Sa Sentinel
Nagkaron ng malaking pagdiriwang para sa mga kadete dahil isasalang na sila sa huling pagsubok. Ang lahat ng mga nakakataas na opisyales ng Sentinel Military Academy ay naroon. Masayang binati ni Heneral James si Vixen. Si James ang batang heneral na sumusuporta Kay Vixen sa pagpasok niya sa pagsusundalo.
"Binabati kita." (sabay nilang sinaluduhan ang isat isa)
"Salamat po" sagot ni Vixen
"Siya nga pala gusto ko sanang maimbita ka sa opisina ko. Pagkatapos nito."
"OK po"
Matapos ang pagdiriwang tinungo agad ni Vixen ang opisina ni James.
Agad namang pinagbuksan ni James ang kadete.
"Tuloy ka."
"Salamat."
Naglabas agad si James ng maiinom na alak.
"Nais mo ba akong tanggihan?"
"Sana. Sir hindi po ako umiinom.!"
Tumanggi man si Vixen naipilit parin ni James ang kanyang gusto.
Halos buong magdamag silang nagkuwentuhan sa mga nakatuwang bagay. Noon pa may itinatangi na ni Vixen ang batang heneral. Ngunit mas matimbang parin ang paggiging sundalo niya. Pormal siyang nagpaalam dito ngunit hindi nya inaasahan ang mga susunod na pàngyayàri.
"Sir gusto ko pa sana magtagal. Ngunit bukas na ng gabi ang alis namin Hindi ka mananalo kung wàlang paghahanda"
Tatayo na sa na siya ng kabigin sya ni James para sa isang halik. Tinugon nya yon ngunit lalong lumalim yon na para bagang may gustong ipahiwatig ang heneral.
Nagpumiglas sya ngunit sa dami niyang nainom na alak. Unti unting nawalan ng laban ang kanyang mga tuhod.
"Sir nilasing mo ba ako para dito?"
"Matagal na kitang gusto. Alam kong Hindi ka basta bastang babae. Kaya sana ibigay mo nalang ang gusto ko." sabi ni James habang hinihiga sya sa sofa.
" Ngunit sinira mo ang aking pagtitiwala. Ikaw ang inspirasyon ko."
Pinakawalan sya ni James. Umagos na kàsi ang luha ni Vixen.
"Makaaalis kana!"
Patakbong umalis si Vixen. Naiwang sisingsisi si James. Pakiramdam ko tuloy wala ako sa sarili ko. Sana pagbalik niya dito mapatawad niya ako.
Naghanda na si Vixen para sa Code 007 Dispersed. 30days undercover,planning bago ang assassination sa confirmation ng target. Ayon sa sinusunod na protocol.
Ng gabing iyon nilisan ni Vixen ang Sentinel. Halos dyan na siya lumaki. Ngunit isa sa mga sinumpaan nyang tungkulin sa Sentinel ay ang ipagtanggol ang walang kalaban laban at hulihin ang mga nasa blacklist. Kaya ng ibaba ang unang misyon sa mga bagong kadete. Itinuring na nya itong simula ng kanyang karera. Isa isa silang ibinaba sa mga magkakaibang lugar upang tuparin ang magkakaibang misyon.
Napatingin si Vixen sa kapwa kadete na nooy nangangatog sa takot at tumutulo ang pawis.
" Ayos ka lang?" tanong nya
" Oo, Hindi ko lang malubos maisip na isaisa lang na kadete sa bawat lugar"
" E, ano naman. Ayos lang yon. Kapag nakabalik tayo matatag na tayo at kahit anong panganib kaya nating harapin."
" Ewan ko. Lalo kana magingat ka..."
" Pwede ba maghanda kana ikaw na ang susunod" payabang na sabi ni Vixen.
Malamang sa isang banda tama sya, para lang kaming mga tupang inilagay sa kagitnaan ng mga lobong nagtatago sa balat ng tupa..kaisipisip ni Vixen habang inaayos ang kanyang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Isinuksok din nya sa kanyang medyas ang isang maliit na laseta.
Kaya mabuti ng laging handa.Ilang saglit pa'y ibinaba narin si Vixen. Ramdam niya ang kakaibang klima sa Sirentown, walang halong lamig..
Ng makaalis na ang helicopter na pagmamayari ng Sentinel. Lumakad lakad siya na parang pangkaraniwang mamayan ng Siren. Sa suot nyang Blackcoat na hanggang tuhod ay para lamang syang isang babaeng bagong dating at manghang mangha sa unlad ng Syudad.
Sa isang eskinita agad niyang napansin ang mga kalalakihan na naghahabulan. Agad nyang tinungo ang mga kalalakihan. Sinundan at ng maabutan nya ang isa agad niyang sinikaran at inililis ang mahabang manggas ng suot nito at nakita nya ang tattoo ng isang dragon. Kasapi ng Blackdragon Syndicate.
" Tinugis nya ang natitirang dalawa pa. Pinaputukan ng baril at tinamaan sa tagiliran at isa nama'y nakita nyang pinaamin ng lalaking kanina lang ay kanilang hinahabol.
" Nasan si Julia?.Saan sya itinatago ni ...." hindi na naituloy pa ng lalaki ang pagtatanong. Dahil may nakatutok na baril sa kanyang likuran.
" Lumayo ka sa kanya, itaas mo ang iyong mga kamay "
"Hay! ano bayan at sinu kana man?"
" Isa akong.." Ilang sandali pay may dumating na mga reinforcements ng Blackdragon
" Kung ako sayo tumakbo ka na" sambit ng lalaki.
Tumakbo nga si Vixen at ang lalaki. Masyado silang marami para harapin. Sa isang mahabang tulay sila nasukol wala na silang kawala.
Parehas silang tumalon sa tubig at nawala sa dilim.
Nagpadala sila sa agos na dinala naman sila sa kabilang panig ng syudad. Umahon silang basang basa. Ngunit agad na naglabas sila ng baril na sa bilis ay hindi nila namalayan na nakatutok sa isat isa.
"Kakaiba ang iyong bilis tila bihasa ka sa pagkitil ng buhay"
" Natural lang dahil isa akong sundalo. Bakit ka nila hinahabol? Anong koneksyon mo sa kanila?"
"Totoo palang sira na ang ulo ng mga namumuno sa bansang ito. Kumukuha ng mga bata upang sanayin sa paggamit ng armas at pagkitil ng buhay inosente man o may sala."
" Wag mo na akong linlangin pa. Anong kaugnayan mo sa blackdragon?"

BINABASA MO ANG
Vixen: The Winter Flower
De Todoang sentinel ang pinakamalaking kulungan na matatagpuan sa mundo.Isang islang napapaligiran ng mataas at makapal na bakal, dinesenyo para sa mga bilanggong kinatatakutan at itinuturing na halimaw sa ginawang krimen. Sa isang parte ng isla at may ti...