Chapter 5: The Night in Town

31 1 0
                                    


Nagliliwanag ang bawat kalye. Sinu bang nakakakilala sa akin dito. Saan kaya itong lugar na ito?

Kinuha niya ang papel na nakasulat ang lugar na ibinigay ni Kenneth. Nagpalakad lakad pasiya, halos 5 kalye na ang naaabot niya. Napangiti siya ng nakita na niya ang lugar. Old Blue Bar

Pumasok siya sa lugar. Nagpalingalinga siya sa medyo madilim na lugar ngunit hindi niya makita kahit anino ni Kenneth.

Asan kaya yun? Maraming nagkakasayahan dito. Lasing na wala sa tamang pagiisip. Hay..Naalala ko nanaman siya. Ayoko munang maalala siya.

Paatras na sana siya ng nabunggo niya ang kanyang hinahanap.

"Ohh ohh..I'm sorry palabas -- " napatingala siya at napangiti ng nakita niya si Kenneth

"Ohh Sorry din...palabas kana ako naman hindi tumitingin sa dinadaanan." paliwanag ni Kenneth

Hindi niya ako nakikilala mukhang ayos ang disguise ko. Mukhang ayos naman siya. Matangkad, maganda ang pangangatawan, may itsura higit sa lahat mabilis magisip at gumalaw. Hay Vixen tama na may misyon ka unahin mo muna yun..

"Ok lang sige mauna na ako."

"Ahh..teka sandali parang nakilala na kita kung saan"

"Hindi kita kilala!..OK!..Excuse me!"

Lumabas si Vixen ngunit sinundan siya ni Kenneth.

"Miss Sungit or OA or Vixen! Pumasok na tayo. Nakilala kita kanina pa. Ikaw lang nakilala kong may ganyang kulay ng mga mata. Asul na mga lente. At sa pagsusungit mo nagiisa kalang dito sa Siren"

Humarap si Vixen "Aalis na ako sinubukan ko lang magmasid masid" dagdag niya.

"Wag ka magalala. May ituturo ako sayo."

"Bakit ako sayo magtitiwala?"

"Dahil may kinalaman ito sa Blackdragon." mahina nyang sabi

Parehas silang pumasok sa Bar. Umupo sila sa gawing kaliwa malapit sa counter.

"Umiinom ka ba? siguro naman may alak sa Sentinel."

"Siguro iorder mo nalang ako ng alak na may mababang alcohol content"

"Sige..sige"

Ilang minuto pa ang lumipas dumating si Kenneth dala ang alak na para sa kanilang dalawa.

Napako ang tingin niya kay Kenneth. Ngunit yan naman ang kinaaayaw ng lalaki.

"Miss wag mo akong tingnan ng ganyan. Mabuti pa tikman mo nalang ito. Sa mga kababaihang ayaw malasing ito ang iniinom nila."

Sinunod naman siya ni Vixen.

Alam ko kaya ko na ang sarili ko. Hindi na mauulit ang nangyari sa sentinel.

"Ang sarap. Mister paano mo ako matutulungan sa misyon ko?"

"Minsan wag mo masyadong isabuhay kung sinu ka. Tingnan mo ko. Halos lahat ng narito ay Blackdragon..."

" Pano mo nalaman?"

"Dahil dito ako madalas. Sa Sirentown namamalagi ang Blackdragon. Gusto mong makita kung sino ang pinuno? Siguro ilang oras pa bago siya dumating."

"Ok. Mister may papalapit sa table natin" pabulong ni Vixen

"Lumipat ka sa tabi ko."

Lumipat nga siya ng mabilis. Ngunit hindi pa sumasayad ang pwet niya ay hinagkan siya ni Kenneth.

"Pakitanggal ang kamay mo!"

"Sweetheart ang mga susunod na pangyayari ay isang palabas" bulong ni Kenneth habang naka ngiti sa paparating.

"Mukhang nagkakasayahan kayo ah." sabi ng lalaki

"Ahh Oo naman. Bagong girlfriend ko eh.." sabay hinalikan niya si Vixen ngunit agad siyang tinulak nito

"Honey..mamaya na lang. Alam mo masyado kang atat."sabi niya kay Kenneth

Natawa ang lalaki sa Inasal ng dalawa. At napakibit balikat at umalis na lang.

Siniko ni Vixen ng malakas si Kenneth.

"Lumang style na yang sayo!"

"Eh anong gusto mo hawak hawakan kita at kulang nalang dito ko na gawin...."

"Tumigil ka na lang..."

"Ok ok ...dito ka nalang sa tabi ko para maituro ko sayo agad yung boss."

"Alam mo para tuloy akong nagsisisi na sumama sayo."

"Bakit naman gwapo naman ako ah.."

"Hindi yan ang iniisip ko. Pakiramdam ko hindi pa sapat ang kakayahan ko para maging sundalo"

"Tumigil ka na lang...pero parang may hindi tama.."

Tiningnan niya ng palihim ang kanyang relo.

"May bad news.. mukhang hindi siya darating.."

"Ok lang. Gusto ko ng umuwi. Kahit hindi ko sya makita in person may blacklist kami dun ko nalang siya titingnan" malungkot niyang sabi

Tumayo si Vixen. Hinabol siya ni Kenneth matapos lagukin ang natirang alak.

"Sandali..Vix."

Naglakad lakad sila ng tahimik. Hanggang umabot sila sa Hotel. Hindi na lamang ni Kenneth tinawag si Vixen sa huling pagkakataon. At hindi narin ito lumingon.

Sa kanyang kwarto sinimulan niyang alamin ang background ng target niya. Laking gulat niyang isa itong babae.

Liriko "iko" Serviano...


Vixen: The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon