Sa Sirentown
" Isa akong mersenaryo. Natural may nag-utos sa kin na may kunin sa mga yon kaya ako hinahabol.." sabi ni Kenneth habang nakatutok ang kanyang baril kay Vixen.
Mukha namang nagsasabi sya ng totoo. Mula sa kanyang bulsa hinugot ni Vixen ang isang kapirasong papel.
"Nais kong pumunta sa lugar naito maaari mo ba akong dalhin sa lugar panuluyang ito?"
"Akin na nga. Alam mo dapat hindi ka nagtitiwala kahit kanino. Mamamatay ka agad!" banta ni Kenneth
"Sa tingin ko naman nagsasabi ka ng totoo. Mukha ka namang mabait. Siguro sapat nayon para ibigay ko ang aking tiwala." ibinaba niya ang kanyang baril at isinuksok.
"Well, ganyan talaga ang nasasabi ng mga kababaihan. Sa kagwapuhan kong ito imposibleng walang magtiwala" payabang na sabi ni Kenneth
"Mister yabang mabuting dalhin mo nalang ako sa lugar na iyan. Basang basa na ako."
"Ok. Miss OA."
Magkasama nilang tinungo ang bahay panuluyan na nakasulat sa isang kapirasong papel.
"Gusto mo bang tumuloy sa aming panuluyan. Dito rin sa lugar na ito kami tumutuloy pansamantala." kwento ni Kenneth
Bakit ko ba sya iniimbita sa aming tinutuluyan? Isa siyang sundalo pwede nya ako ipahuli sa mga kasama nya? Dahil dito pwede kong ipahamak si Larry at Selena. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa babaing ito.
Bago pa man sila makarating sa pintuan ng panuluyan. Tumigil at gumawa ng isang kasunduan.
"Miss hindi kita kilala. Meron akong alagang bata at kaibigang medyo matanda na. Pakiusap huwag sana silang madamay o sana kung may tracking device kang naka attached sayo paki-deactivate para hindi tayo matuton ng kung si nu man."
"Ok. Bayaan mo bukas din aalis ako dito para tumuloy sa ibang lugar. Masusunod lahat ng kondisyon."
"Good. Tara pumasok na tayo."
Agad na nagtungo sa shower si Kenneth.Matapos ay naghanda siya ng mainit na maiinom para sa kanilang dalawa. Habang si Vixen ay nagsimulang maglinis ng kanyang sarili. Kumuha si Kenneth ng long sleeve at pansamantalang pinasuot kay Vixen.
"Napaka init ng pagtanggap mo sa kin dito. Alam mo kung may hihingiin kang kapalit sana pinabayaan mo nalang ako. Masyado kang mabait."
" Wala." Sinuri ni Kenneth si Vixen mula ulo hanggang paa. At tumawa." Seryoso kang gusto kita kaya ako ganito kabait sàyo?"
" Sa pagkakakilala ko sa mga lalaki ganyan kayo. Mabait, maginoo at tapos gagawa ng ...."
" Sabihin nating hindi ako ganon. Inumin mo nayan at ng makapagpahinga ka na."
Tumayo si Kenneth at lumabas. Bigla namang pumasok sa isip nya si James.
Bakit nya ako gustong gawan ng masama? Yung kagabi muntik na. Hindi ko sya malabanan o wag sumangayon man lang...ibang iba si James kagabi. Sana hindi nalang nangyari ang lahat ng dahil diyan kapag bumalik ako sa Sentinel hindi na normal ang lahat.
Hindi na malayan ni Vixen siya ay nakatulog na sa sala ngunit nakahawak sya sa kanyang baril na nakatabon sa kanyang damit.
Samantala si Kenneth naman ay nasa kanyang paboritong lugar ay patuloy na humihitit ng sigarilyo.
Isang alaala..
"Zach!..bang! bang!"
Patuloy tumakbo si Zach ng mabilis hanggang maabutan siya ng makulit ngunit mabilis nasi Kenneth na nooy may hawak na laruang baril. Ngunit ng maabutan siya ng kapatid ay nakaabang na ang kamay para patalikod syang hampasin nito.
Napaupo si Kenneth.
"Zach andaya mo!.."
Tumakbo si Kenneth sa kanyang inang nasa likod ng bahay, nagsasampay.
"Mama..si Zach..hinampas niya ako..." umiiyak niyang sabi.
Kalat kalat na alaala ang patuloy na naglalaro sa kanyang isipan. Ang kakatwang mga larawan ng silay mga bata pa ni Zach. Larawan ng masaya at puno ng pagmamahal ang kanilang kinagisnang pamilya ngunit lahat ay nagtapos sa isang madilim at malagim na pangyayari.
Muling natapos ang isa pang stick at sinundan pa ng isa pa.
Kinabukasan.
Isang maliit at napakatinis na tinig ang gumising kay Vixen.
"Ang ganda ganda.."
"Kuya! Kuya!" pagkatapos niyang sabihan ng maganda si vixen agad niyang hinanap si Kenneth. Nagtapuan niya si Larry at Kenneth na naguusap.
"Kuya kuya sinu sya?" tanong ng batang si Selena."
"Selena, isa lang siyang bisita.
sige na pumunta ka muna don.." paunawa ni Kenneth.
Naiwang nagkatinginan si Larry at Kenneth.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Mersenaryo tayo. Hindi tayo umaampon ng kung sinu man."
"Isa siyang sundalo!"
"Ano! Hoy Kenneth ano bang tumatakbo sa isip mo? Kriminal din ang turing nila sa mga kagaya natin. Baka sa huli siya ang humuli sa atin."
"Siguro! Pero ano nga bang naghihintay sa tin sa huli? Ayoko ng ganitong buhay!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sapat na ang mga naipon natin para mgsimula muli..Larry isang araw matatapos din ang lahat. Mawawala din ang Org..!"
"Anong balak mo? wag mong sabihing sasama ka sa kanya?"
Napangiti lamang si Kenneth.
BINABASA MO ANG
Vixen: The Winter Flower
Randomang sentinel ang pinakamalaking kulungan na matatagpuan sa mundo.Isang islang napapaligiran ng mataas at makapal na bakal, dinesenyo para sa mga bilanggong kinatatakutan at itinuturing na halimaw sa ginawang krimen. Sa isang parte ng isla at may ti...