Chapter 11: The new student

72 3 0
                                    

Rox's Pov

Kinabukasan*

" Mag isa ka ata, bestfriend." sabi ko..pagdating ko kasi dito sa tambayan nakita ko sya mag isa...naggigitara, ang aga nya ata? maaga kasi ako ngayon pumunta dito sa school,kaya hindi ko na sya pinuntahan sa bahay nila...pero nandito na pala sya.Napatingin sya sakin,pero tumingin din sya agad sa papel ata (hindi ko alam kung ano yun eh) pero pansin ko hindi sya na naman sya nakapuyod at sumbrero..kaya naman naninibago ako bigla,bukod sa look nya, ang kanyang laging masayang ngiti, hindi ko makita ngayo..iniisip parin kaya nya yung kahapon?

" Uy! tulala ka dyan?" natauhan naman ako bigla..

" Hah?"

" Sabi ko halika dito sa tabi ko ,guitarahin mo to,eto yung copy oh, eto yung kakantahin natin sa singing contest." sabi nya.
Oo nga pala hindi ko pa nasasabi, sumasali din kami ng singing contest sa mga gantong events sa school.. magaling din kasi kami parehas kumanta ni Xhan..

" Ok." sabi ko nalang, tas kinuha ko yung papel at tinignan yun,may chords at lyrics na..Faraway ang title..sa piano talaga namin tinutugtog to madalas pero minsan sa guitar,mas trip ata ni Xhan ang guitar ngayon.. eto yung madalas naming kinakanta ,kapag bored kami,kinakanta rin namin to kasama ang mga kabarkada namin..Theme song narin namin ang kantang to. Umupo ako sa tabi nya at binigay nya sakin yung gitara tapos..ewan, bigla akong hindi naging komportable, lumayo ako konte, at tumingin sa kanya nakatingin lang sya sa papel...seryoso sya. Hindi ako sanay ,kasi ang lagi kong nakikitang Xhan ay yung masayahin sa mukha,yung maliwanag, nagiging seryoso man sya minsan,pero saglit lang naman, kapag sobrang naaasar lang sya sa mga kumukulit sa kanya..Tinanggal ko yung suot kong cap at isinuot ko sa kanya,napatingin naman sya, ibang iba yung mukha nya ngayon, kapag malapit..seryoso pero.......nang aakit...ghhaaad! anong nang yayari sa kanya? o sakin?

" Salamat." ngumiti sya pero parang pilit

" Tell me..anong problema?" nakatingin lang ako sa mata nyang blangkong expression, kahit hindi sya nakatingin..alam ko , hindi nya masabi..maglilihim na naman ba sya?

" Tell me, I'm your bestfriend , ililihim o itatago mo naman ba yan? kahit dito lang oh, sa bestfriend mo...hindi kasi ako sanay na ganyan ka, tahimik tapos Seryoso." tumitig muna sya saking mata

" He's back." sabi nya tas tumungo

" Who?"

" Edi yung ama ko." Ow! yung ama nyang 7 years old sya nung iniwan sya..galit na galit dun si Xhan eh. Hindi ako nagsalita, pinakinggan ko lang yung sunod nyang sasabihin.

" Ganon lang yon?pagkatapos kaming iwan ng napakatagal na panahon..ganon lang kadali nilang patawarin, lalo na si kuya...sya yung nagsabi sakin noon na wala na kaming kikilalaning ama,tapos ngayon, okey lang sa kanya na bumalik samin yung lalaking yun? kaya litong lito ako...hindi naman kasi ganon kadali yun diba?"

" Oo, naiintindihan kita,mahirap nga patawarin agad ang taong iniwan ka ng maraming taon...Bilang kaibigan mo,gusto kong maging masaya ka and choose kung san ka sasaya..hindi sa nakikialam ako sa pamilya mo pero para sakin, kung gusto nilang bumalik sya, then let them, kahit hindi mo muna sya mapatawad ....Agad., para sa pamilya mo lang, malay mo mapatunayan nyang sincere talaga syang gustong bumalik sa inyo..at gustong makabawi." tumingin sa aking mga mata ulit.

" Natatakot kasi ako...paano kung mapatawad ko agad tapos umasa na naman ako na hindi nya kami iiwan? tapos isang araw iwan nya kami ,natatakot ako eh,,ayoko na eh..ayoko na maiwan ulit." yung mata nya parang may tutulo na naman na luha,bigla kong naalala yung nung isang araw,nung nakita ko isura nyang hindi ko nais makita kaylan man, hindi ko alam pero ayaw ko nang maulit ulit yun, ayoko nang makita ulit syang ganon...kasi nasasaktan din yung feelings ko, alam mo yung pakiramdam na gusto mo nang saktan yung taong nagpaiyak sa kanya..Oa na kung Oa, eh yun yung nararamdaman ko eh...hindi ko alam kung bakit...kasi siguro bestfriend ko sya. Inakbayan ko sya at pinasandal sa balikat ko, as her bestfriend kailangan ko syang icomfort.

I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon