Katapusan ng April ng umalis si Papa and I was so glad nang makiusap siya kay Louis na sumama sa paghatid namin sa kaniya sa airport. Si Papa ang driver at katabi niya si Louis and all throughout the trip ay magkakwentuhan sila habang kaming mga babae ay ganoon din naman sa passengers’ seat. Hindi kami pinapababa pa ni Papa sa kotse sa tuwing ihahatid siya, baka daw kasi mag-iyakan pa kami! If I know siya naman ang unang iiyak! Pagkahatid namin sa kaniya ay dumiretso kami nila Mama sa MOA, oh well request niya! Sakay daw kaming ferris wheel! Hahaha! Samantalang si Ate naman ay dumiretso na sa Staff house na malapit sa MOA.
Dahil alas 3 pa lang ng hapon ay hindi pa open yung ferris wheel kaya ayun nag-ikot ikot na lang muna kami nila Mama sa loob ng MOA, sa sea side hanggang magbukas yung ferris wheel. Tuwang tuwa si Mama kasi may aircon sa loob kaso bakit daw ang bagal ng ikot, sabi ko design kasi talaga to para sa mga lovers. Bigla siyang umiyak, namiss niya agad si Papa! Sayang daw at hindi sila nakasakay nung nagpunta kami last time. Ayun we comforted her. Naalala ko tuloy nung nasa Palawan kami, sobrang namiss ko rin si Louis lalo na nung pumunta kami sa Underground River, gusto ko kasi makita at maexperience niya rin yung masasayang moments ko. Just like how Mama wanted Papa to be with her now.
Hindi ko namalayang tapos na pala ang 10 minutes na pag-ikot ng ferris wheel katulad nang pagdaan ng Labor Day, Independence Day, debut ni Jacky at start ng third year namin and fourth year ni Louis nung June, start ng busy week nung July pero hindi ko nakalimutang 2Oth birthday ni Louis yun. I gave him a surprise sa bahay nila Jacky, I told him I can’t come pero actually from the decorations, sa food, sa pag-invite sa mga classmates niya eh ako lahat nagprepare, well of course with SINIC’s help. Dumaan di and National Heroes Day, midterm at debut ni Lauren nung August, debut naman ni Patricia nung September. Thank God, hindi na naulit yung away namin ni Louis, tinatanong nga kami ng SINIC kung nagkakatampuhan daw ba kami kasi parang sobrang saya at sweet daw namin lagi. Oh well, we promised to each other na hindi kami mag-aaway over small things, sasabihin namin yung nararamdaman ng bawat isa and we’ll always be happy. J
Today is 2nd week of October and final examination namin sa Speech Communication, we are to deliver our memorized speech in front of the class and I am confident na madedeliver ko naman yung speech ko! Thanks to my ever supportive boyfriend na alas10 na umuwi kagabi just to make sure na memorize ko na yung speech ko.
“Basta Bee, kung hindi mo man maalala lahat, or mamental block ka, isipin mo na lang bee na bless ka pa rin at ipagpathank you mo sa Lord na...”He paused.
“Na ano Bee?” tanong ko.
“Na may sobrang gwapo kang boyfriend!” he said it like it’s very obvious.
“Hahahaha! Bee naman eh!”
“Bakit Bee? Hindi ba totoo?” sabi niya sa tonong kunwari’y nagtatampo.
“Totoo! Tampo ka naman agad Bee! Actually araw-araw nga pinagpapathank you ko kay God na may boyfriend akong bukod sa gwapo na eh sobrang bait at sweet pa!”
“Ako din Bee eh, pinagpapathank you ko rin araw-araw kay God na binigyna nya ako ng maganda, mabait at sobrang bolerang girlfriend!”
And we both laughed.
“Aray ko! Grabe Chloe abot hanggang dito yung langgam!Pulang pula oh! Partida! Magkalayo pa kayo nyan ha!”
“Che! O sige na Bee, nilalanggam na naman daw yung pinsan mo.. I love you Bee..”
“I love you too. Goodluck and God bless your finals!”
“Panira ka talaga Jacky ng moment eh noh!” sabi ni Lauren pagkababa ko ng cellphone mula sa tenga.
“Eh nakakainggit ka—”
BINABASA MO ANG
iMADE A Choice...
Teen FictionHallo there! This will be my first story so please bear with me. It's about a girl who is about to make her biggest decision. It's not just about love life, it's about what we value the most. Not a plain love story, it has some element of friendship...