11-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO

28.6K 933 24
                                        

SAVANNAH

TATLONG ARAW NA ang nag daan simula nung maki pag lunchdate ako sa kay Gabriel kasama ang family niya.

Naiilang ako nung pero nung nag tagal ay okay naman na ang pakikitungo nila sa akin.

Ang akala ko nga talaga ay hindi ako gusto ng mommy ni Gab pero palabas niya lang daw iyon para paaminin kaming dalawa.

Tatlong araw narin kaming hindi nagpapansinan ni Gab kasi nga ay nalilito ako sa nararamdaman ko, oo at nagsisimula na akong magka gusto sakanya pero parehas ba kami ng nararamdaman?

Gusto ko siyang tanongin tungkol doon pero nahihiya ako.

Paulit-ulit din na pumapasok yung ginawa niya doon sa entrance ng restaurant na mas ikinalito ng isip ko.

"Sav! Tulala ka na naman."ani Arya sa akin habang nagtitimpla ng kape sa cafeteria.

Nginitian ko nalang siya saka na sinimulang inomin ang tinimpla kong kape.

"Nag away kayo?" tanong niya ulit.

"Hindi kami nag away."Sagot ko.

"Eh anong iniemote-emote mo dyan bruha ka!" aniya saka uminom sa kape niya.

"Arya." tawag ko sa pangalan niya tinaasan ako nito ng kilay.

"Oh?"

"Kailan mo nalaman na may feelings ka na pala sa boyfriend mo?" I asked.

"Magkakilala na kami ni Tyler simula pagkabata tsaka may gusto na talaga ako sa kanya simula palang nung iniligtas niya ako sa mga bullies sa school." kwento niya

"Teka!" pinanliitan niya ako ng mata saka ako itinuto.

"Nagsisimula ka nang magka gusto kay Boss ano?!"Agad kong iniwas ang mukha ko sakanya kasi alam kong namumula ang pisnge ko sa sinabi niya.

"Aha! May gusto ka na nga sakanya! That's okay my friend i can help you with that."kinindatan ako nito saka nito pinagpatuloy ang pag inom ng kape.

Umalis agad ako sa cafeteria ng maubos ko na ang kapeng nasa tasa ko saka ako nagtungo sa cubicle ko para magsimulang mag trabaho.

Nasa kalagitnaan akp ng pag aayos ng mga files na naka compile sa lamesa ko ng bigla akong tawagin ng secretary ni Gab.

"Mrs Monroeville, ipinapatawag ka ni Boss." Sabi niya nag antay sa may pinto ng elevator.

"Ah, sige." Sagot ko nalang saka na nagtungo roon at pumasok sa loob.

Nasa pintuan na kami ng opisina niya nang bigla iyong bumukas at lumabas roon ang isang matangkad na babae na blonde ang buhok.

Pamilyar sa akin ang mukha niya hindi ko lang maalala kung saan kami ng kita.

"Oh the b*tch is here." She mouthed saka nagflip hair at tinalikuran na kami.

Pumasok na ako sa loob at mahigpit na napahawak sa suot kong corporate attire.

"Why took you so long to get in here?" He asked pero nasa laptop ang mga mata.

Tatlo kami sa kwarto at ayoko namang mag assume na ako ang tinanong niya.

"I am asking you Savannah." Nagulat ako sa pagtawag nito sa pangalan ko, ngayon naman ay nakaangat na ang tingin niya at madiin ako tiningnan.

"Ah.. Eh..matraffic kasi." Agad kong napitik ang bibig sa naging sagot saka pumikit.

WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon