Chapter 45

46 0 0
                                    

Xhan's Pov

" Xhan... Ano kaya kung lumipat tayo ng school." Sabi ni Ej habang naglalakad kami. Out of the blue.

" Ano?" Kunyare walang narinig. Baka kasi nabibingi lang ako eh. At mali ang pagkakarinig ko.

" Ah. Wala..wala. Wag mo nang isipin yun." Sabi naman nya.

" Ahh. " tatango-tangong sabi ko.

" Ah. Pero Xhan.." Napatingin ako sa kanya. Anu bang problema nito? Parang hindi kasi sya mapakali eh.

" Ano ba yun? Ej, sabihin mo na ang gusto mong sabihin?.."

" Xhan.." Tumingin sya sakin ng diretso. Tinaasan ko sya ng kilay.

" Alam mo naman na mahal kita diba?.." Nagulat ako. Ba't ba sya nagsasalita ng ganito? Oo alam ko may gusto sya sakin.

" Xhan, lahat gagawin ko. Wag ka lang masaktan. Wag ka lang makitang umiyak ulit." Hindi ko alam kung bakit sya nagsasalita ng ganito. Naguguluhan man. Nanatili akong nakatingin sa mata nya at hindi nagsalita.

" Ipangako mo sakin na... Hindi ka na iiyak. Magiging malakas ka." Sa sinabi nyang yun. Biglang tumulo yung luha ko. Kasi sa tono ng pananalita nya, parang nagpapaalam na sya.

" Aish! Kasasabi ko lang diba?" Pinunasan nya yung luha sa pisngi ko. At niyakap ako.


" Iiwanan mo na ba ako? Iiwanan mo na rin ako?" Hindi ko man alam, pero yun ang nafi-feel ko.


" Hindi." Sabi nya. Magkayakap parin kami. Naririnig ko ang pagsinghot nya kaya, alam kong umiiyak sya.

" Sandali lang naman ako mawawala eh. Basta kapag may gusto kang sabihin tumawag ka lang ha." Sabi nya at humiwalay na sa pagkakayakap.

" San ka pupunta?" Tanong ko.

" May.. aayusin lang ako. Pero magtiwala ka sakin ha."


Tumago ako." May tiwala ako sayo. Ej."

Ej's Pov

Kailangan ko nang kumilos. I have to do something para matigil na sila. Ilang araw ko na kasing napapansin ang pagsunod nina Raine saamin kasama yung mga tropa nya. Kaya hanggat maari kailangan kong bantayan si Xhan hanggang makapasok sya sa bahay nya. Mabuti na nga lang hindi nila ako pinupuntirya eh.

Napagisip-isip ko. Kailangang gumawa ako ng paraan para itigil na to ni Raine. Kung kinakailangan kong makasama sya araw araw, at lumayo muna kay Xhan...Gagawin ko. Naisip ko kasi baka kailangan lang naming maibalik yung dating ginagawa namin nung kabataan namin. Baka makatulong yun. Kahit kapalit pa non ang paglayo ko kay Xhan. Para hindi na magulo ang buhay nya. At itong araw na to... Kailangan ko na tong sulitin. Kasi baka ito na rin yung last. Hay. Sana maging maayos lang si Xhan.

" Saan ka pupunta?" Tanong ni kuya Jaz. Tinawagan kasi sila ni Xhan. Kasama si Howard. Tsaka kasama rin ni kuya si Lorraine. Nandito kami sa mall. Kumakain sa mcdo.

" Basta. Sa mga kaibigan ko sa Japan. May mahalaga lang kaming aasikasuhin."

" Naku. Baka chicks yan ha. Hay. Wala ka nang pagasa tol." Kuya. Psh.

" Shut up. " Tss. Tumawa lang naman sya.

" Hahaha. Buti naman aalis ka." Howard. I knew it. Masayang masaya sya na aalis ako. Para masolo nya si Xhan. Hah! Asa sya! Friendzone lang sya.


I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon