Guest
Nagpumilit akong sumama sa clinic kahit na basang-basa ako. Sa loob ng kotse ay kasama ko si Mommy at ang driver.
Agad na dumating ang tulong matapos kong tawagan si Mommy at ibigay sa kanya ang lokasyon. Ginamit ko ang cellphone ng lalake sa pagtawag dahil hindi ko bitbit iyong sa'kin. Nagising naman ang lalake kanina bago pa siya buhatin ng mga tauhan. Nagawa pa nitong maglakad palabas ng gubat kahit na nagdurugo ang kanang braso nito.
Hinila ko pa siya papasok ng kotse dahil panay ang tanggi niyang dalhin sa clinic mula pa kanina. Matapos kong pagalitan ay agad naman itong sumunod. He fell into silence when I snapped. Nagulat si Mommy maging ang driver dahil saglit pa itong lumingon.
Habang nasa loob ng kotse ay panay ang tingala nito na tila ayaw tumingin sa sinuman sa amin sa loob. His adam's apple showing made me look away.
Si Mommy na ang nag-asikaso sa loob ng clinic matapos akong pinabalik ng bahay para maligo at magpalit ng damit.
That was the fastest bath I've ever had in my entire life!
Ako na ang nagmaneho pabalik sa clinic.
"Ouch!" daing ng lalake nang lagyan ng benda ang braso niya.
Napapalatak ako. "What a misfortune has fallen to this man."
Mabuti naman at hindi nadislocate ang buto niya. Hindi naman pala siya direktang nahulugan ng niyog. Dumaplis lamang iyon sa balikat niya at sa pagkatumba mas lalong dumugo. Sa sobrang pagkabigla ay nawalan ito ng ulirat at bumulagta ito sa lupa.
"Okay na ba siya, Doc?" tanong ni Mommy sa doctor. Nataranta din ito kanina nang malaman ang sitwasyon.
"He's now okay, Ma'am. Malayo sa bituka," sabi ng batang doctor at ngumisi pa.
"Malapit naman sa bungo, Doc. Alam mo bang niyog ang may kagagawan niyan?" pag-alma ko. How could he downplay such an unhappy incident?
The doctor shrugged. "I'm sorry. It must have shocked you. I'm thankful you were there to rescue him."
"Wala naman akong choice," wala sa sariling sabi ko at tumungo.
I couldn't help but to feel guilty about it. Kung hindi sana ako sinundan, hindi sana nahulugan ng niyog ang lalakeng ito.
"Will I be fine, Luke?" Narinig kong tanong ng lalake na nagpaangat ng tingin ko sa kanya. Nahuli kong nakatingin siya sa akin.
"Daplis lang yan, Stanley."
Nakatakas ang mata ko sa tinginan nang magsalita ang doktor.
Ah! Magkakilala pala ang dalawang ito?
"Misis, ito po iyong mga gamot na kailangang bilhin niyo sa asawa niyo," sabi ng nurse sabay bigay sa akin ng maliit na piraso ng papel.
"Miss, hindi ko siya asawa," pagtatama ko. Mariin at matigas ang boses ko nang magsalita at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng babaeng nurse. Tinanggap ko naman ang papel at binasa ang mga nakasulat doon.
"Ah, ganoon po ba? Sabi po kasi ni Sir, ikaw po iyong guardian niya kaya naisip ko tuloy ikaw 'yong asawa. I'm sorry po," paghingi niya ng dispensa.
"It's okay," tugon ko.
Pinandilatan ko ang lalake na seryoso namang nakatingin sa amin.
"Anyway, kailangan niyo pong bilhin iyan," dagdag niya.
"Hindi pa siya makakalabas, Doc?" tanong ko sa doktor.
Hindi sumagot ang doktor na ang buong atensyon ay sa lalake. "Will you be alone in your grandparents' house?"
BINABASA MO ANG
Up Where We Belong
General FictionTiffany Sheen Gomez was living the life everyone would dream. She was enjoying her career abroad when she met her 'the one'. That's what she thought. She was so sure of him and almost ready to omit Gomez in her name and changed it into Montero until...