iMADE A Choice: Not yet! But Very Soooon!

20 0 0
                                    

Tumayo na kaming tatlo.

“Basta Louis hijo tandaan mo, hindi sa kanto, hindi sa school o kung saan-saan ang ligawan.” She paused. “Dito sa bahay! Dito lang okay?"

Tumango si Louis at nagsmile. "Wala pong problema sa akin kahit ano, basta po pinayagan nyo ako."

I melt.

“At saka nga pala kahit wag ka nang magbarong sa susunod mong dalaw ha?” nangingiting sabi ni Mama. “Ano bang sinabi mo anak kay Louis? Masyadong formal itong barong although bagay naman sayo hijo. Gumawapo ka lalo!”

Mama! Ano to? Flirting with my suitor?

“Hay naku Mama wag mo ng bolahin masyado si Louis! Baka lumaki ang ulo!”

“Anong bola don? Eh totoo namang gwapo yang si Louis. Oh siya sige na hijo at baka masyado kang gabihin sa daan. Cj, ihatid mo muna si Louis sa gate…”

He smiled. “Sige po Mrs. Ferrer.. Salamat po sa masarap na meryenda.”

“Tita Glory na lang!” nakangiting sabi ni Mama. Masyado naman atang natuwa si Mama kay Louis! “At walang anuman. Sige mag-ingat ka ha!”

“Sige Ma...” sabi ko at lumapit na ako kay Louis na nasa pintuan.

“Salamat po ulit Tita, alis na po ako.” Si Louis at lumabas na kami ng pinto.

Tatlong oras.

Tatlong oras ang naging kwentuhan nila Mama at Louis! Yes kwentuhan NILA dahil sa sobrang daldal ni Mama eh hindi man lang ako nakapagsalita. But it’s okay because I was able to know Louis more, si Mama kasi sobrang daming tanong, like family background niya, province and so on. Parang nagfill up ng biodata at sumagot sa slumnote si Louis dahil pati what is love tinanong ni Mama! Hahaha! Nakakatuwa naman si Louis dahil game siya at seryoso naman siyang sumasagot.

Kaya ngayon medjo di na ako awkward much sa kaniya.

“Ahhm, pasensya ka na kay Mama ha. Ganun talaga yun, madaming tanong.”

“Okay lang, actually Tita Glory’s cool.” He said smiling. “She’s just trying to protect you.”

“Yeah I know..”

“Anyway, Chloe… thanks for giving me a chance, akala ko basted eh…” sabi niya in a very serious tone.Huminto kami sa paglalakad ng nasa tapat na ng gate.”

“Ahh…. Uhmm…” Ano bang dapat kong sabihin? Na the feeling is mutual kaya ko siya binigyan ng chance? AGAD-AGAD??!! NO! Nakakahiya! Baka isipin niya easy to get naman ako or baka lumaki ulo niya at di na nya ako seryosohin! Or- BAKA PARANOID KA LANG CHLOE? Chill ka lang, just go with the flow okay?

“So, pwede na akong... manligaw?” he suddenly asked that snapped me back to reality, naku! Kung ano ano kasi pinag-iisip eh!

“Hmmm... Ikaw, kung gusto mo pa. Baka kasi natakot ka na sa mga requirements ni Mama eh.” I said and slightly laughed. Okay just be yourself. Wala nang wakward moment okay? Dalaga ka na!

“Hindi ah, actually mas lalo akong naging pursigido kasi syempre hindi lang ikaw ang liligawan ko kundi pati si Tita.”

“Ganun, well mom’s hard to please. And like mother, like daughter.” I said smiling. Really Chloe? You’re hard to please? Ngayon pa nga lang-

“Basta para sayo, gagawin ko naman ang lahat eh..”

And just like that, my heart summersaulted.

iMADE A Choice...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon