Elusive
"Tiffany, bakit nagkukulong ka na naman diyan sa kwarto mo?" sigaw ni Mommy ang bumati sa'kin ngayong umaga.
Umuwi ako ng Tarragona para makapaghinga sana pero panay ang pilit ni Mommy sa'kin na lumabas ng kwarto.
I will go out later. May ginagawa lang talaga ako kaya hindi ako nakalabas agad para kumain ng umagahan.
Nag-aalburutong mukha ni Mommy ang bumungad sa'kin nang binuksan ko ang pinto.
"Why are you locking up yourself again?"
"I'm not, Mom. Believe me. I'm just doing something," depensa ko.
She went inside the room and roamed her eyes as if checking my things.
"Okay. Made sense," baling niya sa'kin nang makuntento sa nakita. "Pero bakit nagkalat ang mga pictures natin dito?" usal niya at saka inisa-isang sinipat ang mga litratong nakalatag sa kama.
Iyon nga ang ginagawa ko mula pa kaninang pagkagising ko. Naisipan ko lang na buksan ang mga photo albums na nakatago dito sa kwarto dahil ako talaga ang kusang nagtago.
"I still keep them, Mom."
Tumango ito. "Yeah. I can see that," mahinang sambit niya habang nakatitig sa litratong hawak niya. She sat on the bed and reached for other pictures.
Sumunod ako sa kanya at napansin kong matagal siyang nakatitig sa isang picture. It was taken on my 6th birthday before it all went downhill for us.
Who would have thought that on the night of the very same day my parents would decide to separate?
Kumuha pa ito ng iba pang litrato at halos mapunit ang labi nito sa kakangiti habang iniisa-isa ang mga 'yon. A lot of them were pictures of me and Kuya Terron during school activities, birthdays and trips in and out of the country.
"Oh." Pinahid nito ang namuong luha sa mga mata, hindi dahil sa lungkot kundi sa tuwa. "It feels nice to look at them once in a while."
"I didn't know you'd react like that," komento ko at mahinang tumawa. "Akala ko talaga iiyak ka!" Umiyak naman talaga siya pero hindi na iyon dahil sa lungkot. Umupo ako sa tabi niya. "You know what I mean."
"Tiff, I had accepted everything long before your father decided to marry Cheryl," mahinahong wika niya. "But your Dad and I will remain connected because we have you and Terron. I will never regret meeting him in this lifetime because once upon a time I took the risk and chose to love him. He helped me grow and build the woman I am today."
She sighed before she continued. "I'm sorry, Tiff. I know it has affected you so much. You were so young when it happened. I don't know how I can make it up to you."
Lagi kong tanong kung bakit kailangang mangyari ang paghihiwalay ni Mommy at Daddy. Now I understand na kailangang mangyari. We had to go through that.
"Alam mo kung paano namin nasabing 'tama na'?" Huminga siya nang malalim. "When none of us wanted to fight for us anymore."
I stared at her and I feel that she could see through me. Hindi ko naman nasambit sa kanya ang totoong pinagdadaraan ko ay madali niyang matutumbok.
"Tiff, hangga't mahal niyo ang isa't isa, kahit anong pagsubok pa iyan, makakaya niyong lagpasan nang magkasama. Hangga't ipinaglalaban niyo ang bawat isa, ipaglaban niyo at huwag susukuan. Sino bang nagsabing madali ang pagmamahal? Darating ang point na masasaktan ka sa isang relasyon lalo na sa pag-aasawa. Kaakibat na ng pagmamahal ang sakit. But like I said, as long as you both love each other, you will keep on holding on. You will always have the reason to understand and forgive the person."
BINABASA MO ANG
Up Where We Belong
BeletrieTiffany Sheen Gomez was living the life everyone would dream. She was enjoying her career abroad when she met her 'the one'. That's what she thought. She was so sure of him and almost ready to omit Gomez in her name and changed it into Montero until...