Chapter 26

121 4 0
                                    

Encounter

Namilog ang mga mata ko at napatakip ng mukha. Pagkuway naiiyak na pumadyak.

"Damn it! Paano nangyari 'yon?"

"At night, when we worked out together in the home gym, punching those boxing sandbags intensely. And, without us knowing, we make those sounds we couldn't hold back. And, they heard us, thinking maybe we're doing the deed roughly and -"

"Oh, please. Stop it."

Nanghihinang pigil ko sa maaaring idudugtong pa niya. Wala na akong mukhang ihaharap kay Lola Gloria or sa ibang kapitbahay na maaaring nakarinig.

Halos maiiyak na ako sa nalaman. Paanong umabot sa punto na iyon? Gusto ko lang naman mag-work out sa gabi dahil wala namang ibang mapagkakaabalahang gawin. At dahil may mini gym sa bahay at kumpleto sa gamit, doon ko lang naman binuhos ang oras ko sa gabi. Hindi rin kasi naiiwasang mag-sabay kami ni Gab. We just worked out and nothing else. We barely even talked during those nights.

And I didn't understand why Gab didn't explain what actually happened in order to clear up any misunderstanding. Sa sinabi niya mas lalong lumalim lamang ang paniniwala nila Lola Gloria na may ibig sabihin ang mga tunog na iyon. Akala ko ba soundproof ang silid na iyon?

Pagkadating sa grocery store, agad kumuha ng cart si Gab at hinila iyon. I walked ahead of him and silently picked from the rack what I think we needed at home.

I felt my phone vibrating and when I checked, it was Bella calling. I suddenly miss our bond at school together.

Tahimik lang na nakasunod si Gab at sinisipat ang mga bilihin. Hindi ko masabi kung nakikinig ito sa usapan namin dahil abala ito sa pagsipat ng mga items. He'd always make sure that he's getting the right and the best product. He'd always check the manufacturing and expiration date, sometimes even the ingredients. He's way too fussy over small details. Or, perhaps, he just felt the need to exercise prudence in everything he does.

Matapos ng mahabang kamustahan ay sinabi din ni Bella ang sariling pakay. She told me that she's going to Manila, together with Edna, to watch a concert.

"Kailan kayo pupunta dito?" I asked excitedly. Matagal na rin ang huli naming pagkikita. Was it 4 months ago, or 5 months ago?

Sandali akong huminto sa shelves na may lamang iba't ibang detergent powder.

"Bukas sana, Tiff. Diyan sana kami matutulog ni Edna sa inyo ng dalawang gabi lang naman. Pwede ba?" nakikiusap ang boses nito. "Kung pwede lang naman. Wala na kasi kaming budget pang-hotel. Naubos na kasi pera namin noong last getaway namin sa Palawan tapos bumili pa kami ng ticket para sa concert." Alam ko na agad ang tinutukoy ng mga ito. They are big fans of this Korean superstar. Nakalimutan ko ang pangalan. "Dalawang gabi lang naman. Please."

"Ah...Eh...Teka muna," paghingi ko ng paumanhin. Okay naman sa akin pero inaalala ko si Gab, bahay niya pa rin iyon. Napaangat ang tingin ko sa kanya na ngayo'y kumukuha ng isang bag ng detergent powder. Sumulyap sa akin nang napansing nakatingin ako sa kanya. "Tatanungin ko muna asawa ko."

Sinabi ko kay Gab nang pabulong ang hiling ni Bella.

Umangat ang kilay niya. "Let me talk to her," sabi nito at nilagay sa cart ang hawak nito. Inabot ko sa kanya ang cellphone.

"Hi, this is Gab." Maaliwalas ang kanyang mukha habang nakikipag-usap. Pagkuway tumango-tango ito.

Tumawa ito. "Yeah, sure. Walang problema."

"Two nights?" Tumango ulit. "I understand. You can stay in our house for as long as you can."

Pagkuway umiling siya. "No, it's not going to be troublesome at all." Saglit na tumahimik. "My wife and I are very much alive at night."

Up Where We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon