Chapter 2: meet the boyish

182 2 0
                                    

Xhan's Pov
Hello mga brad! Ako si Xhan--ayokong sabihin ang tunay kong pangalan ....pero kung curious kayo.kahit mahirap talaga sabihin..eto na poh....My true name is.... Shanaiah Alysa Andana.
Pero mas bet ko ang Xhan, mas astig!....1st year hs palang magkasama at makaibigan na kami ni Rox,alam ko di ang buong istorya ng buhay nya pati aken. ..Ako na magsasabi ng mga katangian nya..matalino sya,mahiyain o tahimik sa ibang tao pero pag ss close nya tulad ko ,sobrang kulit nya..Mahilig kami sa sports like Football,Bastketball,Badminton, at Tennis..magaling di sya mag drawing tulad ko.Marami kaming similarities kaya siguro kami naging magbestfriends, Gwapo din sya tulad ko :D...so much for that...

Naglalakad palang ako papunta sa tambayan, nang may may nakita ako sa tapat ng tindahan, tinitignan ko lang sila habang papunta sa tindahan para bumili ng junkfoods (katakawan overload!!:D) gusto ko na nga silang puntahan pero mas pinili kong tignan ang oras at super late na ako sa usapan namin ni Rox.
At pagdating ko dun ,I pretend na wala akong nakita, pretend na walang nangyari and I don't know where she is...
Ayokong makisawsaw sa buhay ng iba kahit kaibigan ko pa eto..

Pagkatapos naming mag-agawan sa isang LOLLIPOP...
Bumalik na kami sa paggawa ng project...

" Anyway..kamusta na GF mo? parang minsan ko nalang syang nakikitang kasama ka ah..." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya

" Ah,Busy kasi sya sa pagpapractice, kasali kasi sya sa Ms. S.A.U eh, sabi nya sya daw muse sa kanilang course."

" Ahh..." tumango tango lang ako, di parin nakatingin
" Nasaan daw sya ngayon?" tanong ko ulit..but this time tumingin na ako sa kanya,nakatingin pala sya sakin..

" Nasa bahay daw nila eh..tinawagan ko kanina." sabi nya

" Ba't mo naman natanong yan?." nakataas kilay na sabi nya

" Wala naman, sinisigurado ko lang na alam mo at alam nya kung asan kayo." tinitignan na nya ako ng nawiweirduhan na tingin

" Ahh....Eh ikaw, kamusta lovelife mo?"

" Ako pa tinanong mo!" nakangising sabi ko

" Ay oo nga pala..hindi ka nga pala marunong manligaw.." nakangisi ding sabi nya,saka tumawa.

" Anong hindi?! Huuuyyy!! excuse me...Baka nakakalimutan mo ako ang dahilan kung bakit nakuha mo ang puso ni Jillianna..remember?" nakataas ang kilay na sabi ko

" At ako rin ang gumawa ng move para magkalapit kayo!! hmp.."

" Ito namang si Bestfriend hindi na mabiro...tampurorot agad?!" natatawang sabi nya

" Inaasar lang eh..napakapikunin talaga ng besfriend ko." tatawa tawa parin sya..psshh

Eh totoo naman eh..ako ang gumawa ng way para magkalapit sila...dahil nagpatulong sya manligaw.

Ako, hindi ako interesado sa mga babae kahit na pusong lalaki ako...kuntento na ako sa mga kaibigan ko.

*Kinabukasan

Pagkalabas ko ng kwarto ko, bumaba ako.. May nakita akong lalaki na nakaupo sa sofa sa may living room, lumapit ako dun.

" Sino ka??" Sabi ko tapos umupo sa sofa na Mahaba. Hindi sya nagsalita ,nakatingin o ..tulala Lang sya saken. Kumunot ang noo ko.

" Narinig mo ba ako? " sabi ko. Binuksan ko na Lang Yung TV. Tas tumingin ulit sa kanya.mukha naman syang Natauhan.

" Ah..sorry po. A-ako po si Brix ,hinihintay ko Lang po si Sheila." Sabi Nya.

" Ahh. SHEILAH! BILISAN MO!HINIHINTAY KA NA NG MANLILIGAW MO!!" Sigaw ko.yung rinig ni Sheila. Hahaha.inaasar ko Lang Yan. Si Sheila Andana---kapatid ko.First year college na sya,hindi sya tulad ko na hindi marunong mag ayos. sya,kikay ,mahilig sya mag ayos,hindi sya lumalabas ng kwarto nya na hindi nakakapagayos.Salahat ng kaibigan nya si Brix lang ang ngayon ko lang nakita at nakilala,kaya nasabi kona manliligaw nya.hahaXD

" Ah..Hindi po ako nya manliligaw." sabi naman ni Brix

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Shei.

" Oh,Zen ,ate ,hindi ko sya manliligaw." sabi ni Shei habang bumababa ng hagdan.

" Ate may pupuntahan lang kami, oo nga pala Zen , sya si ate Xhan." -Shei

" Teka san kayo pupunta? tsaka Zen? akala ko Brix pangalan nya." tanong ko

" Punta ang kami sa mall ,kasama naman namin classmate namin, Tsaka sya si Brix Zen Whitley, Bago ko syang kaibigan kaya siguro hindi mo pa sya kilala,sige..alis na kami, nagpaalam na ako kay mama." -Shei.. naglalakad na sila palabas.

" Teka ulit, hindi ka mag be breakfast?." pagpigil ko.

" Hindi na, sige,alis na kami ate." palakad na ulit sila.

" Uwi ka agad ha." ako ulit

" Oo na. 9pm...sige bye." at dali dali na silang naglakad palabas ng pinto.

Mahilig kasi gumimik angkapatid kong yun. She's 17 years old. ako 18 na.

" Anak." si mama

" Mag breakfast ka na... ang aga aga nakataas yang paa mo,tsaka diba sabi ko kapag nasaloob ka ng bahay wag ka magsumbrero?"  nakalapit na si mama.tas tinanggal ang sumbrero ko at ibinaba ang paa kong isa na nakapatong sa center table.

" Tss.opo ma." at tumayo na ako. kakain na akong breakfast....Nasa kusinana ako ng...

"Xhan!!?"  Aba! at ang aga ata nito.
Umupo na ako sa may dinning .

" Uy! pakain naman..." si Rox po yan...ng makapuntasya dito sa dinning area.

" Oh! bakit? aga mo ata mambulabog ah." sabi ko at sumubo ng bacon.

" Tara,laro tayo basketball,pero bago yun,pakain muna.nakakatakam ang pagkain nyo eh."- Rox

" Bakit? hindi ka ba kumain sa inyo?" tanong ko. sa totoo lang , dito naman na talaga yan kumakain ng agahan minsan--hindi lang pala agahan.kahit tanghalian at hapunan.haha.walang hiya talaga.hahah.joke:D

" Hindi eh.. gusto ko kasabay ka..wala kasi akong kasabay sa bahay, as usual..okey lang naman yun kay tita Chantelle, diba tita?" sabi nya ng makalapit si mama, at inakbayan nya pa.

" Hay naku! kayong dalawa..kulang nalang sa isang bahay kayo tumira eh. halos buong araw kayong magkasama eh."- si mama.

" Oh.sige. iho, sabayan mo na kumain si Shana." nakangiti pang sabi ni mama. at naglakad na papuntang sala.

" MA!! Wag sabi akong tawaging ganun eh!" sigaw ko. tumawa lang naman sila.-_-

Umupo na si Rox sa tapat kong upuan at kumain. Well, kaya dito yan madalas kumain..kasi wala syang kasama sa bahay nila maliban sa mga katulong,butler,at driver...Ang nanay Laura kasi nya ay nasa probinsya daw nila kasama ang asawa nya dahil ikakasal daw ang nag iisa nilang anak..malaki naman na daw si Rox ,kaya na nya ang sarili nya, na walang nag aalaga, at wala ang magulang nya...

===================

shanshan-

I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon