Chapter 29: mahal pa ba?

45 3 0
                                    



Rox's Pov

Days past..

Third year college na kami,ganun parin. Magkakaklase parin kami nina Xhan,Howard,Jaz and Jude. Well, Wala naman masyadong nangyari nong mga nagdaang araw. Bukod sa, ayun nga, umuunti na kami. Nakaalis na si kuya Roy at ate Chloe ,papuntang ibang bansa. Si ate Myla, alam nyo na...lumalaki na ang tyan nya, Kaya hindi na rin namin masyadong nakakasama si Toff sa school,dahil minsan kailangan nya pang umabsent,para mabantayan si ate Myla.At eto pa... Akalain mo ba naman, ako pa ang pinaglilihian ni ate Myla. Aba! Lagi ba naman akong pinapapunta sa bahay nila. Tapos ako naman, no choice,kundi pumunta. Nagmamaktol daw kapag hindi ako makakapunta. Kaya, lagi ko rin namang nakakasama yung iba. Si Xhan laging sumasama sakin kapag pumupunta ako Kay ate Myla. Si Andrei nga pala,busy na rin sa work nya, sa pagpapatakbo ng company nila.

" Huyyy!!" Nagulat ako ng biglang pagsulpot ni Xhan. Nandito ako sa classroom,nauna ako pumasok eh. Wala,trip ko lang. Haha. Angal?

" Bakit ka ba nanggugulat?!bwisit ka naman eh." Naiinis na Sabi ko. Umupo sya sa tabi ko.

" Eh panu naman... Napakaseryoso mo na namang nagbabasa dyan.. Pssh." Sya. Well,ganto ako eh. Kapag nagiisip ng malalim,nagpepretend na nagbabasa ako. Simula lang, ngayon. Ngayong third year. Hindi ko kasi alam kung bakit ganon parin yung pakikitungo ko Kay Jillianna. (Nung nandon kami sa resort). Kapag nakikita, o kasama ko sya,Hindi ko alam. Parang hindi na ako komportable. Hanggang ngayon,Hindi ko parin masabi sa kanya,yung nakita ko..yung paghahalikan nila ng ibang lalaki. Haaay, Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag ganitong nakakapagisip ako ng malalim. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit parang wala naman akong nararamdamang sakit. Nung una Lang, Pero ba't nung tumagal,yung araw araw na nakakasama ko sya. Wala na akong maramdaman, feeling ko pati.... Pagmamahal.

" Hay, sige magbasa ka na nga lang dyan. Walang kwenta kausap." Masungit na sabi nya. Hindi ko kasi sya pinansin,at nagpatuloy na sa pagbabasa. Wala eh,lutang ako. Sorry nalang muna sayo,bestfriend.

Xhan's Pov

Ang boring. Sobra. Kainis.

Nandito ako sa cafeteria. Wala akong kasama. Wala eh. Nagugutom ako, gusto kong kumain dito eh. Yung mga kasama ko nandon sila sa tambayan. Gusto ko rin muna mapagisa. Ewan,naiinis kasi ako kay Rox . Bakit ba ganon sya? Minsan nalang sya mamansin. Tapos mas natakatuon pa ang pansin nya sa libro. Nasaan na? Nasaan na ang bestfriend ko?! Yung nakiki-cooperate lagi samin. Yung lagi akong sinasamahan,kapag halimbawa trip kong mamasyal. Madaldal na Rox,kahit sakin lang. Para sa kanila,ganon parin naman,masaya parin,walang nagbago. Pero sakin,marami,maraming nagbago,specially kay Rox..Haaay. Ang lonely lonely ko.

Nakahalumbaba ako ngayon dito,Habang nagrereview. May exam kami mamaya eh. Kumakain na rin.

" Hey bitchy! Lonely huh." Napatingin ako sa nagsalita. It's Jillianna, with Alycca and Lorainne. Psh. At ako ba ang tinutukoy nito? Sakin nakatingin eh. Baka ako. Psh. Nakahalukipkip pa,nakataas ang isang kilay.

" Look who's not." Sabay irap. At bumalik na ulit sa pagrereview. Wala akong time,para makipag bitchy-han sa kanya.

" Do you think I'm talking to you? Bakit? Tinatamaan ka ba?" Napatingin ako sa kanya. She's still here. Ano na naman kayang gustong ipaglaban nito?

-__-

Ngumiti ako ng fake. " Ow. I thought you're talking to yourself." Sabi ko. Hays.

" Are you saying that I am bitch.?" Nakataas na kilay na sabi nya.

" Well. Hindi ko sinabi yun. At least hindi ako nagagalit kahit hindi totoo. " inosenteng sabi ko. Totoo naman eh. Ang sama na kasi ng tingin nya sakin.

I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon