doubt kung may naiintindihan nga siya sa binabasa niya.

"ehh... ano kasi.... ahh... ahhm.." Omygosh, paano ko ba sasabihin? This is AWKWARD!

"Chloe, wala kang matatapos sa ano, kasi, ano.." she flipped the page.

"promise me you wont get mad?" sabi ko sa tonong naglalambing. I have to do this cause I'm not sure what will be her reaction about me having a suitor.

"Kayong mga kabataan madaya! pinagpapramis nyo muna kaming mga magulang bago nyo sabihin ung kasalanan nyo.."  

"Eh Ma! di naman to kasalanan eh! pero siguro kung di ko sasabihin sayo..."

"Eh ano nga? sabihin mo na bago pa yan maging kasalanan!" malumanay niyang sabi.

"Eh kasi ma, si Louis.. diba kilala mo si Louis? ung pinsan ni Jacky..ung-"

"Oo kilala ko, ung gwapo?! oh anong meron sa kaniya?"

I crossed my fingers. "Eh kasi Ma... ano, sabi niya sa akin... kung ...." This is it. "pwede daw.....manligaw?" I finally said it.

SILENCE. SILENCE. SILENCE.

OMG. She's not talking. What does that mean? NO? YES?

"Ma???!" I said in frustration, I changed my position, I sat beside her leaning on her shoulder.

She's not moving.

"Sige." she closed her bible and put it on her drawer.

"Sige? as in pwede Ma?"

Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako. "Oo, mag eeighteen ka na next year. Alam mo na kung ano ang tama at mali, ang limitasyon mo at ang gusto mo." she paused. "At anak napagdaanan ko ng lahat yan Chloe. Normal ang ligawan sa edad nyo, part of growing up." 

I stare at her in disbelief. Who'd have thought it would be this easy?

Yes, I have the coolest mom! 

"Sa Miyerkules di ba wala kang pasok?" I nod. "Papuntahin mo siya dito."  Her expression is unreadable. Maybe not really cool.

"ha? para saan?"

"Eh diba dapat nanay muna ang ligawan bago ang anak?" and she smiled.

"mama!"

"Syempre unang manliligaw mo yan kaya dapat lang kaliskisan ko!"

"Ma? Tatakutin mo yung kauna-unahang manliligaw ko?" I said in a frantic voice.

 "Pwede, depende sa kaniya..."

Sumimangot ako. It's my way of telling her that I don't like her idea. She might scare him off.

And you dont want that to happen?  asked a small voice in me. I already admitted I like him so shut-up tiny voice!

"Ang bunso ko....." I was snapped back to reality when she started tickling me. "dalaga na!! May manliligaw na! Dalaga na...."

"Ma, stop it.. " I said giggling..

She stopped and hugged me from behind.

"Basta Chloe, ayoko ng sikreto, gusto ko open ka sa akin sa lahat ng bagay. At ang pag-aaral ha.."

"Yes Ma.. I know my priority." Para sa akin wala ng mas importante kundi ang pag-aaral.... "Thank you.." I whispered.

I was not expecting this. I know she's not strict, but she's also not the the-hell-I-care mom, she doesn't encouraged bad behavior, lagi niyang sinasabi sa amin ni Ate na ang magandang mukha ay balewala kung pangit naman ang ugali. And lagi niya ring sinasabi na mag-ingat kami sa mga lalaki, nagkalat daw kasi ang mga manloloko, well except Papa.

OMG! Speaking of Papa...

"At tungkol sa papa mo," she said like she'd read my mind. "ako ng bahala sa kaniya." 

And it sank in. Finally I can say IMA LADY!!

*

To: Louis Anthony :)

*******Hello there!. :)

I press sent.

beep.

******Hi. how are you? :)

******hmm. I'm good. You? :)

beep.

******Eto namimiss ka. T_T

I typed.

*******LOL. :D Kamusta ka nga? :)

beep.

****** Im serious, I missed you. I'm thinking of you and wonder if you are thinking of me too. :)

Im thinking of you too.

Oh shut-up brain!

Sasabihin ko na ba sa kaniya na pinapayagan ko na siyang manligaw or I'll play coy?

I chose the last.

*****Bakit mo naman ako  iniisip?

*****Ayun lang naman yung kaya kong gawin eh kasi hawak mo ung puso ko. :)

His reply.

*****wow, cheesy mo ha. gusto mo ba talaga ako? :)

Okay, let's be frank this time.

 *****Oo, sobrang gusto ko kita CJ. Sana bigyan mo ako ng chance. :)

"Chloe, dinner's ready! Halika na!" narinig kong sabi ni Mama mula sa kusina.

"Sige Ma, wait lang.."

I have to tell him.

*****Bukas punta ka dito. Mom wants to talk to you! <3

I press sent and put my cellphone beside our tv.

Tumayo na ako papunta sa kusina ng tumunog ulit ang cellphone ko.

*****bakit? teka anong susuotin ko? anong oras?

I start typing again.

*****After lunch, and sa damit? hmmm. wear something ..

"Chloe, halika na kumain na tayo!"

Lumingon ako, nakasungaw si Mama sa kurtinang nakasabit sa pintuan na naghihiwalay sa kusina at sala namin.

"Sige Ma, susunod na po ako."

Tumalikod na siya. "Bilisan mo."

and I typed

***damit para sa kakaliskisan! bye! :D

iMADE A Choice...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon