CHAPTER 15
Title: Be my fiance?[LUTHER POV]
Isang linggo ang matuling lumipas simula nang mangyari ang paghihiwalay namin ni Hazel.
Nakatayo kami ng barkada dito sa terrace ng room namin. Kita namin ang mga estudyanteng nakatambay sa mga bench at masasayang nagkukwentuhan. Halos lahat kababaihan kaya naman gustong gusto nila clint na tumambay dito sa terrace ng aming room.
"Luther!" Diba si Hazel un," ang ganda nya ngaun ahhh!, nakangising sabi sakin ni joe at tinuro ang babaeng kararating lang sa isang bench at umupo. Walang emosyon ang mukha ni hazel pero ang laki ng ipinagbago ng itsura nya nag pagupit sya ng buhok. Kung dati hanggang bewang ngaun hanggang balikat nalang at pina rebond nya na may kulay burgandy red na kapag naarawan ay kumikislap
Naka booths din sya na may heels at masyadong maiksi ang palda nya at nakasuot pa sya ng eyeglasses na lalong nagpaganda sakanya."Luther!" Napakaganda ni Hazel," sabi pa ni tom.
Nakatingin lang ako kay hazel. Malaki na talaga ang pinagbagu nya. Nung mga nakaraang araw lagi ko syang inaabangan sa parking lot at sinusubukang kausapin pero hindi nya ako pinapansin at minsan may sampal pa akong natatanggap sakanya. Okay lang na gawin nya sakin un ..dahil kasalanan ko naman.
"Sinyang mo!" Sabi pa ni clint sakin.
Narinig pa namin ang sigaw ng isang Engr. Student sa kabilang building.
"MISS ROBLES, ILOVEYOU.!!!! Sigaw ng lalaki.
Kaya naman nag hiyawan ang mga babae sa field at tumingin kay Hazel.Ngumiti lang si Hazel sa lalaki at kumaway.
Hindi ko alam kung bakit nainis ako bigla kaya pumasok ako sa room at pabagsak na umupo."Luther!" Alam mo nung party!" Sobrang nadistract ako kay Hazel, iba ung ganda nya hindi nakakasawang tignan, inggit nga ako sayo nung gabing yon!" Sa lahat ng babae sya ang lumivel up!" Kwento pa sakin ni tom.
"Saka dude!" Hinahanap sya ni dean nung gabing yon!" Sya yata dapat ang magiging Queen of the night.." di naman sya nakita, kaya si chloe at mark ang naging queen at king nung party." Sabi naman ni joe.
Umuwi na kasi ako nung gabing yon at uminom sa condo ko mag isa. Alam ko mali ang ginawa ko nadala lang ako nung gabing yon! Nung hinalikan ako ni carol akala ko si hazel sya kaya ko nagawa un. Lasing ba ako nuon? O si hazel lNg talaga ang nasa isip ko nun?
Nagsisisi talaga ako.. pero wala na nangyari na ang lahat at nakita pa ni hazel.
"Ewan!!!" Sinubukan ko naman syang kausapin pero hindi sya nakikinig sakin." Sabi ko.
"Malamang!!!!! Ikaw ba naman ang makakita ng hot scene nyu ni carol!" Sino bang matutuwa nun!" Naiiling na sabi ni tom.
"Okay lang naman na makipag laplapan ka!" Pero wag kang papahuli." Natatawa pang sabi ni clint. Gawain nya un eh.
(Lunchbreak)
Papunta kami sa canteen ng makita namin na maraming studyante sa bulletin board.
"Anong ganap?" Tanong ni clint sa isang estudayante.
"Ranking po!" Sagut naman ng studyante.
Tinignan ko ang papel kung nasaan ang course namin at hinanap ang pangalan ko.
*TOP LIST MILITARY*
1.MIGUEL ROY GUEVARRA.
2LUTHER NICCOLO HIDALGO."Wow dude!" Congrats, top 2 ka!" Bati sakin ni clint,tom at joe.
Narinig naman namin ang mga nursing student
"Wow, ang galing ni Hazel," sabi ng babae.
"Naku, sadyang matalino yon!" Sagut ng isa.
BINABASA MO ANG
BE MY FIANCÈ
Romance[PAALALA❗ ]this is reposted story.. para sa mga new readers ko at sa mga hindi pa nakakabasa. Ang storyang ito ay walang halong Bedscene more on kilig moment po ito. So dont expect a spg chapter.👍 🚩STORY DESCRIPTION🚩 Its a contract! kontrata at...