Fifteen

17.5K 445 31
                                    

Akemi.

It's Sunday, all of us decided na kumain muna ng pizza bago magpatuloy sa training. We need to train hard kasi once na magsimula na yung Intramurals, ise-set na sa hard mode yung mga robots to test our strength, wit and skills.

"Oh, Hawaiian Pizza tayo?" tanong ni Akane and guilt is still plastered on her face.

Hindi niya kasi makalimutan yung conversation namin with Lux the other day. Mukha ngang tama siya dahil nagising nalang siya na walang kaalam-alam tapos hindi pa namin siya tutulungan? Kung nasa position niya ako, I would call life unfair.

"C'mon, cheer up Akane" sabi ni Ken, we all know na chismoso siya kaya he squeeze us to spill the juice. So we did, pati nga rin siya nagi-guilty na din.

Nag-promise din kami sa isa't-isa to try and reach out for her. Para naman hindi siya lonely, nakaka-awa din yung tao. Tsaka, siguradong pinaghahanap na siya ng mga kamag-anak niya. While she's here, prisoned.

"Okay! So, ano na nga? Hawaiian or just a Cheesy one?" she tried to sound cheerful pero yung mukha niya is stating guilt. Hay, we can't take this any longer.

Kailangan na naming mag-sorry kay Lux for what we've said earlier.

Also, hindi pa namin nakakausap sila Sir dahil naging busy sila this past few days. I don't know kung ano yung pinagkakaabalahan nila, it's either the machine or organizing the venue for the Intramurals.

"The Hawaiian sounds great. I could use some fruit," Hiro stated and matched his cool boy grin with a shrug.

"Hawaiian it is!" sabi ulit ni Akane.

She pushed a button at lumitaw yung isang hologram sa harap niya at pinili niya yung 3 Hawaiian pizzas with drinks for six. And in a moment ay lumitaw na yung pizzas and drinks sa table, ganoon kabilis yung service nila dito.

Advance technology eh.

We're busy eating at kinukwento namin yung experience naming mga nakipaglaban na sa dome sa mga hindi pa, nang biglang natigil si Akane tsaka si Ken at syempre ako din.

"May naririnig akong sumisigaw,"

"May naaamoy akong dugo,"

"May nakikita ako sa may gubat,"

Bigla kaming tumayong lahat and we made sure that dala-dala namin yung ID namin kasi doon nakadikit yung box na may weapons. Dumaan kami doon sa may hallway at tumakbo kami kung saan naririnig ni Akane at naamoy ni Ken yung possibly... murder?

After a few minutes may nakita akong shadow ng isang tao. Nang makarating kami kung nasaan sila, nagtago kami sa may bush para tignan kung ano yung nangyayari.

Pag-angat ko ng tingin, may mga taong naka-business suit at yung iba may mga weapons. They are humdrums, no wonder. Pero, bakit sila nandito? Two kilometers away kami sa Tantei High, hindi posibleng makarating sila doon. Mga lima lang yata sila so we can take them kung posibleng i-attack nila kami.

Pumasok na yung dalawang lalaki doon sa loob ng isang car at yung tatlong may weapons natira tapos may kung ano silang tinatabunan. Nakaisip ako ng idea para ma-trace namin kung nasaan sila, remember the pencil na may dart tapos sa loob may tracking device? Nilabas ko yun at in-aim yung dart sa sasakyan tapos tinira ko.

Bullseye.

"May laman na white powder sa loob ng suitcase at naka-bottles sila," Akane muttered and she wore her rayban. Recap, yun yung nakakakita kung ano yung nasa loob ng isang bagay.

Aaliw na sana kami doon ng makita ko yung wrist ng lalaki. I was so shocked, sila ba yun? Anong ginagawa nila dito? Hinahanap ba nila si Lurixia? Syempre, they are.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon