Nang si Vixen ay magising ng batang si Selena agad siyang hinatak nito sa isang kwarto.
"Bakit mo ako dinala dito?" umupo si Vixen sa isang katre at siyay nagpalinga linga.
Umikot ikot ang batang si Selena habang itoy malungkot na nagkukwento.
"Ito ang aking kwarto. Ako si Selena. Ako ay 7taong gulang. May ate akong nagaalaga pero wala nasiya eh. Sabi ni kuya Kenneth iniwan daw niya ako kasi may importanteng siyang ginagawa."
"Selena ilang taon munang kasama sila?"
Nagulat sya sa kanyang mga sumusunod na narinig.
"Matagal na. Hindi ko naman nakita si ate Hilary yun lang ang kwentong sinabi ni Kuya Kenneth."
Grabe walang mga kaluluwa. Tiyak alam niya ang nangyari sa Hilary na iyon. Pinaniwala nila ang bata sa huwad na kwento...
"Anong pangalan mo ate?"
"Ako? Ang pangalan ko ay Vixen. Selena ayaw mo bang magstay sa isang ampunan? Maraming bata roon tulad mo. Magiging masaya ang buhay mo dun!"
"Kayo po ba nanggaling din sa ampunan?"
"Hindi pero lumaki ako sa piling ng ibang pamilya. Hindi ko alam kung nasan ang aking pamilya"
Patuloy silang nagkwentuhan ngunit ang hindi nila alam ay may iba pang tainga ang nakikinig.
Napatuyo ni Vixen ang kaniyang coat at mga damit na nasa knapsack na nabasa ng silay tumalon sa tulay. Agad ni Vixen isinilid sa kanyang knapsack. Nang siyay muli ng nakabihis ng sarili niyang damit, nakarinig sya ng marahang magkakasunod na katok. Agad naman niya itong pinagbuksan.
"Ikaw pala!." Sambit niya sabay kibit balikat "tuloy ka!"
"Mukhang gustong gusto ka ni Selena."
"Oo nga. Halos maghapon nga akong ayaw pakawalan. Siguro napagod kaya ayan nakatulog na siya."
"Maraming Salamat!"
"Para san!? Hindi ako masaya sa mga nangyari. Nagsinungaling kayo. Ang totoo wala na si Hilary diba?"
''Tama. Wala na nga siya. Namatay siya!"
"Pinatay siya!"
"Sorry. Hindi ko nais na itago sa kanya habang buhay. May tamang panahon. Si Hilary ay ex -girlfriend ng kapatid ko. Pinatay siya nito."
"Anong klaseng kapatid meron ka. At kinunsinte mong lahat. Nagkasala siya!"
"Yung gabing iyon ang huling gabing nakita ko siya. Pinapatay siya ng mga dati kong amo upang masubok ang katapatan niya sa Org."
"Walang puso"
"Sa buhay nating ginagalawan pinagbabawalan ang magkaroon ng relasyon. Emosyon ang kalaban sa huli. Nalagpasan na niya ang pagsubok na iyon. Habang ako hindi na nagpatuloy. Umalis ako ng Org kasama siya."
Tumalikod si Vixen upang itago ang luhang gustong gusto ng umagos.
Lumabas narin si Kenneth matapos ang kanyang bilin.
"Hihintayin na kita sa sala. Ihahatid kita sa lugar na nasa papel. Ayaw ni Larry magtagal kapa rito. Alam..
mo..na.." sabi ni Kenneth
Iniwan ni Vixen si Selena habang itoy natutulog.
"Hindi ko nais na idamay kayo sa pagtigil ko dito. May misyon ako at wala sa protocol na pati mersenaryo ay hulihin."
"Salamat..."
Yun ang mga salitang naiwan kay Larry.
Sa daan sinubukan ni Kenneth basagin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Ah, Miss ang pangalan ko nga pala ay Kenneth, ikaw?"
Patuloy silang naglakad at ni hindi nagtitinginan kahit naguusap.
"Vixen..pangalan ko. Matagal kana sa trabaho mo? Kung ako sayo magiba kana nalang ng trabaho."
"Hindi nako makakabalik sa normal na buhay. Walang araw na hindi hinahabol at humahabol. Patuloy lang sa pagtakbo kapag tumigil ako tiyak oras ko na."
"Wala na ngang malinis ngaun. Puro krimen. Mula pagkabata umikot ang mundo ko sa Sentinel. Walang kriminal kang makakasalamuha maliban nalang kung pupunta ka sa kulungan."
"Sana lumaki din ako sa lugar na katulad nun."
"Siguro kung lumaki ka don isa ka naring magaling na sundalo."
"O, Eto na yung lugar na tinutukoy sa papel."
Isang lumang Hotel ang sekretong himpilan na ibinigay kay Vixen habang isinasagawa ang kanyang misyon sa loob ng 30 araw. Tinunton niya ang kwarto. Naroon ang lahat ng mga kailangan niya baril, at ilang device na kumukunekta sa Sentinel na maaring gamitin. Nang matukoy iyon ni Vixen lumabas siya uli para magpasalamat kay Kenneth sa pagdala sa kanya sa lugar.
" Maraming Salamat."
"Walang anuman Vixen. Sana kung may kailangan ka pwede mo kong puntahan sa lugar naiyan."
Umalis si Kenneth at bumalik si Vixen sa kanyang kwarto.
Nagpadala siya ng isang mensahe sa Sentinel na nakita na niya ang homebase. Nagset na siya ng pangdepensa kung sakaling may makaalam ng kanyang base. Nag Check din siya ng bintana, cr at mga posibleng daanan para sa isang pagtakas gamit ang blue print ng hotel. Buong araw siya nagmatyag sa bintana kung anong normal na galaw ng mga kalapit building at sa mga kasama niya sa floor naiyon.
Sumapit ang kinagabihan. Nakailang bote siya ng soda. Naisip niyang lumakad lakad sa lugar suot ang isang wig at nakaleather jacket.
"Ang lugar na itoy kakaiba..punong puno ng buhay. Ang mundong walang harang.."
BINABASA MO ANG
Vixen: The Winter Flower
Randomang sentinel ang pinakamalaking kulungan na matatagpuan sa mundo.Isang islang napapaligiran ng mataas at makapal na bakal, dinesenyo para sa mga bilanggong kinatatakutan at itinuturing na halimaw sa ginawang krimen. Sa isang parte ng isla at may ti...