Fall
Umiling ako. "No way."
"Come on. Let's try it," akay ni Gab sa akin.
"Pero bakit kasi ganyan?" I can walk in a normal hanging bridge but not on this one. "It doesn't look sturdy."
"Don't worry. Safe naman umakyat diyan." Ngumuso ito sa mga taong papuntang taas. "Look at those people going up there, they seem okay."
Yeah. They seem okay but a lot of them are screaming. Ngayon pa lang gusto ko ng umatras!
Matapos makapagbayad ng entrance fee, hinawakan ni Gab ang palapulsuhan ko at marahan akong hinila. Pinauna niya ako sa paglakad.
Automatic na napatingala ako nang nagsisimula na kaming maglakad. Umalpas sa dibdib ko ang matinding kaba.
Tumalikod ako at saktong napaharap kay Gab na nariyan lamang sa likuran ko.
Tumunghay sa akin ang banayad niyang mukha. "Wag na natin gawin. It looks scarier at night. Marami pa namang pagkakataon. Malay mo bukas hindi ka na takot."
"Who told you I'm scared?" sabi ko na pinilit pinatatag ang boses sabay talikod.
Now I'm facing the mighty bridge that indeed looks like it could scare the day and night out of me.
But I'd rather face this bridge than let Gab and Cheryl cross paths again and see it with my own eyes. Hindi ba't ang rason ng paglabas namin ng hotel ay ilayo siya sa babaeng iyon? Why would we go back instantly when I'm not sure if Cheryl already had left?
Nag-umpisa na akong humakbang habang tahimik lamang na nakasunod si Gab. I gasped when I took a glance below. May iilang taong naglalakad sa baba and they looked so small. I stopped looking because I started feeling dizzy. Just realizing the height, I could only imagine the disaster if this bridge suddenly breaks. Pero ayon nga kay Gab, matibay naman ito kaya maniniwala nalang ako especially we're now in the middle of it, halfway to the top. Dahil nga slanted, mas nakakalula ang taas. I want to reach the end point, but I could feel my body shaking. Ang iba naming kasamang naunang umakyat ay halatang lupaypay pagkarating sa dulo.
I turned to look at Gab. Like me, nakahawak din ang dalawang kamay sa magkabilang railing.
"Do you want to stop for a while?" kalmanteng tanong niya. Hindi man lang nabahiran ng takot ang boses niya.
Umiling ako. I won't prolong my agony. I continued climbing until I felt the bridge shaking. Niyuyugyog ng mga kasama naming umaakyat na nakasunod sa amin.
My eyes welled and I screamed.
"Ayoko na!"
Patuloy pa rin sa pag-uga ang hanging bridge dahilan para mapaupo ako. Mabuti nalang at naagapan ako ni Gab at tinulungan akong makatayo ulit.
"Konti nalang makakarating na tayo sa dulo. You'll feel better after this," kumbinsi niya at marahang hinagod ng isang kamay niya ang braso ko.
I bent my body forward when I started feeling that I was leaning my weight on him. Binalik ko ang dalawang kamay sa paghawak sa magkabilang railing.
"This is really crazy! I could do ziplining to get there but not this!" naiiyak kong hiyaw.
I heard him chuckle lightly.
Naramdaman ko ulit ang pag-uga. It was literally shaking and swaying especially on this part reaching the end. I feel that it's going to break anytime as more people climb.
Sumigaw ako hanggang sa mamaos ang boses.
I just never looked back and focused on my steps. Nasa bandang taas na kami at natatanaw ko ang bandang dulo. I could see the viewing deck too. Halos takbuhin ko na kaso natatakot din akong magkamali sa kilos ko at baka pumadausdos lamang ako pabalik sa baba.
BINABASA MO ANG
Up Where We Belong
General FictionTiffany Sheen Gomez was living the life everyone would dream. She was enjoying her career abroad when she met her 'the one'. That's what she thought. She was so sure of him and almost ready to omit Gomez in her name and changed it into Montero until...