Dedicated to GiaFault kasi tinambak niya yung notifs ko ng mga comments niya. Napasaya mo ako! :)
Akemi.
"Asking you out on a Fika," napangisi siya sa akin.
Yumuko ako para pag-isipan iyong isasagot ko sa kanya. Ibig sabihin ba nito na, ano, na.. he will court me afterwards? Kasi yung mga kaklase ko sa dati kong school sabi nila kapag daw niyaya ka ng isang lalaki na mamasyal o hang-out ay parang nagpaparamdam na siya na may gusto siya sayo.
Umiling ako sa naisip ko, hindi naman magkakagusto sa akin si Hiro, ano. Ang feeler ko naman. "Ah.. ano-"
"Don't think too much, Fika is a friendly coffee date, Akemi. Nothing more. We'll go out on a friendly Fika, gets?" he asked at napahiya naman ako, siguro nabasa niya yung isip ko. Madaya talaga ito, nakalimutan kong hiramin lahat ng libro ukol sa pagbabasa ng closed na isip!
Napangiwi ako, "Mababasa ko rin yang isip mo, Nathan," pagbabanta ko sa kaniya and he just smirked at me at umiling-iling. Sa tingin niya ba, hindi ko matutunan ang pagbabasa ng isip? Aba, ina-underestimate yata ako nito!
"I'm not underestimating you, Akemi, natatawa lang ako. That's how much you are curious with what am I thinking na kaya mong halungkatin ang buong library?" he said and chuckled. I punched his arm playfully at tumawa na siya, it's not a chuckle anymore, halakhak na.
"Shut up," sabi ko at humalakhak lamang siya habang lukot na lukot iyong mukha ko sa pambwi-bwisit niya. He's being more jolly these past few days, hindi na siya masyadong masungit and I find it... "Cute," I added na nagpatahimik sa kanya.
His mouth was agaped at inirapan niya ako. Did I say something offensive, did I popped his ego? All I did was compliment him. Nako, talaga, I think I need to learn the Hiro dictionary para malaman ko kung ano ang dahilan at bakit ganyan siya umasta.
"I'm not cute, Akemi," he said then rolled his eyes.
Oh, I think I pushed the masungit button! Bakit ayaw niyang nasasabihan ng cute? That's a compliment for God's sake! Baligtad talaga itong lalaking ito, I can't quite figure him out. Masyado siyang malabo, he doesn't show his feelings kaya medyo mahirap siyang basahin kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.
"It's a compliment," I reminded him, kapag ako naman sinasabihan niya ng cute nagwawala iyong butterflies sa stoomach ko. Pero, bakit siya naiinis? Cute naman talaga siyang tumawa eh, I think he doesn't like being complimented.
"It's a compliment, alright. But it's a girl compliment," sabi niya sa akin.
Seriously? Iyon lang ang ikinakaputok ng butchi niya? It's still a compliment din naman! Kailan ba siya naging sexist? At bakit ko tinatanong yung sarili ko, eh nandyan naman yung makakasagot sa akin na nasa harap ko pa.
"Eh ano ang gusto mong compliment?" I asked squinting my eyes.
Siya na nga itong kino-compliment, siya pa ang maarte. Binabawi ko na yung cute ko sa kanya, sasabihin ko nalang sa iba na tatanggapin ng buong-buo ang compliment ko.
Inirapan niya ako at iirapan at pagsasabihan ko sana siya tungkol sa pagiging masungit niya ng may tumawag sa likod namin. They're here? Paano nila nalamang nandito kami?
"Ano ba yan, nang-iiwan kayo! Kung hindi ko lang naririnig yung pagma-mumble niyo dito sa may hill ay hindi ko kayo mahahanap," ani ni Akane na may naglalarong ngiti sa kanyang labi.
Nanlaki ang mga mata ko dahil feeling ko narinig niya ang some parts ng pinag-usapan namin ni Hiro. "So, anong pinagtatalunan ninyo tungkol sa compliment thingy na iyan?" Phew, medyo nakahinga ako ng maluwag dahil iyon lang ang narinig niya.
Tataas lahat ng dugo ko once na nalaman nila na we're going on a friendly fika, as Hiro described it, nakakahiya kaya ang ganoon at baka magsimula ang panunukso sa amin.
Baka dahil sa pang-aasar nila ay layuan ako ni Hiro. But I don't think he's that insensitive, pero I'm just planning for if the situation will happen.
"Anong compliment chuchu, nee-san?" ani Riye.
"It's just nothing. Nagkakaroon lang kami ng senseless conversations dito," pagdepende ko at hindi ako binack-up-an ni Hiro. Gusto niya yatang mapahiya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng cute na ayaw niya na nauwi sa compliment chuchu.
"Guys, hinahanap na tayo ni Sir Hayate," sabi ni Ken na hawak-hawak ang relo na may built in hologram sa loob. Naalala ko pa iyan, that's our means of communication habang trinatravel namin ang world to find the seventh agent.
As much as ayaw ko pang bumalik sa Tantei ay kailangan na. Baka may importanteng sabihin si Sir Hayate, and I don't want to miss out. Habang naglalakad kaming lahat patungo sa school, pinagdarasal ko na sana ay walang Lux akong makasalubong or makita.
"Is your arm, okay?" tanong ni Hiro at inangat ang arm ko.
Medyo napadaing ako sa sakit ng kaunti dahil sa pag-angat nito. It stings, I think kailangan ko itong linisin bago magkaroon ng infection. Maybe, pwede ng mauna sila Reiji doon.
"Uh, Akane, mauna na kayo. Gagamutin ko lang itong sugat before it gets infected," sabi ko kay Akane at tumalim ang tingin niya sa sugat ko. Alam kong nagpipigil siyang sugurin si Lux ngayon kaya hinawakan ni Riyr iyong braso niya para pakalmahin si Akane.
"Once na manakit oa siya ng ibang tao, ako mismo ang maglilibing sa kanya ng buhay," igting-bagang niyang sabi at tuluyan na diyang napakalma nila Riye.
"Akane, it's my fault. Hindi naman ako masusugat kung hindi ako humarang sa harap ni Darwin," sabi ko at mabilis na umiling si Akane na parang sinasabing wala akong kasalanan.
"No, nee-san. Hindi mo kasalanan, it was her who initiated to hurt at the first place. Pinagtanggol mo lang iyong kaibigan mo," sabi ni Riye at nginitian nila akong lahat.
Ngumiti na lamang ako pabalik at nagpaalam muna na gamutin iyong sugat ko. Binabaling ko sa ibang topic yung utak ko dahil I don't want to remember any single bit that happened earlier.
Kahit ano kasing paalala nila na hindi ako ang may kasalanan, nangingibabaw pa din iyong utak ko na sinasabing ako ang may kasalanan. Hindi ko kailangang manisi ng ibang tao sa kasalanang ginawa ko.
Umiling na lamang ako habang pumapasok sa Girl's dormitory. Nanlaki ang mata ko ng maabutan ko doon si Darwin na nakaupo sa kama ko habang tinitignan ang iba't-ibang nakadisplay na larawan sa may desk.
"Darwin?" tanong ko habang lumalapit sa kanya. Tila hindi naman siya nagulat sa pagtawag ko kaya I think he's not doing anything bad.
"Akemi, sorry sa nangyari kanina. Ayan tuloy, you have a wound," he said at lumapit siya sa akin.
Luminga-linga siya sa paligid at nakita sa may side ng study table ang isang first aid kit. "I'll heal you, halika dito," lumapit ako sa may kama ni Riye kung saan ang study table.
Napaisip naman ako sa pinag-ugatan ng away nila ni Lux. It was her mother. He.. killed her mother? Alam kong shinigami siya, alam ko ding inutos lang sa kanya iyon noong time na nasa pamumuno pa ni Rin. Pero, ang tanong sa isip ko.. why? Dahil ba sa droga? Why...
"Darwin, bakit mo pinatay ang nanay ni Lux?" tanong ko rito at napaangat siya ng tingin sa akin.
"Rin didn't give me a reason, basta kapag sinabi na patayin mo, kailangan mong patayin," sabi ni Darwin na may lungkot sa kanyang mata, "Pero, baka it's about the drug na kayang mag-enchance din ng kakayahan ng isang tao na ginawa ng Mom ni Lux," he added at napaisip naman ako doon.
"Ibig sabihin, when you drink that drug, pwede kang magkaroon ng sixth sense? Just like us?" tanong ko at tumango siya, hindi ako makapaniwala. Rin just saved the whole Erityian race. "Kahit pala masama si Rin, she still has that little bit of care in her heart," I stated out of the blue.
"She's not evil, Rin's just misunderstood," aniya.
Tumingin ako sa mukha ni Darwin na unti-unting binabalot ng isang flannel ang aking braso. Nakita ko ang scar sa mata niya. Ang tagal ko ng iniisip kung saan niya galing ang scar na yan. I think it's time to ask him.
"Where did you get that scar, Darwin?"
BINABASA MO ANG
Seventh Agent (Tantei High)
Science FictionA fanfiction of purpleyhan's Tantei High. Disclaimer: 1. This book is written in late 2014 when Seventh Sense is on-going and Truce is yet to be published. The plot consists of the story known only in the first book- Tantei High. 2. It is in no w...