Twelve

19.4K 524 92
                                    

Akemi.

Tapos na ang Technology class. We're so amaze of the new contraptions na kahit na break time na namin eh iniisip pa din namin yun. We can't wait to use that in a certain situation.

Pinadala na samin ni Sir yung nga boxes namin at dinikit niya sa likod ng mga IDs namin kasi hindi naman namin iniiwan yun. We're currently eating the new Raspberry tort na inihahain ng canteen.

We're eating ng may biglang nag-bukas ng pinto ng canteen at pumasok siya sa loob and she's heading towards our table. Ano nanamang kailangan niya?

"I've been sent here" sabi niya at naki-upo sa amin. Sa side ng mata ko nakita ko na ang sama-sama ng mukha ni Akane, paano ba naman kasi bigla siyang kumuha ng tort.

"Bakit daw?" tanong ni Ken.

Tumingin si Lux sa kanya and batted her eyelashes. Nako, nagpapacute?

"May klase pa daw, I need to learn. Duh" she said and shrugged her shoulders.

Nagulat naman kami. Bakit siya papaaralin dito kung wala namn siyang sixth sense? Tsaka, wala naman siyang family. Makikisali ba siya sa amin? Tsaka, mag-aaral siya meaning makakakuha siya ng information about Tantei High. Ang gulo!

Nung nagkatinginan kaming anim napag-desisyonan namin na puntahan mamaya sila Sir.

Matapos naming kainin yung tort, sabay-sabay na kaming umalis papunta sa next class, na-tamaan pa nga ni Reiji sa balikat si Lux eh, kaya ayan sorry ng sorry. Inirapan lang naman siya. Five minutes nalang kasi at magsta-start na ang P.E. Si Ma'am Michiko nandoon na siguro, palaging early yun eh.

Nahuhuli akong maglakad kasi ang bigat-bigat ng stomach ko sa sobrang busog. At oo, nakalimutan ko pala yung bag ko! Ang ulyanin ko talaga. Tumalikod ako at I'm surprised na nandoon pa din si Lux at naka-upo lang at malalim yung iniisip.

Pumunta na ako doon at gri-neet siya ng 'Hi', pero inirapan niya lang ako. Sanayan na rin ito, wala ng effect yung pang-iirap niya sa akin. "Bakit hindi ka pa sumama sa amin? Akala ko bang mag-aaral ka?" tanong ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin.

"Psh, pumayag lang naman ako sa pag-aaral dahil nandoon si K- Wala, tara na" sabi niya at tumayo, hinila naman niya yung wrist ko at naglakad na kami papunta sa room ni Ma'am Michiko.

Nag-bell na pero wala pa rin kami doon, ako naman yung humila sa kanya at tumakbo kami ng mabilis. "Nasaan ba yang classroom na yan?!" sabi niya habang hingal na hingal na tumatakbo.

"Tapat ng Midori building tapos third floor" sabi ko sa kanya. Pero, naalala ko paano niya yun makikita eh ang layo nun?

"Ah, ayun oh! Hurry up, slowpoke!" natinag naman ako sa sinabi niya but I just kept running. N-Nakita niya yun? Ang layo namin sa Midori building eh!

Does she have powers? Kung meron, dapat alam na nila Sir ngayon. Naguguluhan na talaga ako sa identity niya. Sa pagkakaalam ko, she works for her father's mafia at isa siyang reaper. Baka siguro nakalagok ng madaming drugs kaya nag-excel yung eyesight niya at yung running pace? Then after 3 minutes bigla siyang bumagal at nandoon na pala kami.

"I didn't know I could run that fast" sabi niya while panting. Ako din hingal na hingal.

Three minutes na kaming late sa klase at pagtapak namin sa last staircase ay nagulat silang lima except for Ma'am Michiko. May kinalaman ba siya dito?

I shook the thought out of my head at pumunta na kami sa designated places namin, si Lux nakatabi ko siya since nasa hulihan ako. Nang nag-settle down na ang lahat she started talking.

"You see, guys. Malapit ng magpasko, 2 weeks nalang. Next week ay may intramurals tayo, I know it's a bit crazy pero yun yung sinabi sa akin. Kaya, we need to train. Lahat ng lalaruin sa intramurals ay bago at hindi normal na sports since hindi rin tayo normal" in my pheriperal vision, nakita ko na nagtaka si Lux.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon