Solace
Pakiramdam ko ay mabagal ang mga sumunod na araw. Siguro ay dahil paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko. Sa umaga ay magtuturo at sa hapon naman ay mag-aasikaso ng hacienda. Mommy was out of sight most of the time dahil sa tuwina'y umaalis siya sa at pumupuntang Manila para asikasuhin ang kompanya.
Kapag isa sa amin nina Kuya Terron at Joriel ang hahawak sa hacienda o sa kompanya ay makakapagpahinga na si Mommy at si Tita Julia. But seeing my mother and my aunt getting more engaged with the business baffled me to make decisions because I can see that they can manage it efficiently however tiresome it feels. Marahil ay napakaespesyal ng tingin nila dito dahil bunga iyon ng kanilang pagsisikap. It was Mommy who started it but it wouldn't have been a success without the help of Tita Julia.
I know my cousin so well. He wouldn't leave his job just to run a company. Mahal na mahal nito ang kanyang trabaho.
So, I was left alone to decide. Mahal na mahal ko rin naman ang trabaho ko. But I needed to work full time running the business if ever I decide to take over. I needed more time to think it through. Once I made my decision, then I would certainly be doing it for the rest of my life. Baka hindi ko ma-enjoy ang gagawin at mabagot lamang ako sa buhay.
"Nakita mo na ba ang engkanto?" tanong ni Zam sa kabilang linya. Naisipan niyang mag video call sa'kin. Mula sa balcony ay naglakad ito papasok ng bahay na tinutuluyan niya sa Sydney.
Lakad pa ito nang lakad. Nag-virtual tour na yata ako sa ginagawa niya.
"Oo! At ang gwapo niya!" drama ko pa. Nag-akto pa akong kinikilig. Siyempre niloloko ko lang si Zam. I wanted to see if he's going to believe it.
"Hala! Totoo?"
Wala na. Mukhang naniniwala nga.
"Oo. Kumain pa dito sa bahay. I didn't know they could speak English. He has a job too. He's a lawyer, for goodness' sake!" I said and the image of Gab flashed in my mind.
"Niloloko mo 'ko, eh! Tao 'yang tinutukoy mo," naiinis na turan nito.
Sineryoso ko ang mukha. "Kaya nga. Sabi ko, diba? Tao talaga 'yon."
"Oh. Sige na! Pero sino ba 'yang abogado na 'yan?"
Hindi ako nakaimik. Nagulat ako sa tanong niya. Bakit ko pa kasi sinambit? Ito ngayon obligado akong magkwento.
Piling-pili ang mga detalyeng binahagi ko kay Zam. Nakita kong tumango-tango ito at sa halip na mapanatag ako dahil mukhang nakakaintindi ito, mukhang naasar lamang ako. Parang may ibig sabihin kasi ang ngiti ni Zam.
"Oh. It must be really him," tanging nasambit nito sa huli.
"Sabi ko sa'yo. He was from the other hacienda." I tsked.
"Okay. So, tatapusin ko na itong tawag, Tiff. Good luck to the both of you."
"What?!"
May sasabihin pa sana ako kaso nagngiting-aso na ito at saka tinapos ang tawag.
Sumunod na tumawag si Camille. What's with these people calling me one after another?
Matapos ang kamustahan ay napabuntong-hininga ito.
"Why don't you go back here?" tanong ni Camille sa kabilang linya. Hindi ito nag-open ng camera. Naririnig ko ang pagtipa ng keyboard. She must be doing some paperwork in their office. She works as Executive Assistant in a logistic company in Hong Kong.
Finally, I decided to take her call. Matagal na din nang huli kong narinig ang boses niya. As always, she sounds so giddy when she speaks.
Napatingala ako sa kisame ng aking kwarto habang nakalapat ang likod sa malambot na kama. Hapon na naman at maya-maya'y maglilibot ulit ako sa hacienda upang kamustahin ang mga trabahador.
BINABASA MO ANG
Up Where We Belong
General FictionTiffany Sheen Gomez was living the life everyone would dream. She was enjoying her career abroad when she met her 'the one'. That's what she thought. She was so sure of him and almost ready to omit Gomez in her name and changed it into Montero until...