"Nag- iisa ka lang? Nasan ang mga magulang mo?" tanong ng isang batang babae
"Hindi ko alam?" pagalit na sabi ng batang lalaki
Hinawakan ng batang babae ang kamay ng batang lalaki.
"Friends na tayo ha! Ako nga pala si Julia Raye. Sampung taon na ako? Ikaw? anong pangalan mo at ilang taon kana?"
" Bakit kailangan mong malaman?..pero matanda ka sa akin. Kaedad mo ang kuya ko, si Zach. Ang pangalan ko ay Kenneth."
"Kung ganon siya pala ang kasama mo dito sa mansyon."
"Bakit ba tayo nandito? gusto ko ng umuwi!" Humagugol ng iyak si Kenneth na nooy mag8 taon palang.
Pinunasan ng batang si Julia ang mga luha ng batang si Kenneth.
"Wag kana ng magalala. Ako ang magaalaga sayo simula ngayon."
Yun ang unang araw ng magkakilala si Kenneth at Julia. Parehas silang nagtulungan buuin ang piraso ng kanilang pagkatao. Habang si Zach piniling maging malakas at maaasahan sa lahat ng bagay. Ngunit hindi makakailang mabilis ding matuto si Kenneth lalo na sa mga pagsusulit na kailangan ng bilis. Sa magkapatid mas pinapaboran ng Elders si Zach.
Ginawa ng magkapatid ang lahat para matuwa ang Org. Nang sila'y nasa sapat na gulang na kinausap sila ni Noah na Tiyuhin ni Julia at ikatlong Elders ng Org. Para sabihin ang dahilan kung bakit sila ikinulong ng 10 taon sa Mansyon at sanayin sila.
Ibinigay ang code ng Org at itinanong ni Kenneth ang gabi na kinuha sila sa piling ng kanilang mga magulang. Hindi tinanggi ni Noah ang lahat. Nang tumalikod ang kanilang mga magulang sa Org kinailangan nilang magdesisyong ibigay dalawa sa Org at lumayo. Tumupad nga sa kasunduan ang kanilang mga magulang ngunit ipinapatay din sila sa bandang huli.
"Ipinapatay sila para wala na kayong balikan!" ang huling mga salita ni Noah bago umalis
Ng gabing iyon ibinuhos ni Kenneth ang sarili sa paginom ng alak samantala si Zach nama'y ikinulong ang sarili sa kaniyang madilim nakwarto.
Lumabas si Julia mula sa kanyang kwarto para puntahan si Kenneth na kulang nalang ubusin ang nakikitang alak.
" Kenneth matulog kana.!"
" Sa...ti..ngin mo...maka..ka..tulooog..pa...ko....taraaa...inoooommm...pa..ta..yo!!!" aya ni Kenneth
Napaluha si Julia. Nilapitan niya ito at kinausap. Hinawakan ni Julia ang mga pisngi na napakainit.
" Kenneth diba mabubuhay tayo para sa isat isa." Hinalikan ni Julia si Kenneth tinugon naman niya iyon.
" Habang nandito ako ibibigay kong lahat para mabawasan ang sakit dyan sa puso mo!"
Nagsimula ang kanilang relasyon at nabago ang lahat kay Kenneth.
Pano pa ko makakabalik wala ng naghihintay sa akin!...
BINABASA MO ANG
Vixen: The Winter Flower
De Todoang sentinel ang pinakamalaking kulungan na matatagpuan sa mundo.Isang islang napapaligiran ng mataas at makapal na bakal, dinesenyo para sa mga bilanggong kinatatakutan at itinuturing na halimaw sa ginawang krimen. Sa isang parte ng isla at may ti...