Twenty-Seven

13.5K 349 43
                                    

Akemi.

Tumingala ako sa kanya. Nakatingin siya ng malalim sa akin, para bang hindi ako nagtanong ng isang killer question sa kanya. Wala lang ba talaga yung scar niya? Is this a case of paranoia?

Unti-unting nag-igting ang kanyang bagang, "You really want to know?"

Nag-nod ako with great enthusiasm. I really want to know. Gusto kong malaman kung relevant ba siya sa napanaginipan ko nung tao na pumatay ulit kay.. Mama.

"It's from Lux's father. My mother sent me on a mission to find Francisco Adams, hindi ko alam kung bakit, basta she just sent me," sabi nito, "I went there peacefully ngunit ng mabanggit ko ang pangalan ni Mama.. he freaked out at nilabas yung katana niya. I got wounded,"

"Alam ba nila ang tungkol sa Erityian tribes?" I asked.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Ano ba ang relevance ni Lux sa amin? Bakit palaging nasasangkot ang Adams' Mafia? Alam kong sinabi niya na pinatay ni Darwin ang nanay ni Lux. And the Adams' have a some advance techs too, though hindi kasing advance ng sa amin, but they can trace tracks.

"No," he said.

"Are you sure?"

Natahimik siya. Iyan na nga ba ang sinasabi ko. They're not sure. Pero, now I need to trust him. Alam kong kapag pumapatay ang mga Shinigami ay walang nahahanap na trace. I hope Darwin did well, alam kong isa na siyang trained na mamamatay, that's why I have faith in him.

Ngumiti ako sa kanya, "Darwin, I trust you,"

"I know," sabi niya ng may ngiti,"At alam kong sa oras na sugurin tayo ng mga humdrums dito, I would gladly take the blame,"

"I won't let that happen,"

Humalakhak siya at napakunot ang noo ko. Umiling siya ng ilang beses ngunit may ngiti pa rin sa labi niya. Ano nanamang iniisip nito?

"Ba't ka ngumingiti-ngiti dyan?"  tanong kong kunot-noo.

"Minsan naiisip ko na may gusto ka sa akin," ngumiti siya ng nakakaloko at nanlaki iyong mata ko.

"Kapal mo," humalakhak kaming dalawa at nakalimutan ko na may meeting pa kami nila Sir Hayate, "Darwin! May meeting pa pala kami!" nabigla siya sa biglang pagtayo ko kaya huminahom ako.

Lagot, ang sabi kong 5 minutes naging 15 minutes! "Halika ka na!" hinablot ko yung braso niya palabas at sinarado ko yung pinto.

Humarap ako sa kanya at ngumisi, itinaas ko yung kamay ko at nag-wave habang naglalakad patalikod. "Goodbye!" matapos kong sabihin iyon ay kumaripas ako ng takbo patungong Agency.

Nang makarating ako doon ay sinalubong ako ng galit na si Lux. Naglalakad siya palabas ng Agency at ang nasa utak ko lamang ay, What did I miss? May nangyari na bang gera sa loob ng 15 minutes? Pumasok nalang ako sa loob at nakita ko silang maayos na nag-uusap doon.

"Sorry, I'm late," sabi ko at sinenyasan na lamang ako ni Akane na umupo sa pagitan nila ni Hiro.

Gusto kong mag-tanong, bakit ganun si Lux nung makita ko siyang papalabas? Nagbatuhan ba sila ng masasakit na words na ikinagalit niya? I hope hindi siya pinagtulungan, I hope may kakampi siya habang nangyayari yun. I felt sympathy. Wala na nga siyang maalala ukol sa past niya... inaaway pa namin siya.

"We're going to bring back Lux, tomorrow," umangat ang tingin ko sa sinabi ni Sir Hayate. "Naayos na 'yung machine," he said at napatingin kila Hiro na nakatikhim sa gilid.

"Really, sir?" tanong ko.

"Yes, Akemi,"

I don't know. Parang nanlulumo ako. A part of me is happy dahil finally she's going to be reunited with her family again. Kaso, ewan ko, hindi ko maintindihan.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon