Thirty

13.7K 360 20
                                    

Akemi.

Matapos ng matinding pakikipaglaban sa mga tauhan ng Adams' Mafia ay papunta na din kami sa Tantei High na safe and sound. Buong byahe ay tinitignan ko lamang ang maamong (kapag tulog) na mukha ni Lux.


Then naalala ko nanaman ang sinabi ni Akane, what she decoded in the book, annihilation? Paano niya magagawa iyon? First, maybe she'll escape and tell the humdrums about our existence at sa tingin nila ay threat kami sa kanila that they'll declare war. Or, ang Adams' mafia ang makikipag-war sa amin.


I don't want another war again. Ayaw ko ng may mamatay at magsakripisyo ng kanilang buhay for the sake of our tribe. Nasaksikhan ko ang mga nangyari nung Shinigami and Senshin war two years ago.


"Ano po ang plano niyong gawin sa kanila?" tanong ni Ken kila Ma'am Reina na seryosong may tinitignan na parang fluid sa isang glass tube.

"We don't need her brother, one Adams is enough," aniya at kumuha ng syringe, nilagay niya yung fluid sa loob at dumiretso kay Dwayne na natutulog pa din.

"Para saan yan, ma'am?" tanong ni Akane.

"For him to not remember anything to do with us," aniya at tinusok ito sa leeg nito, "It will transport to it's brain,"

Tumango kaming lahat at pumunta sa isang convenient store na pinakamalapit. Pinaupo namin si Dwayne sa isang table ng store at tinakpan ang mga mata niya ng sunglasses.

"Tara na, our job is done," sabi ni Sir Hayate at pumasok na kami kay Miyu.

Malalim ang nasa isip ko. I think kailangan kong itanong ito sa kanila dahil kanina pa ako curious at it seems na wala akong idea na mapasok na head ko, "How can we get Lux on our side?" tanong ko.


Nagkibit-balikat silang lahat, "I guess, show her na tayo ang mabubuti," Sir Hiroshi said while fixing his glasses.

"Hindi yata ito madali, she's one stubborn girl," sabi ni Ken at tinignan si Lux, "Kahit may crush siya sa akin parang hindi ko kaya ang powers niya,"

Nanlaki ang mga mata ni Akane at kami naman ay cool lang. Don't tell me hindi pa nahahalata ni Akane na may gusto itong si Lux kay Ken? Ohmygod, she's so dense kung ganun!

"Omo, akala ko ikaw ang may gusto sa kanya," sabi ni Akane at rinig na rinig mo talaga ang bitterness sa tono ng pagsasalita niya.

"Ako? No way," sabi ni Ken at maatim na tinignan si Akane.

"Sus kunwari ka pa, ang ganda kaya niya sexy pa!"

Ngumisi lamang si Ken, "Pero hindi siya yung babaeng gusto ko,"

Napangisi na din kaming apat sa cute na bangayan nila. God, how can they be so sweet without even trying to be sweet? Alam kong nagse-send na ng signals itong si Ken ngunit dense itong si Akane.

"Bakit sino bang gusto mo, nee-chan?" tanong ni Riye.

"Secret," sabi nito at ngumisi.

"Mukhang alam ko na," sabi ko at tumawa.

It's funny na kaya pa din naming paaganin ang sitwasyon gayung sobrang namo-mroblema kami rito. Sana lang ay magtagumpay kami sa plano naming papuntahin si Lux sa good side.

Matapos ang ilang minuto ay nakauwi na rin kami sa Tantei High. Nagpapahinga kaming lahat sa may bench sa may plaza, si Lux ay nilagay muna sa isang kwarto sapagkat bukas pa yata iyon magigising dahil sa dami ng nalanghap niyang green gas.

Bigla namang may nag-approach na estudyante sa amin. Siya ay may katangkaran and she has glasses on. "Pinapatawag po kayo sa Agency," aniya at tumango kami.

"Salamat," sabi ko at ngumiti kami sa kanya.

Gaya nga ng sabi niya ay pinapatawag kami. Siguro may bagong case? Kung meron bad timing naman! I hope na short lang ito at hindi ganun kahaba. Maybe 2 hours or so? Ganun lang sana, kailangan pa naming maabutan yung paggising ni Lux.

Naglakad na kami patungo sa Agency at binulungan naman ako ni Riye, "Nee-san, do you think bagong case nanaman?"

"Siguro, Riye," sabi ko at nagkibit-balikat.

Nakarating na kami sa Agency at kumatok roon. May narinig naman kaming hudyat na nagsabing come in kaya pumasok na kaming lahat at nangunguna ako.

"Bagong case, sir?" tanong ni Hiro kay Sir Hayate at tumango ito.

"I guess this will not take long, may nangyaring murder sa hotel room 335, Kiari Heights. Go investigate and capture the murderer," sabi ni Sir.

"Aye, aye!" masiglang bati ni Akane at umalis na kami roon para puntahan iyong sinasabing Kiari Heights.

-

"FBI, We're here to investigate the case,"


"Sorry ma'am, may nagi-investigate na po sa loob,"


"But we're sent here!"


"Sorry po talaga ma'am, isang investigator nalang daw po,"


"Ugh! Just let us in will you?"


"Pero ma'am, hindi po pw-"


Hindi na pinatuloy ni Akane yung sinasabi nung guard sa labas ng Room 335 at pumasok kami sa loob. Hinahabol pa kami nung guard but wala na, nakapasok na kami. May isang lalaking mala-Sherlock Holmes yung suot tapos may dala pa siyang notepad kinakausap niya yung babae, as I can tell na siya yung may ari ng unit na ito.


"FBI, we're sent here, sabihin niyo yan sa guard niyo," iritang sabi ni Akane ng hinawakan nung guard kanina yung wrist niya.


"It's okay, Dante," bumitaw naman yung guard matapos sabihin yun ng babae.

Nag-roll eyes si Akane at nagsimula na kaming tumingin ng mga clues.


"Hey! Don't touch anything,"


As if we don't know that, sir detective. Tumango nalang kami at tinapik ko nalang yung likod ni Akane para hindi siya mag-burst, kanina pa kasi siya inis na inis. Napagbawalan kasi kaming pumasok, they said na may detective na daw.


Hindi ba nila alam ang motto na the more, the merrier?


"Saan natagpuan yung body ng namatay?" tanong ni Hiro dun sa babae.


"I already asked that," kontra nung detective, "She said umalis siya ng natutulog yung victim sa ibabaw ng kama, when she got back, after a fine dinner with her husband, uminom daw siya ng Coke to lessen her drunkness kaso the Coke spilled over her kaya kailangan niyang maligo. When she got out, nakita niya na yung victim na nasa baba ng kama at walang malay,"


"Are you related to the victim, ma'am?" tanong ni Ken.


"Kiana is my client. I'm her laywer at may case kaming inaasikaso tungkol sa umano'y nagsta-stalk daw sa kanya. May room sila dito but sabi niya sa akin nag-away daw sila ng husband niya, so I let her stay in my room. But pagbalik ko wala na siya sa kama and I thought umalis na but after ko ngang maligo, I saw her sa ibaba ng kama, I think that's quite odd," tuloy-tuloy niyang sabi habang nira-rub yung thumbs niya together.


"Look guys! Yung blood stains sa ilalim ng bed, na-smudge,"

I think I know what the suspect's tactic is.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon