CHAPTER 21

156 8 1
                                    

CHAPTER 21
Title: Be my fiance?

[HAZEL POV]

"Pa, ma!" Sigaw ni hazel nang makapasok sya sa bahay nila.

"Oh anak!" Masayang bati sakanya ng papa nya.

"Papa, kasama ko po si luther!" Sabi ni hazel sabay turo sakin.

"Ikaw pala, sir luther!" Bati sakin ng tatay ni hazel sabay tapik ng aking balikat.

"Luther nalang po!" Sabi ko sa tatay ni hazel.

"Hazel, pa upuin mo si luther, at tatawagin ko lang ang mama mo!" Paalam ng tatay nya.

"Pa, ako na po!" Dumito na lang kayo baka mapagud pa kayo!" Sabi ni hazel sa tatay nya at tumingin sakin.

"Okay love, hihintayin nalang kita dito!" Sabi ko kay hazel. At ngumiti naman sya.

Nakalabas na nang bahay si hazel para sunduin ang mama nya.

Nakaupo ako sa kanilang sala. Maliit lang ang bahay nila pero malinis at mukhang masaya ang aura.

"Ahmm, sir luther!" Kung hindi nyo po mamasamain itatanong ko lang po kung anong klaseng nobya ang aking anak na si hazel.," magalang na sabi ng tatay ni hazel sakin.

"Tay!" Wag nyu na po akong tawaging sir, tutal gf ko naman po ang anak nyung si hazel, at sa tanong nyo po kung anong klaseng gf si hazel, masasabi ko lang po," she's the perfect girl for me!" Sagut ko sa tatay ni hazel. "Mabait, maalaga, pero minsan po may pagka selosa."

"Ay oo!" Ganyan ang batang yun!" Nagmana ata sa mama nya!" Sagut ng tatay nya.

"Ganun po ba ?" Tanong ko pa.

"Ou," naalala ko pa nung sinabi nya nung bata pa sya at lagi ko syang kasama sa farm nyu!" Ikaw daw ang ideal man nya!" Bukod daw sa malinis ka sa katawan eh, gwapo,macho suplado ka daw!" Kaya challenging na maging nobyo!" Natatawang sabi ng tatay nya sakin.

"Ayos lang po ba sainyo na naging kami ni hazel?" Kinakabahan kong tanong.

"Alam mo, iho!" Natutuwa nga ako nung nalaman kong may relasyon kayo!" Natupad ang hiling nya na sana ikaw ang maging nobyo nya ang Matagal na nyang Ideal man!" Nakangiting sabi ni tatay harold.

"Nakakahiya naman po!" Nakatawa kong sabi.

"Kaya isa lang naman ang hiling ko!" Na wag na wag mo syang sasaktan!" Matapang si hazel at mapagmahal.. pinalaki ko sya na wag mag paapi sa iba kaya ganyan ang ugali ng batang yan kapag nasa tama sya talagang hindi titigil yan pero pag sya ang mali agad din naman hihingi ng tawad!" Dagdag pa ng tatay nya.

"Opo, makakaasa po kayo na hindi ko sasaktan si hazel, pangako po!" Seryoso kong sabi sa tatay ni hazel.

"Salamat iho," naka ngiting sabi ng tatay nya sakin habang tinapik tapik pa ang balikat ko.

Dumating na sila hazel kasama nya ang mama at kapatid nyang bunso.

"Hey, kuya pogi!" Bati sakin ni Hariss ang bunsong kapatid ni hazel.

"Hellow!" Gwapo!" Balik na bati ko sakanya sabay apir.

"Aba!" Iho, andito ka pala!" Gulat na sabi ng mama ni hazel. Di nya yata sinabi.

"Sinabi ko naman sayo mama!" Ayaw mo lang maniwala!" Nakabusangot pang sabi ni hazel sa mama nya.

"Panong maniniwala sayo si mama, ate?" Ganyan ka naman dati db?" Pinapangarap mong pumunta dito si kuya pogi." Natatawang sabi ni hariss sa ate nya.

"Naku, tigil tigilan mo ako hariss ah!" Inis na sabi ni hazel sa kapatid nya.

"Uyyyyy!" Si ate!" Dati nga kapag napunta si kuya pogi sa farm, kinikilig ka pa eh!" Panunukso pa ni hariss.

BE MY FIANCÈTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon