Chapter 9: No Identity

3 0 0
                                    

   Tumayo si Vixen sa harap ng salamin. Magaling na ang kanyang mga sugat at galos na dinulot ni Iko. Napansin niyang medyo mahaba narin ang kanyang buhok. Kaya humanap siya ng gunting sa loob ng kwarto. Ginupit niya iyon ng mas maikli. At siya'y lumabas ng kwarto.

"Akala ko magkukulong ka na lang don. Anong plano mo ngayon?"

"Tapos na ang misyon ko. Kaya ang plano ko babalik na ko sa Sentinel."

"Wow talaga with bagong haircut..?"asar ni Kenneth

"Salamat sa lahat."

Ikinaway ni Kenneth ang kanyang kamay. Umalis si Vixen.

Tinungo ni Vixen ang Hotel kung saan siya nakacheck in. Ngunit sa ilang araw na wala siya ay nagiba ang pakiramdam niya na tila may ibang nakapasok sa kanyang kwarto. Agad niyang isinara ang pinto at hinugot ang baril at ikinasa dahan dahan siyang lumakad. Bigla nalang may tumutok sa kanyang baril mula sa likuran.

"Ibaba mo yang baril mo kadete"sabi ng lalaki

"Ohh ayan nakababa na.!" mabilis niyang hinugot ang laseta ng hindi na papansin.

"Sipain mo palayo sayo!"

Sinipa nga niya at sa pagharap niya. Mabilis niya ipinukol sa dibdib. Ipinutok ng lalaki ang baril ngunit nakapagtago si  Vixen. Tumumba ang lalaki. Dali dali niyang dinampot ang kanyang baril at tinutukan ang lalaki.

"Diba dapat sinusundo na ko ng Sentinel dahil tapos na ang misyon ko!"

"Ipinapatay ang lahat ng cadetes sa mga tulad naming tuta ng militar. Nang matapos ang misyon mo. Ipinadala ako para patayin ka. Sunod sunuran lang kami sa taas. Dahil may pamilya kaming pinuprotektahan."

"Pero ano ba talaga? Diba isa lang ang target natin pero bakit tayo tayo din ang nagpapatayan."

"Yan ang gusto nila ang may mapaglaruan..Vixen wala ka ng babalikan sa Sentinel. Binura ng lahat ang tungkol sayo..."

"Ano ng mangyayari sa akin?"

Binawian ng buhay ang lalaki. Naiwang lumuluha si Vixen. Hinugot niya ang kanyang laseta sa lalaki at gamit iyon kinuha niya mula sa kanyang palad ang isang chip na nakabaon sa kanyang laman. At dinurog niya.

Wala na ring silbi ang lahat.

Inimpake niya ang ilang gamit at inilagay sa isang knapsack. Hinubad narin niya ang kanyang tag at nagsuot ng normal na damit. Sinuot niya ang mga damit na naroon sa kwarto na pang undercover at nilisan niya ang lugar.

Tok! tok! tok!

Sinilip ni Kenneth kung sino ang nasa labas na kung makakatok parang sisira ng pinto. Nakita niya ang babaeng naka-cap nakasuot ng jeans at black jacket. Napangiti siya at napabigkas ng pangalan..Julia!

Dalidali niyang ibinukas ang pinto. Ngunit nagiba ang kanyang mukha ng si Vixen ang nasa labas.

"Ikaw pala? O Bakit akala ko babalik kana sa Sentinel?"

"Mukhang may inaasahan ka? Hindi mo muna ba ako papasukin?"

"Sure. Tuloy ka!"

Umupo siya sa sofa kaharap si

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vixen: The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon