Ten

17.3K 507 83
                                    

Akemi.

Dali-dali kaming nag-drive papunta sa kung saan namin siya makikita. I can't believe na nauto niya kami, pero too bad dahil we made a way through her statement. Sabi ko na nga ba na siya na nga yun. Unang-una palang.

"Dinouble check na namin ni Akane yung magazine niya sa bahay. Tama nga yung sinabi niyang nakalagay sa ripped pages" sabi ni Ken at nakatanggap ng batok kay Akane.

"Sabi ko sayo! Ang kulit mo kasi! Yan tuloy nag-aksaya pa tayo ng pera para bumili ulit ng magazine" Akane complained.

"Mas nakakahiya naman kung mambintang tayo ng tao di-"

"Tara na, we don't have much time" napa-flinch kaming lahat sa tono ng boses ni Hiro. Ito nanman yung time na sobrang seryoso siya sa case.

Siguro, excited na siya tapos tinatago niya lang sa pagiging seryoso.

'I'm not excited.'

I giggled, ang defensive kasi ng pagkakasabi niya eh. Kahit hindi ka detective malalaman at malalaman mo pa din emotions ni Hiro minsan. Pero, madalas mahirap. Ang galing kaya niyan magtago ng feelings. Or mag-pretend.

"Tara na, nee-san?" taning ni Riye sa akin at pumunta kami sa nurse table para makakuha ng visitor's pass. Binigyan naman kami kaya pumunta na kami sa room niya.

Kumatok kami at pinapasok kaming lahat doon. Ayan nanaman siya tuloy ang pagpapacute . Siya lang pala ang gumawa noon. Psh. Dahil sa kanya parang feeling ko nauto ako ng isang humdrum, pero past is past na-solve na rin naman namin!

"Ano, may lead na ba kayo sa case?" tanong niya at ngumisi kami. Talagang nagpe-play siyang inosente ano?

"Oo meron, at siguradong hindi mo ikakatuwa iyon" sabi ni Akane habang tinataas yung Candy magazine. "Talagang nandamay ka pa ng tao sa kagagahang ginawa mo, Ms. Montgomery" umiling-iling si Akane at pinakita yung pages na pinunit sa magazine.

"How to be famous, ah?" ngayon naman si Ken ang nagsalita at kinuha yung magazine kay Akane, "Let's see, paano nga ba maging famous? Make a commotion, anything just for you to trend . Check, gumawa ka ng gulo para mapansin ka" he added at tinignan ako.

So ayun pinagpatuloy ko nga, "May napansin kaming letter na half burnt at yun yung letter na galing sa company na ine-interminate ka na nila from your position. You planned the whole thing out, alam mo na tatanggalin ka na sa posisyon kaya habang maaga ayaw mong maalis ang reputation mo na sikat kaya gumawa ka ng commotion" pagpapatuloy ko at tumawa naman siya ng malakas.

"You have no proof, whatsoever" sabi nito sa amin.

"We have. According sa company, the mail was sent as 12:02 am in your house that was the time when your guests left. Tsaka, Alice, hindi usual na may cake sa tapat ng pinto. Kaya you did was after they left, nilagay mo yung cake sa may pinto naka-on pa din yung mga candles. Sakto, after a minute or two sinulot ng mailman sa butas ng pinto mo kung saan nilulusot yung mail at dumeretso ito sa kandila at yun yung dahilan ng sunog" tuloy naman ni Hiro at biglang nag-stiffened yung katawan ni Alice.

"Look, ito yung mail oh" tinaas ni Reiji yung mail na hawak-hawak ko kanina.

"At para hindi ka madiin sa kaso, pinagbintangan mo yung tatlong guest na natira on that party. You went far na kaya mo ng patayin yung sarili mo just to be famous again" pagpapatuloy ni Riye at unti-unting nangingilid yung luha ni Alice.

"You did a great job fauxing your own case pero hindi mo maitatago sa amin yung totoong nangyari." sabi ko at tuluyan na siyang umiyak.

"Sa mundong tinitirhan ko it's all about being famous and rich. Kaya nung nalaman kong aalisin nila ako sa trabaho, I made a move. Hindi ko kakayanin na mawalan ako ng trabaho, dahil it means mawawala sa akin akin lahat. My peers and family only loves me dahil may pera ako! Kung nasa posisyon mo ako, wouldn't you do the same thing?!" tuloy-tuloy na sabi niya. She didn't even breathe when saying those words.

"You could've done it in many other ways, Alice. Pero ngayon, you did a mistake and kailangan mong pagbayaran ang nagawa mong mali. Muntik ng may masunog sa katabi mong bahay." sabi ni Ken at pinosasan siya.

Tinawag na nila Riye yung police para sabihin sa kanila yung nangyari at kung sino na yung nahuli. It was her. Nagi-guilty ako kasi ginawa lang niya yun for a valid reason. Lahat naman eh, lahat tayo gumagawa ng masama dahil may rason tayo.

At para sa kanya, mali yung ginawa niyang pamanaraan.

"We can go home now. Kanina ka pa tulala dyan" I flinched ng may narinig akong bumulong sa tenga ko. A small chuckle left his mouth.

"Hiro, nagi-guilty ako" sabi ko sa kanya.

"Don't be, it's not your mistake after all. So, ngayong tapos na ang case pwede mo na siguro akong turuan sa cupcakes?" he said at um-oo ako.

We both walked our way to Miyu's kung saan nandoon sila Akane.

Kung tutuusin, kahit hindi ako mayaman, this guys will still love me for who I am. And, I'm so fortunate to have them as my friends.

'Ang korni mo, Akemi!'

'Nee-san, bakit mushy ka ngayon?'

'Haha, you left your mind opened!'

'Papaparty na ba ako sa speech mo Akemi?'

Namula yung buo kong katawan ng marinig kong silang lahat sa utak ko. Oops, nakabukas nga pala! Dali-dali kong sinarado yung isip ko at tuloy pa din ang pang-aasar nila sa akin. Ay, kaya ayoko ng sobrang daming iniisip eh! Hindi ko tuloy nasasara utak ko.

Sa buong car ride eh nagso-solve kami ng mga codes but neither of us solved anything. Hindi ko maintindihan. A moment later nakabuo ako ng isang letter, biglang tinaas ni Hiro yung papel niya. Sumunod si Akane, tapos si Ken, Riye, Reiji at itinaas ko yung akin.

F U T B E T R L Y

h e v s n e t 0 7

Huh, ano ito? This is not a word. Tapos nilapag naming lahat sa mesa yung mga papel. Tapos may napansin ako sa harap ng libro, a number 7. Bigla kong inayos yung mga papel and bam, nakuha na namin yung sagot.

"Ang galing mo Akemi!" sabi ni Akane at hi-nug ako nag-thank you naman ako sa kanya.

B U T T E R F L Y

s e v e n t h 0 7

Seventh 07. Butterfly.

"We've cracked the first code guys" sabi ni Ken.

Butterfly. Hindi ko pa din siya ma-gets. Anong kinalaman ng butterfly sa Seventh Agent na hinahanap namin? Nagpatuloy yung brain ko na i-process yung word na nasa harap namin nang biglang magsalita si Hiro.

"The Seventh Agent must have a butterfly symbol" sabi ni Hiro.

"Like a tattoo, birthmark or something?" tanong ko naman at um-oo siya.

Mahirap mag-hanap ng ganyan. But, it helps. Were just a mile away from finding you, wherever you are. Basta, kahit saan ka pa hindi kami susuko sa paghahanap sayo.

Kasi, ikaw nalang ang kulang para maperform namin ang Seventh Sense.

I stiffened when I saw a familiar figure smiling at relief at me. Yung para bang nakita niya ako ay nakahinga siya ng maluwag. It was just a split second pero alam kong siya yun.

Tatawagin ko na sana siya. Pero, bigla siyang nawala.

Darwin.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon