Chapter 37

40 2 2
                                    



Xhan's Pov




" Xhan.."




Napamulat ako ng may marinig akong boses. Tinignan ko kung sino yun. At napabalikwas ako sa Kama ko ng makita ko si kuya.







" Kuya? Anong ginagawa mo dito?" 





" Ako nga. Ikaw dapat ang tanungin ko nyan. Anong ginagawa mo dito? Bakit Nandito ka pa? Biyernes palang ngayon oy! Masyado mo nang inaabuso yang pagiging late mo." Haaaay... Dami agad nasermon. Kadadating Lang eh...










" Wala akong gana pumasok.." Humiga na ulit ako. At nagtalukbong. Bigla naman kinuha ni kuya yung kumot.







" Sinabi na sakin ni mama.. Ilang araw ka na raw ring absent. Nagaway raw kayo ni Rox. " Sabi Nya. Umupo ako ng ayos.








" Eh. Ano eh.... Tungkol don sa gf Nya---"










" Wala akong pakialam kung sino mang pontiu pilato yon. Ang point ko, pumasok ka, kahit na may away kayo. Wag mong hayaan na bumaba ang grades mo dahil lang don. Tsaka Hindi mo pwedeng ikulong lang ang sarili mo lagi dito. Hindi nakakatulong yan. Imbis na kinakausap mo sya ng masinsinan at Hindi mo hinahayaan na mawala nalang sya dahil lang sa away nyong yon."








" Eh...kuya, Ilang beses na akong nagpabalikbalik. Ginawa ko naman yon eh. Hindi naman ako agad sumuko. Kaya lang,narealize ko... Kapag pagod ka na,kailangan mo na talagang sumuko. Lalo na kapag nagmumukha ka lang tanga." Seryosong Sabi ko. Tama naman eh.





Natahimik sya. Ilang saglit pa. Ginulo nya ang buhok ko.







" Malalampasan nyo rin yan...Alam mo, Hindi basta basta mabubura o makakalimutan sa isip nyo ang pinagsamahan nyo ng Ilang taon."









" Tita Xhan!!" May narinig akong maliit na boses. Pumasok sya dito sa kwarto ko. Si Ken. Ang pamangkin ko, Anak sya ni kuya Aries.









" Ken!" Niyakap ko sya. 5 years old na sya. Mana sya sakin, gwapo,matalino,mabait,magalang..... Syempre nakuha ko yan lahat Kay kuya Aries. Pero kamukha nya ang mama nya.Haaaay, ang tagal ko na ring Hindi nakita tong batang to. Isa sya sa energy ko eh.








" Kamusta na baby ko? Ha?..." Pinisil ko sya sa pisngi. Cute nya talaga.








" Big boy na ako tita... Don't call 'baby' na. Nag pupunta na nga ako school eh. Grade 1 na ako." Sya.









" Kuya ba't nandito pala si Ken Kung pumapasok na sya?" Tanong ko Kay kuya.










" Magi-stay muna sya dito ng ilang araw. Pinaalam ko na sa school na magbabakasyon muna sya ng ilang linggo. May business trip kasi ako eh. Tapos si mama nya, busy na rin sya sa work Kaya hindi mabantayan si Ken. Ayaw naming ipagkatiwala sa Yaya, kasi mahirap na magtiwala eh." Sabi nya. Parang natahimik naman ako saglit. Narinig ko naman kasi yung 'tiwala'. Parang sapul din sakin yung 'mahirap na magtiwala'











" Tita! Let's eat na. Masarap luto ni nanay. Tara na.." Ken.Hila hila nya ako. 'Nanay' ang tawag nya sa Lola Nya.









" Una na kayo. Ayos Lang akong sarili."











" San ka naman natutong magayos ng sarili?" Natatawang Sabi ni kuya. Psh.









I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon