Hold
Padapang humiga si Edna sa kama pagkatapos niyang magsuklay ng buhok sa harap ng vanity mirror. Si Bella ay kakalabas lang ng CR galing sa pagligo. Nakatapis ito ng tuwalya habang hinahaluglog ang laman ng dala niyang bag.
"Okay lang ba talaga sa asawa mo na nandito kami?" tanong ni Edna. "Nadisturbo tuloy namin kayo."
Mula sa upuan ay lumipat ako sa kama at umupo sa tabi ni Edna. "Naku. Huwag niyong alalahanin 'yon. Wala lang sa kanya 'yon."
"Nasaid na pera namin. May kamahalan din kasi 'yong ticket, eh. Buti nalang may natira pa pang-gas," bahagyang tumawa si Bella at saka nagsuot ng maluwang na yellow t-shirt.
I took a deep breath. "Eh, bakit kasi sinama niyo pa ako sa pagbili?"
Not that I didn't want it. But they could have used the money for something else.
Bella put his hands on her hips after wearing her pajama. "Diba sabi mo noon nagagwapuhan ka kay Park Hyun Jun?"
I nodded. "Oo, sinabi ko 'yon."
I saw them watching a Kdrama before and the main lead caught my attention because he's indeed handsome.
Si Edna ay nagpagulong-gulong sa kama. Para siyang uod na binudburan ng asin. Nagtilian silang dalawa hanggang sa napaupo na si Bella sa kama.
"Pero di ko sinabing fan niya ako," I added. I laughed as I watched them getting so thrilled. They're over the moon, how much more when they get to see Park Hyun Jun up close tomorrow.
"Pareho na din 'yon," komento ni Edna at tumagilid ng higa. She leaned her elbow on the bed, and then rested her head on her palm.
Bella sat on the side of the bed, blotting, and squeezing her hair dry with the towel.
Sandali akong tumikhim. "Gwapo naman talaga kasi," dagdag ko pa.
At lalong lumakas ang tilian nilang dalawa. Naghampasan pa sila ng unan. Para talagang mga bata.
"Shhh. Hinaan niyo mga boses niyo. Baka mabulabog ang mga kapitbahay." Itinapat ko ang hintuturo sa aking bibig bilang pagsuway.
Nakita ko silang nagpalitan ng sulyap bago sandaling tumahimik.
"Hindi ba soundproof itong bahay niyo?" mahinang tanong ni Bella. Tumihaya na ito ng higa.
Umiling ako. "Parang hindi, eh," banayad kong sabi. I remember what happened yesterday...when I came to know what our neighbors thought we were doing at night. I instantly shook my head and lay my body down on the bed. We should talk about something else before I could find myself disclosing such an awkward experience. "Sayang 'yong pera niyo ha. Malaki pa namang halaga 'yong binili niyong isang ticket."
Edna chuckled. "Naku. Ikaw talaga."
"Wala 'yon. Pinatuloy niyo naman kami sa bahay niyo, eh," ani Bella at umupo sa harap ng salamin para mag-blow dry ng buhok.
Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. "Wala ba kayong gustong kainin?"
"Kaka-dinner lang natin, kain agad?" nagtatakang tanong ni Edna at tumagilid ulit ng higa.
Tipid akong tumawa. "Pasensya na. Nakasanayan lang kasi namin ni Gab."
Bella looked over her shoulder at me. "Ah, ganoon ba. Ano ba kinakain niyo sa gabi?"
"Sandwich, biscuit, noodles... kahit ano na nasa stocks namin," sagot ko.
"Pagkatapos niyong kumain. Anong ginagawa niyo?" I heard Edna ask. I turned to her only to see her naughty smile.
BINABASA MO ANG
Up Where We Belong
Ficción GeneralTiffany Sheen Gomez was living the life everyone would dream. She was enjoying her career abroad when she met her 'the one'. That's what she thought. She was so sure of him and almost ready to omit Gomez in her name and changed it into Montero until...