Chapter 7: Trap and Lies

37 0 0
                                    

Sinubukan ni Vixen mamalagi sa Old Blue Bar para makita ng personal si Iko.

Dumaan pa ang mga araw hindi parin nagpapakita si Kenneth kay Vixen kahit gusto niya itong makita.

Sa gabi siya lumalakad lakad para makabisado ang bawat kalye. Isang gabi nadiskubre niya habang pauwi. Si Iko ay magisa lang na umuuwi pagkatapos niyang pumunta sa Bar. Palihim niya itong sinundan at pagkaraan ay umalis narin siya. Ilang araw pa niya itong sinundan at pinaniwalang walang threat sa paligid.

Assassination ang huling parte ng misyon. Gabi gabi siya nagpapadala ng oral report.

Ika- 29 na araw

Maghapon siyang naghanda sa pamamagitan ng pagpapalakas ng bisig at binti. Hindi niya ginalaw kahit anong pagkain. Tubig lamang ang palagi niyang katabi.

Maaaring kaba? Pagkasabik sa paguwi? o takot na hindi ko maisakatuparan ang misyong ito at mamatay imbis na si Iko.

Sumapit ang ika pito ng gabi. Kinuha niya ang lahat lahat na kakailanganin sa misyon. Lalo na ang device na kailangan niyang pindutin para i-transmit ang data na bumagsak na ang pinuno ng Blackdragon Syndicate.

Uminom sya habang hinihintay si Iko dumating. Ilang oras din ang dumaan at dumating din ang kanyang hinihintay.

Napakasayahin niya para lamang siyang middle age na babae na carefree pero marami ng buhay ang nagdaan sa kanyang mga kamay. Gabi gabing nagliliwaliw at umiinom. Napapaligiran ng mga lalaking poprotekta sa kanya kahit buhay nila ang maging kapalit. Nagpatuloy sa paglagok si Vixen.

Lumabas si Vixen makalipas ang ilan pang oras. Hinintay na nya si Iko sa lugar na dinadaanan nito.

Tanging Street Lights lang ang nagsisilbing liwanag ng lugar. Sa ganong oras wala ng dumadaan sa lugar na iyon.

Naghintay pa siya ng ilan pang oras. Napatingala si Vixen sa kalangitan.
Mukhang hindi makikisama ang kalangitan. Magkasunod na kumulog at kumidlat.

Dumating si Iko sa lugar. Nagsisimula ng umambon. Ikinasa ni Vixen ang kanyang baril at itinutok kay Iko ngunit ito'y walang halong pagkagulat.

"Sabi ko na nga ba may ipinadala nanaman ang Sentinel!. At ngayon babae naman ang ipinadala. Hanggang ngayon ba'y hindi parin kayo nauubos?"

Hindi sumasagot si Vixen. Ngunit nais na nyang kalabitin ang gatilyo dahil kapag hindi niya iyon ginawa magkakaroon ng pagkakataon si Iko.

"Vixen...Vixen ang pangalan mo diba?"

"Bakit alam mo ang pangalan ko!"

"Well, hindi na naman sumusunod ang Sentinel sa protocol"

"Anong ibig mong sabihin?."

"Nagsimula na ang infiltration ng Org sa loob ng Sentinel. Para mas maliwanag lahat ng opisyal doon ay nakipagisa na sa Org."

"Hindi totoo yan!" ipinutok ni Vixen ang kanyang baril ngunit hindi niya ito natamaan.

Bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis na nakabawi si Iko. Sinamantala ni Iko ang pagkakataon na gulong gulo si Vixen. Sinipa at nakatikim siya ng suntok sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

"Nililinlang kayo ng Sentinel o mayroon paring pangilan ngilang opisyales na sumusubok na ubusin kami.!" Wala ng magawa si Vixen kundi maramdaman ang bawat sakit na dulot ni Iko.

" Yan ang dahilan kung bakit sa paguwi nagiisa lang ako. Kaya ko naman ang mga ipinadadala ng Sentinel...sa katunayan pang pito kana sa magkakasunod na taon..."

Vixen: The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon