Chapter 21: being with the girls

49 3 0
                                    


Xhan's Pov

" Hey! Xhan." Hindi ko alam Kung ba't pumunta tong dalwang to dito sa bahay.

" Bakit kayo pumunta dito?" Tanong ko,Habang pumapasok kami sa loob.

" We just wanted Lang naman to dalaw our other pinsan, kasi Tito Rico said kasi na..she's going to debut na this June. We want us to be the designer of her gown and we want to design for her party." Sabi Nya at Umupo kami sa sofa..Oo nga pala. Hindi ko pa sinasabi kila mama,kuya at Shei ang tungkol sa pinsan namin.

" Xhan. May bisita ka pala." Si mama.

" Hi tita Chantelle." Kilala rin pala nila si mama.

" Oh. Bago mong kaibigan?" Sabi ni mama Habang lumalapit samin.

" Ate! Sinong bisita mo?" Shei.habang pababa.

" Oh wait...kilala ko sila ah! Diba sila yung new student sa school? Sikat na sikat nga sila eh." Hangang hanggang sabi ni Shei ng makita na nya sila.

" I'm Lea po and she's Danna ." Pagpapakilala nila

" Talaga? Anung sinadya nyo dito?" Mama.

" Hindi pa po ba sinabi ni Xhan sa inyo?" Lea

" Alin?" mama

" Oo, hindi ko pa nga nasasabi." sabi ko

" Anu yun?" Shei

" Our mom and your father are siblings. So that means we're cousins. We already said that to Xhan." Danna

" Hah? Totoo ba yan?!" react ni Shei

" Tito nyo si Rico? Kamusta na sya?" yuna agad ang sinabi ni mama

" Okey lang po. He's really kind to us po. Hindi po sya makapunta dito kasi marami po syang ginagawang work sa company po nya. But...believe me, he really miss you. all of you." Lea.

" Talaga?! Pinsan namin kayo?! Ang galing naman! Ambongga naman pala ng pamilya natin. May lahing pang model talaga!" -___- Hindi naman halatang proud na proud sya. Yung mga ngiti naman nung dalawa parang napipilitan nalang.

" And also nabanggit din samin ni Tito Rico na magdedebut na daw si Shei. So we decided na kami ang mag design ng gown nya at all set ng party." Danna. Mas lalo namang kuminang ang mata ni Shei.

" O my G! Super the best na talaga si papa! Thanks cousins!" Hindi naman sya masyadong Masaya! Kung makasigaw wagas!-_-..... Yung dalawa pilit parin yung ngiti.

" Naku. Maraming salamat kasi...binalita nyo samin ang kalagayan Rico. Miss na rin namin sya. At salamat din at kayo ang magdedesign sa debut ni Shei." Mama. I can see a spark on her eyes. I can feel that she's happy. And I know that is because there's someone told that HE's fine. And he's probably,doing anything just to make us happy even if he's not with us.

" Walang Anuman po, ginagawa po namin Ito kasi....Tito Rico is like our second father. He's kind and he loves us. And I'm pretty sure that he really wanted to see you anytime. He really loves you than anyone." Lea. Nagkwentuhan pa sila tungkol sa father ko. Ako nakikinig Lang.. Sinasabi ng isip ko na,Hindi ako interisado. Pero may nagtutulak parin sakin na Alamin kung Ano yung buhay Nya nung Wala kami sa piling Nya. Kung Ano ang ginagawa Nya nung mga panahon na Hindi namin sya Kasama.

Nagkwekwetuhan pa sila ng biglang May nagdoorbell. Ako na ang pumunta sa labas para tignan.
" Anung ginagawa nyo dito? "Nakita ko kasi sa labas sila. Jude at Howard.

" Eh ang boring kasi eh. Wala naman kaming magawa sa mga bahay namin. Tapos yung iba busy din..alam mo na." Howard. Oo nga eh.. Si Toff Hindi na namin sya masyadong nakakasama, kasi mas nagkakaroon na sya ng priority Kay ate Myla. Ganon din naman si Andrei, pero sya..yung priority Nya ay company nila. Magpapatakbo narin daw kasi sya ng company, kapag naka graduate sya ng College. Yun rin naman ang gusto ni Andrei. Maliban sa gusto Nya ring magpatayo ng sarili nyang gym. At eto si Jeff... Akalain mo bang..nakabuntis din daw sya,pero Hindi daw sya sigurado. Sinabi Lang sakanya ng girl na butis daw at sya ang ama.Pinapapunta raw sya ng parents Nya sa Canada. At dun ayusin yung problema Nya. Yung sinasabing nabuntis daw nyang yun ay yung fiancé Nya na taga Canada rin. Saklap naman ng buhay nya. At ngayon...eto kakaunti nalang kaming makakasama ngayon, ibawas mo pa si Rox. Siguro mas makakasama Nya na yung gf Nya, kasi bakasyon.

I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon