Chapter 41

48 1 0
                                    

Xhan's Pov

" Xhan. Nakita mo ba si Howard?" Tanong ni Jaz. Katatapos lang ng first period namin. Kami lang ni ang magkatabi dito sa likod. Wala, bakante yung upuan ni Howard. Haaay. Ano ba yan.. Kami kami na nga lang yung magkakasama rito eh. Nasan nga yung lalaking yun?





" Di ko nga rin alam. Try mo nga tawagan."






" Ikaw nalang. Ano namang sasabihin ko dun?" Jaz.





" Aba. Eh ikaw naman kaclose non eh."





" Hindi ah. Psh. Bahala na nga sya sa buhay nya. Kaya ko lang naman tinatanong ay... Wala kang makakasama mamayang recess at lunch. Kasi kay Lorraine ako sasabay." Ayun. As expected, kasabay na naman nya yung girlfriend nya. Well, ewan ko.. Kung kelan ba naging sila, ang alam nalang, girlfriend na nya si Lorraine.





" Hay naku. Sige na nga ako tatawag. Pero teka, nasan yung kapatid mo nga pala?"





" Si Ej ba? Eh hindi ko alam. Basta ang alam ko, nung isang gabi pag-uwi ko, Aba! Alam mo na ba? Si, yung magaling kong kapatid, nag-uwi ng chicks nya sa bahay. At doon daw magi-stay." Natameme ako naman saglit. Hah? Si Ej? Daw? Nag...uwi? Ng....babae?





" Pfffft. Hahahah. Nakakatawa yang mukha mo. Alam mo yun?" Sya. Tss. Eh sa hindi lang naman ako makapaniwala eh. Ang pagkakakilala ko kay Ej, matino, mabait, hindi gagawa ng ika gagalit ng babae, hindi... Playboy?






" Ehh...A....a-anu naman?" Psh. What am I thinking?!





" Xhan. Wag kang masyadong magisip ng kung ano ano. Alam mo kasi, kahit may pagkatarantado yun. Alam ko namang matino sya...pagdating sa babaeng gusto nya. Eh alam mo naman na lagi kaming away, pero kilala ko sya. Eh kapatid ko eh. Kaya...para wala ka nang masyadong isipin. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Ha?" Tinapik nya ako sa balikat. Wait... Ano daw? Kalimutan? Alin? Hahahaha! Sige na nga, magpapanggap nalang akong slow. For the first time... Pero bakit hindi ko magamit yung pagiging slow ko dito?



-recess-


" Hi Xhan!" Napatingin ako sa tumawag. Si Ej.







" Magisa ka ata?" Tumabi sya sakin. Nandito ako sa cafeteria ngayon. Wala akong kasama syempre(nong hindi pa dumadating si Ej)







" Eh wala e. Iniwan na nila akong lahat." Ewan ko ba Kung bakit ako nagpapakadrama ngayon. Eh pakiramdam ko lang naman... Di-nitch ako ng lahat ng tropa ko.




" Kaw naman!..Ba't di mo ipaMMk ang buhay mo? Ang drama eh." Sabi nya. Aba at! Grabe sya ha!






" Psh. Eh ano naman. Totoo naman eh." Sabi ko at kumain nalang ng sandwich ko.







" Xhan. Gusto mo bang mamasyal?" Sabi nya. Out of the blue.




" Ha? Mamasyal? What do you mean? " tanong ko. Kahit alam ko naman kung anong iniisip nya.





" Cutting." Sabi nya. Sabi na nga ba eh. Minsan kasi nagcu-cutting na kami ni Ej. Nasanay na rin ako eh, dahil sa kanya.






" Fine. Nakakatamad narin namang pumasok sa next subject, ang boring ng physics eh."




" Oo nga eh. Teka... Nasan yung ibang kaibigan mo nga pala? "





" Si Howard kanina ko pa hindi macontact. Si Jaz may date." Sabi ko. Alam kong malungkot yung pagkakasabi ko. Kaya tinitignan nya ako na parang naaawa sya sakin.






I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon