Chapter 30

108 3 3
                                    

Surprised

"Anong ibig mong sabihin?"

He shrugged. "Nothing! Just sit down and eat."

So, I just ate and never asked further. Parang nasanay na akong pag sinabi niyang "Nothing", ibig sabihin tapos na ang usapan. Ayoko na rin pag-isipan pa ng malalim ang sinasabi niya kahit alam kong may tila nakatagong ibang kahulugan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Naghanda ako para sa trabaho pagkatapos naming kumain. Dahil nga nandoon na rin lahat ng gamit ko sa kwarto ni Gab, doon na rin ako naligo at nagbihis nang sunod na pumasok siya sa banyo.

May pagmamadali ang bawat kilos ko. Lumabas ako ng kwarto, dala na ang bag ko, nang marinig ang paglabas ni Gab mula sa banyo.

I waited for a while for him to finish dress up and get ready for work. Kanina ay nagtalo pa kami dahil nais pa rin nitong pumasok ng trabaho sa kabila ng nangyari sa kanya kagabi. Pwede rin naman akong lumiban muna para maalagaan siya pero mapilit ito. Kaya na raw niya.

"Sigurado ka bang wala kang kinaing kontra?" tanong ko kay Gab habang binabagtas ang daan patungong opisina niya. Ayaw pa sana akong payagan ni Gab na magmaneho dahil kaya na raw nito.

Ang dali lang sa kanya na sabihing magaling na siya na parang walang nangyari kagabi. Wala din siyang nagawa nang naunahan ko siyang umupo sa driver's seat.

"I told you I didn't eat anything that could trigger my allergies," mahinahong wika niya. "Nabasa lang ako ng ulan nang sinikap kong habulin iyong pusa ng kapitbahay na nakapasok sa lawn natin."

Saglit akong bumaling sa kanya. "Bakit mo pa kasi hinabol kahit umuulan? Kusang maghahanap 'yon ng mapagsisilungan."

"Naawa ako kasi hindi na gumagalaw. Akala ko patay na. Nang nilapitan ko, biglang tumakbo kaya hinabol ko hanggang sa nahuli ko at binalik sa kapitbahay."

"Baka gusto lang niyang maligo sa ulan. Bakit mo pa kasi pinakielaman?" may bahid ng paninisi ang boses ko.

"I'm not sick anymore, Tiff. And can you please focus your eyes on the road? Baka maaksidente tayo!"

"Wag mo nang ulitin 'yon. Don't pass out on me like that again. I almost died of a heart attack when I saw you lying breathlessly on the floor."

He sighed and nodded. "Okay. I'll be extra careful next time. Just pay attention to driving."

Kumalma naman ako. Sandaling namayani ang katahimikan.

I heard him clear his throat. "I'm sorry I made you worry. Kailangan mo tuloy akong bantayan magdamag tapos ngayon ikaw pa ang nagmamaneho para sa'kin papuntang trabaho."

"Hindi ka nga nalasing pero kinailangan kitang alagaan," sikmat ko.

"I'm sorry. Hindi ko kasi matiis na hindi lapitan ang pusa. I have a heart for cats," mahinahong paliwanag nito.

"Kanino ba kasing pusa iyon at hinahayaang pagala-gala?"

Mahina itong nag-alis ng bara sa lalamunan. "Ahm... kay Cyra."

"Ah, kaya pala." Hindi ko napigilang itaas ang isang kilay. Hindi ko alam kung nakita niyang nagtagis din ang aking bagang.

"Lalapitan ko iyon kahit kanino pang pusa iyon."

"You don't need to explain," mariing sabi ko.

"I need to. Because you're misunderstanding me again."

"We don't need to waste time thinking over this trivial matter. May ibang bagay tayong dapat na binibigyang liwanag. Don't you think, Gab?"

"I don't think I'm ready to tell you yet. And I also don't think you're ready to hear it."

Up Where We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon