Akemi.
"Darwin?" I asked ng makita ko siya sa may hologram. It gave me an urge upang lumapit doon.
"Darwin ikaw ba talaga iyan?" pinakatutok ko yung mukha ko sa hologram.
Please, tell me its Darwin. Na-mimiss ko na talaga siya at gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon. Halos 3 years ko na siyang hindi nakikita, pero dahil siya binigay na technology thingy nung pusa na kulay black, nakakapag-usap pa rin kami. Pero, madalang nalang.
"Haha, oo Akemi. Ako talaga, if I can just pinch your cheeks I would do it right now" aniya.
I'm happy for Darwin at nakakausap ko na siya ngayon, hindi lang sa message kung hindi nakikita at naririnig ko pa boses niya. But still we're many miles apart. Pero diba, he promised to me? Na sa future kapag siya na ang leader ng Shinigami tribe, he will give his support to me. At si Darwin ang klase ng tao na hindi marunong mag-break ng isang promise.
"Tss"
Hindi ko pinansin ang iritadong 'tss' ni Hiro. Basta, ang saya ko dahil ligtas si Darwin. And I concluded na nagtagumpay sila Sir Hiroshi. Pero, a sad frown was written on Darwin's face. Bakit siya malungkot? I guess my conclusion isn't yet right...
"C'mon Darwin, alam kong kaya mo yan. The teachers will help you save your mother and the Shinigami clan" I said.
I was just being a friend, comforting is one of the best ways of loosing pain.
Narinig ko namang nagbabangayan nanaman yung dalawa sa likod, "Kinain mo yung cupcakes dito?! Ken!" natawa nalang kaming lahat, si Hiro sly smile lang. Nakakatwa kasi nilabas nanaman ni Akane yung socks at winagayway sa ere. Since, walang masyadong space dito, hindi makatakbo si Ken at nagkaroon ng sigawan sa loob ng van.
We didn't bother to stop them, kahit si Ken nagsusumigaw na sa nakakadiring socks. Perks of having a strong smell as a sixth sense. "I would love to talk to you more pero kasi baka may mangyaring masama. So is this goodbye"
Tumigil ako sa pagtawa at malungkot na nilingon si Darwin. "No, not goodbye. See you soon, is better" I said at nag-smile nanaman siya. Hindi ko maiwasang mangilid yung luha ko, pero gustong kong magpakatatag sa harap ni Darwin. "See you later" sabi ni Ms. Reina at in-off na yung call.
Pinunasan ko yung gilid ng mata ko at may naramdaman akong kumurot sa pisngi ko. Pagtingin ko si Hiro at nakapisil pa din yung kamay niya sa cheeks ko.
"Eh, anong ginagawa mo?" sabi ko. Nag-iinit yung mukha ko sa ginagawa niya. Yung para bang may burning sensation na nangyayari sa pagitan ng kamay niya at ng cheeks ko?
"I pinched your cheeks for Darwin"
Why would he do that?
--
Matapos ang tatlong oras nakalabas na rin kami kay Miyu. Sa tatlong oras na yon parang tinorture ako ng panunukso dahil kay Darwin, pero syempre si Hiro hindi nakisali at mas piniling ilagay yung headset sa ulo niya. Konti nalang magmamakaawa na ako kay Hiro na patigilin sila kaso tulog na siya kaya hinayaan ko nalang. We all know Hiro, one little dark stare and you'll approach dead early.
Dumiretso agad ako sa loob ng Tantei High kasama ang iba pa. Kahit hindi mo sabihin, excited na excited talaga kami kasi we are home! Wala ng snow dito at wala ng hologram dahil totoo na, totoo na talaga.
Tinignan kami ng guard at pinakuha yung ID namin, "Aysh, kuya! Hindi ko mahanap ID ko" iritadong sabi ni Akane habang hinahalungkat yung mga maleta niya.
"Ang dami mo kayang dala!" Ken stated at kumamot nalang ng ulo si Akane.
Himala, she didn't make an argument about what Ken said. Siguro she realized na tama nga si Ken. Hay nako, buti nalang kasi anytime hindi na yata makakatiis si Hiro and he will contact death para i-send doon si Akane at Ken.
"Riye, nasa pocket mo" sabi ko at tinignan naman ni Riye yung pocket niya. Nandoon kasi yung ID ni Akane, nakapuslit kasi ng onti and using my sixth sense syempre nakita ko. ;)
"Hay, nee-san paano napunta ito dito?" sabi ni Riye at binigay kay Akane yung ID. Weird, hindi nanamin binigyan ng pansin yun kasi baka nakalimutan lang ni Riye na pinahawak pala sa kanya ni Akane.
"Oh, tara na?" tanong ni Reiji at nagsi-oo naman kami.
Nang makapasok kami dumiretso agad kami sa plaza, may maliit na salo-salo daw sa campus dahil sa pagbabalik namin. Sabi ni Papa, mga hapon pa daw yun at tanghali palang kaya pinagpasyahan muna namin na magpahinga sa dorms at para ayusin na rin yung mga gamit namin.
Habang papalapit kami ng papalapit sa Girls dormitory, may nakikita akong tatlong pamilyar na pigura. At alam kong sila nga yun, "Hiro, sumama kayo sa akin" sabi ko at nagtaka naman sila Akane.
"Pero nee-san baka may makakita bawal yu-"
"Trust me" and I dragged Hiro papaunta sa Girls dorm. Wala naman siyang pakialam kung hawak ko yung kamay niya-wait, kamay niya? Wrist dapat yun eh! Aish, nadulas.
Inalis ko na yung kamay ko sa kamay niya at nakita ko pa siyang mag-smirk. Nako, sa wrist dapat talaga yun eh! Ngayon parang feel ko super red na ako dahil sa ginawa ko. Pero naalis yung atensyon ko doon dahil muntik ng masubsob si Ken at tawang-tawa si Akane sa nangyari. Haha.
"Psh, sinadya mo sigurong lagay yung bato dun, noh!"
"Bakit ako nanaman? Nasa likod mo ako diba? Isip please!"
"Hays, ewan ko sayo"
"Mas ewan ko sayo"
"K"
Hindi na pinatulan ni Akane si Ken ng sinabi nito ang K. Napahagikgik nalang kami nila Riye sa pagbabangayan nila. Nang makalapit na kaming anim sa dorm, agad akong nakita ni Ma'am Michiko, Mama...ni Hiro at Papa. Una akong lumapit kay Papa at hinug siya, ganoon din ang ginawa ng iba.
"Hay, Rainie. Na-miss kita!" sabi ni Mama at hinug din ako.
"Bakit nandito ang boys?" tanong ni Ma'am Michiko at nagkamot ako ng ulo. "Baka kasi na-miss niyo sila kaya ayan, dinala ko"
"Dapat kasi surprise ito, Rainie! Hay, bakit kasi ganyan ang sixth sense mo?" natawa nalang kami sa sinabi ni Mama.
Surprise-wrecker Akemi at your service!
Matapos ng yakapan moments, biglang sumeryoso yung mga mukha nila at napansin yata rin iyon ni Reiji, "May problema po ba?"
"This night, biglang nawala yung mga weapons ng Technology Department" sabi ni Sir Hiroshi at samu't-saring pagkadismaya ang narinig ko sa likuran. Paano makukuha iyon? Sino namang kukuha noon?
"Wala po bang nakita sa CCTV?"
"Ayun nga ang nakakapagtaka, anak. The camera's so small and almost not visible to see with a naked eye, so the person who robbed us must have extraordinary powers"
Bigla namang sumingit si Hiro, "Or maybe, he or she is one of us"
May point siya, sino namang ordinaryong tao ang makakapasok dito or sinong hundrum ang makakadiscover ng place na ito. Metantei is so very well hidden. And oh, sabi nga ni Papa kanina na hindi pwedeng makita ng mga mata yung CCTV without any equipment or such. Pwedeng nasa campus lang siya, pero ang tanong bakit naman niya gagawin iyon? Hindi rin naman basta-basta magpapapasok yung mga guards ng walang ID-ing dala. Muntik na ngang hindi makapasok si Akane kanina kasi hindi niya alam kung nasaan yung ID niya.
So who could it possibly be?
BINABASA MO ANG
Seventh Agent (Tantei High)
Science FictionA fanfiction of purpleyhan's Tantei High. Disclaimer: 1. This book is written in late 2014 when Seventh Sense is on-going and Truce is yet to be published. The plot consists of the story known only in the first book- Tantei High. 2. It is in no w...