Chapter 19

158 4 3
                                    

Cake

Nawili si Nam sa paglalaro kaya naman medyo late na kaming kumain ng tanghalian. Sabay kaming kumain ng mga kasambahay. Katabi ni Pamela si Nam at inalalayan niya ang bata sa pagkain.

"Anong paboritong ulam mo, baby?" malambing na tanong ni Leah at napahalumbaba sa harap ni Nam.

Lumunok muna si Nam bago magsalita. "Itlog po," maikling sagot nito.

"Wala ng iba?"

Nam nodded. She continued eating cheerfully.

"Pero fried chicken na po gusto ko ngayon," ani Nam sabay kagat sa pritong manok na hawak nito.

Nagtawanan kaming lahat.

"Gusto mo ng shrimp?" tanong ulit ni Lea at inalok sa bata ang buttered shrimp.

Nam shook her head. "Hindi po ako pwedeng kumain ng shrimp."

"Huh? Bakit naman?" Saglit akong napatigil sa pagkain.

"Sabi po ni Mama."

Pamela looked at me. "Kasi Maam allergic po siya sa ibang seafood gaya po ng pusit, alimango at hipon. Okay lang po sa kanya 'yong isda."

I pouted my lips. I couldn't help but feel sorry for Nam. It's not like you're going to die without eating other seafood. But, depriving yourself of those is putting you in a situation where you'll be asking yourself how it feels to taste them.

Nam was being slowly conditioned by her mother to be mindful of what she eats.

"Anong nangyayari kapag nakakakain siya ng mga ganoon?" I asked, feeling worried.

Pinahiran ni Pamela ang bibig ni Nam. Kinuha ni Nam ang baso at ininom na mag-isa ang lamang tubig. "Nagkakarashes po siya tapos nahihirapan pong huminga. One time po kasi may ulam kaming hipon tapos nakain po niya. Bigla nalang po siyang namula tapos nagkaroon ng malalaking pantal sa buong katawan. Akala ko kung napano na 'yong anak ko. 'Yong takot ko talaga no'n hindi ko mailarawan."

Nanlumo si Lea habang nakikinig kay Pamela. Ako naman ay nahabag dahil alam kong mag-isa lamang itong nagtataguyod sa pamilya. Ang mga magulang niya ay kapwa matatanda na at hindi na kayang magtrabaho.

"Sinugod agad namin sa ospital kasi naapektuhan na rin 'yong paghinga niya. Mabuti nalang at naasikaso kaagad ng doctor. Gumaling din po siya pero lagi ko na pong binubusisi ang mga kinakain niya kasi mahirap na po. Baka maospital ulit."

My chest felt heavy hearing her story. Si Manang Artely at Manang Lucia ay napabuntong-hininga pagkatapos magkwento si Pamela.

"Ganoon talaga kapag may anak na. Mararanasan mo talaga ang mga hindi inaasahan. Kapag ganoong buhay na ng anak mo ang nakasalalay, mas hihingilin mo nalang na ibigay sa'yo ang sakit at hirap basta't hindi lang masaktan at mahirapan ang anak mo," komento ni Manang Artely. Marami na itong karanasan sa pamilya kaya kitang-kita sa mukha nito ang simpatiya kay Pamela.

"Oh, narining mo 'yon Lea?" ani Manang Lucia at nginitian si Lea. "Walang ibang hangad ang magulang kundi ang kabutihan ng kanyang anak."

"Oo naman po," ngisi ni Lea. Ngumiti ito kay Manang Artely. Nahihiya mang aminin ngunit malinawag na napukaw ito sa sinabi ng kanyang ina. "Kayo po Manang Lucia, ano ba 'yong pinakamabigat niyong naranasan sa buhay-pamilya?"

"Sa pagpapalaki namin ng limang anak, masasabi ko na mahirap talaga pero masarap sa pakiramdam dahil nagiging bahagi ka ng buhay ng tao. Ang limang anak ko ang pinakamalaking regalo ko mula sa Panginoon. Mabuti naman at nagsipagtapos silang lahat sa pag-aaral, nakahanap ng trabaho at bumuo na din ng kanya-kaniyang pamilya. Siguro ang pinakamabigat na naranasan ko ay iyong naiwan akong mag-isa magpalaki ng mga anak ko. Namatay ang asawa ko nang nag-aaral pa lang ang mga anak ko. May tatlo akong kolehiyo at dalawang high school kaya naman sobrang hirap lalo na sa pinansyal na aspeto. Itinuturing ko talagang hulog ng Diyos ang pamilya nina Tiff sa amin dahil kung hindi kami tinulungan noon, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kung ano mayroon sila ngayon."

Up Where We BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon